Chapter 12

13 5 7
                                    

Waking up is an achievement too. Finishing a day without giving up is a success for people having a hard time in living in this world.

As the time goes by, my family is moving forward.. step by step. It's hard..but we're trying to be better.

I'm still carrying the regrets in life and I don't how to let that go. The good thing is I'm trying to smile genuinely again. I know how my changes in myself, of course.

Mabilis mapikon, mabilis mainis, mabilis magsawa at mabilis mawalan ng pakialam. But I'm trying to reduce it, I don't want to hurt others because of my attitude.

"11-STEM, listen!" our president, Chantal called for our attention, "na-announce naman na 'to pero paalala lang, may camping na gaganapin sa Wednesday. One night and one day. So, sa Wednesday magkikita-kita lahat sa gymnasium. Sa umaga ay gagawa ng mga tent for every group, sa hapon naman ang mga activities. Sa gabi may bonfire at may Mr. and Ms. Jungle." she announced, tahimik naman kaming nakikinig sa kanya dahil interesado rin kami. Wala kasing klase.

"Ngayon, ililista ang lahat ng gusto sumali at may fee na one hundred pesos. Regarding naman sa groupings, hindi po tayo per section. Rumbled po ang basis, baka kasi magulat kayo kapag hindi niyo nakita ang mga kaklase natin. Pero don't worry, I'll ask Ma'am Yna to let us stay in our room overnight para sama-sama ang STEM."

Naging usap-usapan 'yon the whole day. Reanne and Phillie decided to join, Lei is trying to convince Reina, Xy and I are just looking to each other.

"Hoy, Xyrill! Sumali ka, ah!" sigaw ni Phillie na akala mo wala kami sa classroom.

"Oo na nga," sagot ni Xy, napilitan na rin yata dahil sa kulit ni Phillie. Pati si Reina ay napa-oo na ni Lei, nakailang irap na si Reina dahil sa kulit ni Lei. Binalingan nila ako, naghihintay ng sagot. "Magpapaalam pa ako kay daddy." sagot ko dahil hindi na naman ako matatahimik hanggang hindi ako kumikibo.

"Kami na magpapaalam para sa'yo. I got you, Sia!" sabi ni Reanne na tumabi pa sa'kin. Tumango na lang ako dahil alam ko naman na siya lang ang kaya mapa-oo ang tatay ko, samantalang sa'kin nagagalit kapag nagpapaalam ako pero kapag kay Reanne nakangiti pa!

Tumawag ako kay Daddy pero sila Reanne daw ang makikipag-usap. I sigh as soon as my Dad answer my call.

"Hello, 'dy?"

"Oh, bakit?" tanong niya, nag-aalangan pa ako kung hahayaan ko ang mga kaibigan ko na sila ang makipag-usap.

"Ano..kasi--" napatulala na lang ako nang agawin ni Reanne ang phone ko.

"Hello, daddy!" masiglang bati niya, "daddy, kapal ng mukha ko." bulong pa niya, tinamaan yata ng hiya. "hello, Tito?" biglang nagseryoso si Reanne, I stared at her as she talk to my dad.

"Tito, si Reanne 'to." pakilala niya sa sarili niya. Nakaloud speaker ang cellphone kaya naririnig namin si Daddy. Para kaming siraulo na anim dahil magkakakumpol na naman kami na parang may pinaplanong ambush.

"Reanne?" napaisip si Daddy.

"Yes po, ako po 'yung magandang kaibigan ni Sia." natulala kaming lima sa kanya dahil sobrang kalma niya, given naman na, na siya ang paborito ni mommy at daddy na nagpupunta sa bahay pero hindi ko expected na magiging ganito sila ka-chill!

"Oh, bakit?" nagulat ako sa sagot ni Daddy, he's so calm!

"Lakas talaga nitong babae na 'to," tawa ni Phillie at Lei. Sumenyas si Reanne na manahimik silang dalawa, Phille just grin and nodded.

"Tito, may camping po kasi dito sa Wednesday. Pwede po ba sumama si Sia sa'min?" tanong ni Reanne, we were waiting for my dad's response.

"Saan ba gaganapin 'yan?" tanong ni Daddy, napangiti si Reina at Xyrill dahil mukhang makukumbinsi ni Reanne si daddy.

Look At Me Where stories live. Discover now