Chapter 6

16 5 3
                                    

Some things are meant to hide, some are made to deny. Hiding, sometimes, it means avoiding and protecting. Well, that's what I believe. Just like how I hide that picture from everyone. I didn't delete it, but I never showed it to everyone.

Alam ko kasing hindi ako titigilan ng mga kaibigan ko sa pang-aasar kapag nalaman nila ang tungkol d'on.

The hell week has finally come, kabilaang quizzes at performance tasks ang kaharap naming lahat.

"Okay, STEM, we'll be having a long quiz on our General Chemistry! Get one whole sheet of paper." Ma'am Sandra announced.

Masyado akong mabait na estudyante ng Raizen High kaya wala na naman akong papel. Nilingon ko si Reina dahil sa mga kaibigan ko, siya ang laging may papel na dala.

"Reina, pahingi akong--"

"Ano ba 'yan, wala na akong papel!" angil niya sabay irap pero pumilas din naman ng yellow pad at inabot sa'kin.

"Thank you!" saad ko bago bumaling sa table namin nila Llyn.

Narinig ko pa ang reklamo ni Reina nang humingi rin ng papel sila Phillie sa kanya.

"Reina, pahingi din kami!" pabulong na sabi ni Basti pero dahil likas na malakas ang boses niya ay narinig din namin.

"Oh, last na 'yan ah!" kalmado ang boses ni Reina, masyadong malayo kapag kaming mga kaibigan niya ang nanghihingi!

Tumabi kami ni Xyrill kila Lei, wala namang pakialam ang teacher namin dahil busy sa cellphone. Nakapaskil lang ang mga tanong sa TV, it's all about elements na nasa periodic table.

"Lei, pakopya." bulong ni Reina, nilingon ko si ma'am Sandra, she's still busy with her phone. Pasimple kong pinakita kay Lei ang papel ko para makakopya siya at maibigay kay Reina ang sagot.

Phillie, Reanne, Xy and I are busy discussing on the right answer. Ang magulong Phillie ay tahimik at seryoso, hindi man lang maabala.

"Sia, tignan mo 'yung number 7, parang may kulang." sabi ni Phillie, sabay naming nilingon I Xy ang TV. I also noticed something's missing. May isang element na wala para makuha ang tamang sagot.

"Ma'am," Phillie raised her hand, ma'am Sandra didn't bother to look at her.

"Yes?" tanong ng teacher namin.

"Parang may kulang po sa number 7." sabi ni Phillie, nagtinginan tuloy ang mga kaklase namin. Mukhang napansin din nila na may kulang sa problem.

"Anong number, 'nak?" Ma'am Sandra asked but her eyes never leave the screen of her phone.

"Bakit hindi na lang tumingin sa TV si ma'am, puro naman kasi cellphone. Tangina, ah, matatapos na oras." Phillie whispered, galit na.

"Sa number 7 may kulang po. Hindi po namin makuha 'yung tamang sagot." pilit pinapakalma ni Phillie ang sarili.

Wala pa ring imik si Ma'am at hindi na lang kumilos, napairap na lang si Reanne dahil sa inis.

Kung hindi pa si Chantal ang nagsabi ay hindi rin yata kikilos ang teacher namin.

"Tangina naman, si Chantal lang ba estudyante niya? Nakakapikon, ah!" bulong ni Reanne dahil sa inis.

Chantal and her friends are group of the students that has a good record when it comes to acads. Sila ang kabaligtaran namin, kung sa kanila ay walang puwang ang kalokohan, sa'min naman ay walang araw na hindi maloko. Kung sila special mention dahil sa talino at kompetensiya nila pagdating sa grades, kami naman ay special mention dahil lagi kaming maingay. We called their group as the Harvard Students Wannabe, masyado na kasing mataas ang tingin nila sa sarili nila.

Look At Me Where stories live. Discover now