Chapter 40

4 2 0
                                    

I lost count of the days, sumasabay ako sa alon ng buhay. It's tiring but in the end of the day, I have someone to lean on— someone who will listen to my rants, my achievements, and someone who's vocal to say how proud they are to me.

Ilang buwan nang magsimula ang klase para sa sophomore year namin at ang alam ko lang sobra akong na-e-excite mag-duty sa hospital para mag-observe. This final, our assessment is to get some blood in our partners. Tinuturuan na rin kami sa wound dressing at first aid kaya mas lalo akong nag-focus sa ginagawa.

Si Prince ang kukuhanan ko ng dugo at si Llyn ang kukuhanan niya, si Llyn naman ang bahala sa'kin. Pumayag naman si Ma'am sa set up naming tatlo dahil uneven din ang bilang naming magkaklase. Si Dale at Gillene ang magkukuhanan, at si Ram at Erich ang magkasama.

"Hoy, sa assessment kailangan ayusin mo. Ayoko mamatay." angal ni Gill habang hinahampas ang likod ni Dale.

"Wow, ikaw dapat ang umayos, ang bigat ng kamay mo!" Dale said.

Nagsisimula na naman silang dalawa sa bardagulan. Himala nga na tahimik si Ram at Erich habang naglalakad kami papunta sa laboratory.

Sa iba nakasama si Llyn dahil kaklase rin namin ang dati niyang kaklase.

"Gusto niyong mag-practice?" tanong ko sa kanila.

"Ayoko, gusto ko kay Dale maunang subukan." ngumisi si Gill saka kinindatan ang lalaki.

"Bakit pakiramdam ko nagdedelikado na buhay ko sa kamay ni Gillene?" Dale scoffed.

"Makaarte ka naman!" ganti ni Gill.

"May tiwala ako kay Erich, hindi niya naman siguro i-da-damage ang ugat ko." umakbay si Ram kay Erich kaya nakatanggap na naman siya ng kurot.

"Sa kaharutan mo, dapat sa'yo inuubusan ng dugo!" singhal ni Erich sa lalaki na napahawak na lang sa sariling braso dahil sa pagkakakurot ng babae.

"Nakakasakit ka na, ah!" Ram exclaimed.

"Ako? Nakakasakit ako?" she let out a sarcastic chuckle, she even pointed herself. "Eh, ikaw, hindi ba?" sarkastikong sabi ni Erich kaya natahimik kaming apat habang nakatingin sa dalawa.

Umirap pa si Erich at natahimik si Ram. "Inano kita?" inosenteng tanong ni Ram, halatang natamaan kay Erich.

"Wala!" umiwas siya ng tingin saka tumawa. I hold her arm and tried to pull her a little away from Ram.

Gano'n din ang ginawa ni Prince at Dale kay Ram. Sumunod naman sa'min si Gillene.

"You good?" tanong ni Gillene nang nanatiling nakayuko ang babae.

She let out a deep breath before nodding. Liar. She's obviously not fine. I know something's off between them.

Gill pat Erich's shoulder before going back to the boys. Tahimik kaming dalawa ni Erich habang naglalakad.

"Ano meron?" tanong ko, "It's okay if you don't want to tell me, I don't mean to pry." dagdag ko.

"He's flirting with Maui." she let out a emotionless laugh. "After making me fell in his sweet words, shuta, biglang bawi ang gago." sabi ni Erich, she's trying to hide her emotions but her voice is shaking.

Natahimik ako, alam ko naman na nagkakaseryosohan na ang dalawa at suportado namin sila pero hindi ko alam na magloloko itong si Ram. I still don't know Ram's side so I don't want to say anything.

"Si Maui? I didn't know they're close...?" pabulong kong sabi.

"Ako rin, akala ko may sasalo sa'kin, nagkamali pala ako sa kanya.." sabi niya pa.

Look At Me Where stories live. Discover now