Chapter 19

13 4 3
                                    

'Yep, I'll see you tomorrow, siopao.' Well, I'll literally see him tomorrow because we're classmates. Kahit ayokong makita siya, makikita at makikita ko siya dahil iisang room ang pinupuntahan namin.

My dress are ready, usapan namin ay kila Reina kami mag-aayos para sabay-sabay kaming pupunta sa venue. Itinulog ko na lang ang nararamdaman para bukas ay mawala na. Or so I thought. I woke up in the middle of the night gasping for air, breathing heavily and severe headache. Naupo ako sa dulo ng kama, I'm hesitating to call my mom.

I breathe in and out to calm my breathing. Pero nang hindi ko nakayanan ay tumayo na ako, I knocked twice in my parent's room. Nakaupo ako sa harap ng pinto dahil sumisikip ang dibdib ko.

"Faith, bakit?" nag-aalalang tanong ni mommy, naiiyak na ako dahil pakiramdam ko mapapagalitan ako ni daddy. Hinawakan ni Mommy ang noo ko para i-check ang temperature ko.

"Pupunta tayo sa hospital, tatawagin ko ang kuya mo." inalalayan niya ako na umupo sa sofa. She even tied my hair in a low ponytail.

Sa van kami sumakay at halos thirty minutes din ang byahe. Nakaupo ako sa isang hospital bed then may mga kurtina na nakaharang sa gilid para may privacy naman ang mga pasyente nila. Pinag-nebulizer ako ng doctor na nag-asikaso sa'min nang dumating kami. Alas-tres na ng umaga, umuwi muna si Kuya Bryle kaya kami lang ni Mommy ang naiwan dito.

According to the doctor they have to test my blood and urine kaya hindi pa ako pwedeng umuwi. Kailangan pa bumaba ang lagnat ko bago ako palabasin. Bumili ng pagkain si Mommy sa labas dahil may gamot na iinumin ngayong umaga.

Nakatingin ako sa nurse na kumukuha ng dugo ko, ipapatest na daw. After daw nito is yung urine test naman. Mukhang mamaya pa kami makakauwi.

"'My.." tawag ko kay Mommy na naghihintay sa doctor.

"Bakit? May masakit sa'yo?" tanong niya, umiling naman ako.

"Hindi ako makakapunta mamaya?" tanong ko sa kanya, medyo okay naman na ako. Sinisinat na lang pero okay naman na.

"'Wag ka na pumunta. Nandito ka pa nga sa hospital tapos 'yan pa iisipin mo?" sermon niya, tanghali na rin kasi at wala pa 'yung result ng test sa'kin. Wala ang phone ko dito kaya wala akong magawa kung hindi matulog.

Alas-dose ng tanghali nang lumapit sa'min ang doctor. Pinaliwanag niya sa'kin na mas mataas ang white blood ko kaysa sa red blood, 'yon daw ang cause ng lagnat at ng biglang pagsikip ng dibdib ko. May UTI rin daw ako kaya pawala-wala ang lagnat ko tapos babalik din. May pinabili na gamot kay Mommy na good for one week then after seven days kailangan ko daw ulit magpacheck up para malaman kung tumaas na ang red blood ko.

Nagpasundo kami kay Kuya Bryle nang makabili ng gamot. Pagkauwi ay wala na si Daddy dahil may pasok siya. Deretso kwarto ako agad para maligo, gusto ko na naman matulog. Ilang minuto lang ako naligo dahil antok na antok na ako, epekto yata ng gamot.

I checked my phone and like what I'm expecting, maraming missed calls at text galing kila Reanne. Hindi ako nakapag-reply agad dahil pumipikit na ang mata ko.

I woke up at 4:30 pm, nilalagnat pa rin. Kinuha ko ang phone ko, mas dumami ang missed calls. Nag-online ako para i-chat sila Reanne na hindi ako makakapunta. After messaging them, Xy called.

"Hoy, Cresia Faith, bakit hindi ka pupunta?!" sigaw agad ni Phillie.

"Galing ako sa hospital eh." sagot ko sa kanila, nag-open cam pa ako para ipakita ang pinagkunan ng dugo.

"Hoy, yawa ka! Ano nangyari sa'yo?" sabi ni Reanne.

"Nilalagnat lang. Matagal pa naman buhay ko, don't worry." sabi ko sa kanila, nakita ko na inaayusan ni Lei si Reina.

Look At Me Where stories live. Discover now