Chapter 3

36 7 16
                                    

They say eyes is the most honest part of our  body. Mouth can lie, lips can hide the truth but the eyes couldn't. They say eyes are easy to read but, why his eyes are unreadable. His eyes are hiding many emotions. I know that because I'm also good at hiding.

Phillie snapped at me that's why I bring back my senses. Nakatingin sa akin si Reanne kaya umiwas ako, she's the only one who can read my eyes.

"Tara na, tulala ka naman." pang-aasar ni Phillie, hindi ako kumibo at hinayaan siyang hilahin ako palabas.

"Kailan na nga 'yung fun run?" tanong ni Lei habang nakikipagsiksikan kami sa mga estudyante..

"Sa isang araw, halatang hindi ka nakikinig!" sagot ni Xyrill.

"Grabe ka na sa'kin, Xyrill, pwede namang hindi ko lang maalala." pagdadrama kunwari ni Carleigh.

"Sus, puro ka nga daldal kanina!" asar din ni Reina sa kaibigan.

"Wow, ah? Ikaw kaya ang kadaldalan ko kanina!" reklamo ni Lei dahil siya naman ngayon ang inaasar.

I don't know but my mood become sour, hindi ako nakikisali sa asaran ng mga kaibigan ko habang palabas kami.

When I reached home, the silence welcomed me. The lights are off and there's no trace of my brothers. Dumiretso ako sa kwarto at nahiga kahit hindi pa ako nakakabihis.

I closed my eyes and sighed, I'm all alone again. But it's okay, I'd rather be alone than to talk to them.

Kagaya ng lagi kong ginagawa pag-uwi ay naglinis ako ng bahay at nagluto ng kanin. Hindi na ako nag-abalang magluto ng ulam dahil alam ko namang gagabihin silang lahat. Si daddy naman ay hindi uuwi dahil gabi ang duty niya. Nagluto na lang ako ng itlog at noodles para sa hapunan ko. Malakas ang music na nakaplay sa phone ko dahil wala namang tao bukod sa'kin.

Kahit nang makauwi si mommy ay tahimik pa rin. Sa'ming magkakapatid ay ako ang pinakatahimik, hindi ako pala-kwento unlike kuya Raze.

"Hindi ako makakapagluto bukas ng umaga, ikaw na muna ang bahala sa pagkain mo, ah. Maaga akong aalis bukas." bilin ni Mommy sa akin.

"Madami pa ba kayong i-rerepack?" tanong ko.

"Oo, tatapusin namin bukas 'yung natira." sagot niya bago pumasok sa banyo at maligo.

After that she bid her goodnight. Sila kuya naman ay dumating na pero dumiretso sa kani-kanilang kwarto.

Dahil hindi ako makatulog ay nagcellphone na lang ako, madaling araw na pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Iniisip nila Mommy na nagpupuyat ako lagi dahil sa wattpad pero hindi nila alam na minsan natatakot lang ako matulog dahil sa sleep paralysis na nararanasan ko gabi-gabi.

Gaya ng laging nangyayari sa'kin, hindi ko namalayan na nakatulog ako. Nagising na lang ako dahil sa boses ni Mommy, mabigat ang talukap ng mata ko pero kumilos na lang din ako.

Habang nagbibihis ako ay nag-ring ang phone ko, Lei is calling me. Sinagot ko iyon at ni-loud speaker.

"Hoy, papasok ka?" tanong niya, I'm fixing my hair while talking to her.

"Oo, paalis na ako sa bahay. Bakit?"

"Wala, wala. Hintayin mo kami ni Phillie sa may gate, ah? Sasakalin kita pag hindi." sabi niya, sa background ay naririnig ko ang ingay ni Phillie.

"Sige, pag kayo nauna, ako ang hintayin niyo. Pasasabugin ko bahay niyo pag hindi." ganti ko sa kanya bago patayin ang tawag.

Gaya ng usapan namin ni Lei ay hinintay ko sila sa gate, halos kalahating oras na akong nakatayo doon pero ang magagaling kong kaibigan ay wala pa.

Look At Me Where stories live. Discover now