Chapter 15

12 5 3
                                    

In the middle of the cold night, I saw the brightest star that could light up the whole place. It's his eyes. His cold eyes that shines from afar.

"Hoy, tulala ka na naman!" pinitik ni Phillie ang noo ko, tiningnan ko siya nang masama dahil malakas ang pagpitik niya!

"Hoy, masakit na 'yon ah!" I hit her arm in the sake of my revenge.

"Tulala ka eh. Problema mo?" tanong niya, nakatingin siya sa noo ko tapos biglang tumawa, hula ko ay namula 'yon.

"Madami." sagot ko bago umayos ng upo. Hindi siya sumagot pero tumawa siya, 'yung tawang pang-kontrabida sa mga series.

We finished the night just like that. We're just laughing and teasing each other, Zen's glances to Reanne.

December 23 nagpunta kami ng mga pinsan ko sa SM para bumili ng regalo. May Christmas party kasi kami sa 24. Kasama ko si Sheena. I'm having a good time with my cousins. It's our first time to went here together na walang magulang na kasama.

Nang makauwi kami ay lumapit sa'kin si Sheena. She's asking me about her money, inabot niya daw sa'kin kanina pero wala akong maalala na may binigay siya sa'kin. They are insisting that she handed me her money.

"Meron, ate Faith. Kanina n'ong nasa loob tayo ng mall." sagot ng isang pinsan ko. Frustrated na ako dahil walang naniniwala sa'kin.

"Wala naman siyang inabot sa'kin. Kinuha niya sa'kin 'yung pera niya." sagot ko, I inhale a large amount of air because I'm getting annoyed by this.

Tumango si Sheena pero ginigiit pa rin na may inabot siya. I walked out since I'm getting an public embarrassment.

"Faith, ilabas mo na 'yung pera! Baka naman kinuha mo pa!" sigaw ni Daddy, halatang nakainom.

I scoffed and didn't answer. It's useless. Fucking useless.

"Ilabas mo na, 'wag mo na itago!" at talagang pumasok pa sa kwarto ko para lang ipilit ang kanila.

"Hindi ko nga kinuha, kahit mamatay ako sa harap niyo--wala akong kinuha!" sigaw ko nang hindi ko na napigilan ang sarili. Nanggilid agad ang luha ko dahil sa inis.

It's funny how my father didn't believe me. Parang sinabi niya na rin na hindi nila ako pinalaki nang maayos.

"'Wag mo ako sinisigawan d'yan!" pinigilan ni Mommy si Daddy na sumugod pa sa kwarto. I didn't cry in front of them but I'm mad.

I hide myself inside the blanket and cry so no one will see me.

"Ano nangyari?" tanong ni Mommy, mas kalmado kaysa kay daddy.

"Pinipilit nila na kinuha ko 'yung pera ni Sheena. Kahit mamatay ako dito sa harap niyo, wala akong kinuha." sagot ko, hindi lumilingon sa kanya.

"Pagpasensyahan mo na, lasing ang daddy mo."

Pagpasensyahan? He embarrassed me. Understand them? Then, how about me?

I didn't eat that night, kahit inaya ako ni mommy ay hindi ako lumabas sa kwarto. And of course, it made my dad angry. He even took my phone, wala tuloy akong magamit para makausap man lang sila Reanne. Kahit kinabukasan ay hindi ko nagamit ang cellphone ko. Kakain lang ako kapag wala siya sa bahay o kaya tulog siya. I don't want to face him because I'm still mad.

Christmas Eve, I feel bad because I can't feel the Christmas spirit. It's just too empty for me. My first Christmas without my grandfather. It's so different.

Nag-iinuman sila Kuya sa labas kaya nagkulong lang ako sa kwarto dahil wala rin naman akong cellphone na gamit. Hindi ako gumagawi kila Sheena dahil sa nangyari n'ong nakaraan. I can't face them right now.

Look At Me Where stories live. Discover now