Chapter 7

14 5 27
                                    

Saturday and Sunday was supposed to be everyone's rest day. It was supposed to be the days we're chilling. But for some, it's a chaotic and messed up days.

Wala ngang pasok pero hindi naman makapagpahinga. It's Saturday, one of my most hated day. Walang pasok si Daddy kaya wala rin akong katahimikan. Walang tigil kung magsermon, nag-aaway tuloy sila lagi ni Kuya dahil hindi rin magpapatalo 'yon.

Like I usually do, I stayed in my room and read a book. The sun is finally saying its goodbye when I went out to my room.

"Faith, aalis kami ah." sabi ni kuya Raze habang nagsasalamin.

I didn't bother to answer him, hindi ako pwedeng sumama kasi boys thing daw. As if hindi ko alam na makikisabong sila.

"Faith, pupunta ako kila Tita mo. Gusto mo ba sumama?" sabi ni Daddy, sa siyudad nakatira sila Tita kaya alam kong bukas o sa isang araw na uuwi si daddy kaya umiling ako.

"I-lock mo ang bahay, ah? Gagabihin ang mommy mo. H'wag mong bubuksan ang pinto kapag may tumawag na hindi mo kilala." bilin niya pa sa'kin.

"Sige, ingat." tanging sinabi ko bago siya umalis. I own the house again! Finally, my peace!

Katahimikan ang bumalot sa'kin kaya nagmusic ako. I cooked my dinner which is noodles lang dahil 'yon lang ang kaya ng powers ko.

8 pm na pero wala pa si Mommy, hindi pa rin nakakauwi sila kuya. Nasa kwarto lang ako at nagbabasa ng wattpad nang biglang mag brownout.

Nagsimulang manikip ang dibdib ko, my hands are shaking badly and I'm sweating bullets! I'm a nyctophobic and I'm alone right now! I tried to calm my breathing and suppress my tears. Fears are controlling me and I can't think straight!

My phone rang, I tried to answer the call even though my hands are trembling.

"Hello?! Okay ka lang d'yan? M-may flashlight ka ba?" sunod sunod na tanong ni Reanne sa'kin, natataranta rin.

"R-reanne..wala akong.." I sob, "kasama.. Natatakot ako, Reanne.." I rest my forehead in my knees, crying.

"K-kalma, okay.. Uh.. use your phone as your flashlight.. 'yung isa mong phone ang gamitin mo bilang flashlight. I'm here, Sia.." she comforted me, using my trembling hands I took my phone in the side table.

Ginawa ko ang sinabi ni Reanne, nang may makitang liwanag kahit paano ay pinakalma ko ang sarili. Reanne didn't hang up, she kept on asking me if I'm okay.

"Are you okay na? Tangina, ako ang kinakabahan para sa'yo. Nasaan ba ang mga tao d'yan?" tanong niya ulit, ilang beses ko nang nasagot 'yon pero parang mas lumalala lang ang pag-aalala niya.

"Hindi ko alam kung saan pumunta sila Kuya saka si Lolo. Si daddy naman pumunta sa mga Tita ko, si mommy hindi pa nakakauwi." sagot ko, kahalating oras na yata ang nakalipas na magkausap kami ni Reanne.

She waited until the electricity came back, she bid her goodnight after the call. Matapos ang tawag ay doon ko lang napansin ang texts ni Phillie at Xyrill. I checked their messages and like Reanne, they are asking me if I'm okay.

I texted them back telling I'm good, sinabi ko rin na tumawag si Reanne kaya hindi ako nakapag-reply agad. Maging sa messenger ay may missed calls at chat galing kay Reina at Lei, like what I told to Phillie and Xy, I messaged them telling I'm good.

I smiled, I'm so lucky to have these girls. I waited for my mom before sleeping.

"Anong oras daw uuwi ang mga Kuya ko?" tanong ni Mommy, sinadya pa talaga ako sa kwarto para magtanong.

"Wala naman silang sinabi, hindi nga rin sinabi kung saan sila pupunta." sagot ko.

Dahil wala si daddy ay sa kwarto ko natulog si Mommy. She turn off the lights, except on the moon design lamp in the side table.

Look At Me Where stories live. Discover now