Kabanata 14

942 20 0
                                    


Pagkauwi ko ng bandang alas otso ng gabi nadatnan ko ang mga barkada ni Morgan sa may sala. Hindi yata nila ako napansin dahil mukhang sobrang nagkakasiyahan sila.

Sobrang sakit ng ulo ko. Nanghihina ang buong katawan ko. Naulanan kasi ako kaninang tanghali ng lumabas ako ng school. Hindi paan din ako kumakain ng lunch kanina dahil inihabol ko ang output na pinasa ko sa Theories of Personality.

Nandun lahat sina Ford, Rhys, Caliber, Kristoff, Rain, Paul including si Sean yung bagong barkada nila na pumunta dati dito sa bahay. Marami din silang kasama na mga babae.

Nangunguna si Caliber sa kalandian at ayun nagmemake out na sa sofa kasama ng babae niya. Hindi ko makita si Morgan. Nasaan kaya yun?

We need to talk but I don't think makakapag-usap kami ngayon. Lalo na at nandito ang mga barkada niya. Ayokong sirain ang moment nila. Baka makaistorbo pa ako.

Gusto ko na lang sanang matulog pero gusto kong kumain. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko.

Umakyat na ako sa kwarto ko and changed my clothes. I opened my phone and received a message from an unknown number.

'Save me from her.'

Sino naman kaya to? Wrong send? Pinagtitripan ako?

Hala wait! The person need help. What if scam lang? Uso ngayon yan. A prank maybe?

Saan naman niya nakuha number ko kung ganoon? Hindi naka-save ang pangalan niya sa contact list ko.

Godness! Mababaliw na ata ako. Baka naman kasi need niya ng tulong at ako ang naisip niya lang na tutulong sa kaniya? Baka nasa bingit na ng kamatayan ang tao. Kilala ko kaya siya?

Pero uso ang mga prank ngayon yung tipong nantitrip lang. Hindi naman siguro horror at thriller ang mangyayari sa flow ng buhay ko. Pang-romance lang kaya ko. Hahaha!

I rolled my eyes heavenward I am now look like a stupid.

Gusto ko sanang magpahatid na lang ng pagkain dito sa taas pero mukhang busy ang mga maids sa pag-aasikaso sa mga bwisita. Kukuha rin sana ako ng gamot para diretso tulog na ako mamaya.

Ipinagsawalang bahala ko na lang ang nareceive ko. Marami naman ang ibig sabihin ng help. Di naman specific ang details na ibinigay. Maybe na wrong send lang. Malay ko ba kung sino yun. Gabing-gabi na. Baka nagbabalak lang na dukutin ako.

Pababa na sana ako sa hagdan ng magkasalubong kami ni Sean.

Napaarko ang kilay ko dahil sa titig niyang tumatagos sa mga kalamnan ko. Bakit ba ganito to makatitig na parang may malaki akong kasalanan na nagawa.

Napailing ako at lalagpasan na sana siya pero napahinto ako ng magsalita siya.

"It's nice to see you again this close Faye." Kinilabutan ako dahil may kasama pang pangngisi ang mga ngiting ipinukol niya sa akin.

Kunot-noo ko naman siyang binalingan ng tingin. Do I know this guy? Kaibigan siya ni Morgan and that's the only thing na alam ko. Sino nga ba siya?

"Tama ba ako ng rinig? You called me by my second name?"

"Di ka pa rin nagbabago. You're still the same Faye kahit ilang taon na ang lumipas."

Ngayon napalitan na ang mga ngiti niya. Nakangiti siya pero halata mo sa tinig at mata niya ang kalungkutan.

May invisible na question mark naman ngayon sa akin dahil sa mga pinagsasabi ng kaharap ko. Inirapan ko naman dahil mukhang pinagtitripan ako ng isang to.

Mas lumapit siya sa akin at ngayon nakatitig na siya sa mga mata ko. Napalunok ako dahil sa distansiya namin ngayon. Gusto ko siyang itulak palayo pero nanginginig ang mga kamay ko.

Dominant LoverWhere stories live. Discover now