Chapter 23

15 5 5
                                    

He did really messaged me, we exchange ideas in different topics. He's really nice, he's patiently explaining his idea to me even though it's hard to communicate through chats. Tomorrow we have to talk again to decide on the title.

Ngayong araw ay umuwi si Kuya Calyx kaya kumpleto kaming magkakapatid. It's once in a blue moon and I want to cherish this moment. I'm staring at them while we're eating our dinner. Magkatabi si Mommy at Daddy, katabi ko si Mommy at Kuya Bryle, si kuya Cloud naman ay kaya Calyx ang magkatabi, sa tapat naman ni daddy si kuya Raze.

"Kumain ka pa, Faith. Ayan ang ulam oh!" pansin ni Kuya Calyx sa'kin dahil sa bagal kong kumain.

"Hindi ka na nasanay d'yan, mas mabilis pa nga kumain ang pusa niya kaysa sa kanya eh!" asar ni Kuya Bryle sa'kin.

"Saya ka?" peke akong tumawa at pilosopong tinanong siya, normal na usapan namin sa tuwing wala kaming sumpong na magkakapatid.

"Oo, uusok na 'yang ilong mo eh." dagdag niya pa kaya nakuha na rin namin ang atensyon ni Kuya Cloud, Kuya Raze, at maging kay mommy at daddy!

"'Wag mo ginaganyan 'yan, Bryle, baka may manliligaw na 'yan tapos aasarin mo ng ganyan." sumali pa si Kuya Cloud sa pang-aasar kaya tumawa si mommy at daddy!

Ganitong usapan ang ayoko mapag-usapan dahil ako ang topic! I love eating with them pero bakit kailangang ako ang gawing topic?

"Ano, Raze, may nagpaparamdam ba dito sa school?" baling ni Kuya Calyx kay kuya Raze dahil siya ang laging nakamata sa'kin sa school noong high school pa siya.

"Meron," pang-aasar niya sa'kin, "ayaw pa kasi aminin!"

"Hoy, wala! Kapal nito!" mabilis kong tanggi dahil napagtutulungan na ako.

"Ipakilala mo sa'min, 'yon lagi ang sinasabi ko sa'yo." nakangiti si daddy habang sumusubo ng kanin. Sinimangutan ko silang lahat dahil sila na naman ang panalo.

"Wala namang bumabawal sa'yo na mag-boyfriend eh." my mom said that made me scoff but I failed to hide my smile because of this moment.

"Nangiti na, meron 'yan." sabi ni kuya Cloud na tinawanan pa ako.

"Meron ba, Faith?" seryosong tanong ni Kuya Calyx sa'kin, sakto naman na sumusubo ako ng kanin kaya bigla akong nasamid dahil bumara yata ang manok dahil lalamunan ko!

"Nasamid na, naalala ka ng boyfriend mo?" hindi pa rin tapos si Kuya Bryle sa pang-aasar. Ako ang hotseat lagi sa mga ganito dahil bunso ako at nag-iisang babaeng kapatid nila!

"Ipakilala mo sa'min, idala mo dito." singit ni Kuya Calyx kaya hindi na ako nagkaroon ng tyansa na humindi.

"Ako na bahala sa lubid," sabi ni Kuya Raze.

"Ako na magtatali sa puno ng mangga," napailing na lang ako sa sinabi ni Kuya Cloud.

"Papakawalan ko sila Tequila kapag tumapat sa gate." dagdag ni Kuya Bryle, si Tequila ang alaga naming aso na masungit lagi.

"Sige, ako na sa hotseat. Kapag nagloko may baril ako." biro ni kuya Calyx, pulis kasi kaya siguradong hotseat nga 'yon.

"Tinatakot niyo naman 'yung kapatid niyo," nakangiting sabi ni Mommy.

Sana lang hindi matakot ang kung sinomang idadala ko sa bahay para ipakilala. Alam ko namang nagbibiro lang ang apat na 'to kaya tinawanan ko na lang. Hindi hotseat ang mangyayari kung may idala man ako na boyfriend dito dahil sure naman na aayain lang nila uminom ng alak.

'Boyfriend.. it's giving me goosebumps.'

"Wala nga! Sino ipapakilala ko sa inyo, si Jungkook?!" sabi ko nang mahimasmasan, kapag ganito kasi ang usapan lagi kong sinasabi na si Jungkook ang ihaharap ko sa kanila.

Look At Me Where stories live. Discover now