Kabanata 20

861 22 0
                                    


"Morgan aalis na ako!" Sigaw ko dahil rinig ko ang tubig sa banyo siguradong naliligo siya.

"No, stay."

Pinakalma ko ang sarili ko. I need to calm down. He loves me right? He won't hurt me. I trust him.

Natatakot lang kasi ako kapag galit siya. Knowing his patience and temperament. Akala ko sasaktan niya na ako kanina. Alam ko namang nadala lang siya ng galit. Kasalanan ko din naman kasi.

Umupo muna ako sa kama niya. Inilibot libot ko lang ang mga mata ko sa buong kwarto. May nag-iisang painting na isang abstract portrait and it is a girl. Ang ganda ng pagkapinta. Mahilig kaya siya sa mga ganiyan?

Hilig ko din kasi ang pagdrawing at pagpinta. I love art. I appreciate it.

Lumabas na siya sa banyo ng nakatopless. Yung sa lower part niya lang ang nabalutan ng tuwalya.

Napaiwas ako ng tingin. Bakit? Bakit ka umiwas? Biyaya yan Addie!

Napailing-iling ako sa iniisip ko. 

Landi ng mga mata ko dahil muling tumingin sa katawan niya. Nakita niya ang ginawa ko kaya ngumisi siya at pumunta na sa walk in closet niya. Sarap ata tanggalin ng mata ko ngayon pinahiya ako eh.

Ang init bigla. Siguro dahil hindi pa ako naliligo.

Bumalik siya na nakasuot na ng white shirt at b-boxer?

Kita niya atang napalunok ako sa bandang ibaba niya kaya ngayon rinig ko ang pigil niyang tawa.

"A-ano ba! Y-yan ang suot mo? Magshort ka. Ang pangit tignan. "

"Inuutusan mo ako?" Nagbalik ang malamig niyang boses kanina. Ayan pahiya tayo. Sabi ko nga ang sarap ng view kaya di na siya dapat magpalit.

"S-sorry. Maliligo muna sana ako." Nakakahiya naman dahil bagong ligo siya samantalang ako amoy pawis.

"Dito ka na maligo sa kwarto ko."

"H-huh? Anong sabi mo?"

Pinapaligo niya ako dito sa kwarto niya? P-pano kung...

Ipinilig ko ang ulo ko dahil kung ano-anong image na ang nabuo sa isipan ko. Ano ba tong mga kadumihan sa utak ko.

"What were you thinking?"

"W-wala akong damit dito."

"I bought you new clothes. Lumabas ako kanina. Kaya di kita pinalabas dahil isasama sana kita but look what you did." Ngumiti siya na parang nangongonsensya.

I felt guilty. Kaya pala. Nakokonsensya tuloy ako. Kung sana sinabi niya. Akala ko kasi ikukulong niya ako dito sa bahay ng buong araw.

Napapeace sign ako. Inirapan lang niya ako. Nagsusungit nanaman siya. 

"Heto kunin mo. Go to your room and change. Balik ka okay?"

Akala ko tototohanin niya talaga.

Kinuha ko na ang iniaabot niyang limang paper bag. Sobrang dami naman ata nito.

"S-salamat. Ang rami naman nito."

"Sorry about this morning." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa may noo ko. Pagkatapos niyakap niya ako.

Nagtagal ang yakap niya. Hanggang sa narinig ko ang pagsinghot niya.

"Bakit amoy pabango ka ng lalaki? Do you have a perfume with this scent? I know you don't."

Lumayo siya sa akin at hinarap ako. Naamoy niya kaya yung pabango ni Wallace nung niyakap ko siya kanina sa lawa?

Bakit ba kasi hindi ko naisip yun! 

Dominant LoverWhere stories live. Discover now