Chapter 28

5 5 6
                                    

Days passed so fast, and all I can say is time really flies. May 16, his birthday, Mika convinced me to attend his kuya's birthday so I did. Simple celebration lang naman 'yon, kasama ang pamilya niya at sila Prince, and of course, I brought my friends with me. Kaibigan din naman ni Zen sila Phillie kaya si Zen na mismo ang nagyaya. It was his 19th birthday.

Dumating din ang results ng entrance exams namin and unfortunately, I didn't passed the entrance exam in CLU, sa Olivarez College Tagaytay ako pumasa na isang private school. I'm sad about it, wala sila Reanne. Sa CLU si Reanne at Xyrill, si Phillie naman sa City College of Tagaytay.

Magkakasama kaming nag-log in sa university portals kaya alam kong nadismaya rin sila nang hindi kami magkakasama sa isang university. Xy and I has the same course, nursing. Si Phillie ay criminology, at Civil Engineering naman ang kay Reanne.

I already enrolled for first year, sabay kami ni Llyn. Nursing din ang course pero nakakainis lang dahil hindi kami magkaklase. In OCT or Olivarez College Tagaytay, hindi na kami kailangan lumipat ng room para sa mga subject, isang room lang at mga prof ang pupunta sa room, just like in high school.

I applied for scholarships, too, to help my uncle and parents to pay for my tuition fee.

Zen passed his exam on CLU and other universities but still chose OCT. Ibang course kasi ang in-offer sa kanya ng CLU at hindi niya daw gusto 'yon kaya sa OCT siya tumuloy.

Hindi kami sabay nag-enroll pero sabay namin kami nagpagawa ng ID, he was with Prince and I was with Llyn. Nursing si Prince at magkaklase kami, civil engineering naman si Zen.

"Sabay na natin kuhanin 'yung credentials natin sa school." sabi ni Reanne nang sagutin ko ang tawag niya.

"Sige, kailan ba?" tanong ko habang nagliligpit ng kalat sa kwarto.

"Bukas. Sabay-sabay tayo nila Xyrill." sagot niya bago kami nagpaalam sa isa't isa.

August pa ang pasukan namin kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa pinaghahandaan. I'm not really exited about it but the thought of wearing nursing uniform is giving me chills.

Zen Mikel messaged me, nagtatanong kung kailan ako kukuha ng credentials. Nagreply ako sa kanya bago ituloy ang nililinis. It's not a day without talking to that guy, kahit sandali lang ang pag-uusap sa chat pero araw-araw 'yon.

"Hi, tita!" bati ni Reanne nang sunduin ako sa bahay. Sabay kaming pupunta sa school.

"Saan ang punta, mga hija?" tanong ni Mommy.

"Sa school po. Baka dumiretso po kami kila Xy," sagot ni Reanne, tumango si Mommy at pinayagan akong umalis. Hindi naman mahigpit si Mommy at Daddy basta alam nilang sila Reanne ang kasama. They knew my friends are trustworthy.

"Saan mag-aaral bebe mo?" tanong ni Reanne habang nasa byahe kami.

"OCT din daw," sagot ko, sanay na ako sa pagtukoy kay Zen bilang 'bebe' ko.

Hinintay namin ni Reanne sila Xy at Phillie bago pumunta sa faculty ni Sir Jayson. Hindi naman nagtagal nang dumating si Xy, si Phillie itong late na naman. Madalas kong makausap si Xy at Reanne, si Phillie naman ang madalang dahil hindi online madalas. Puro seen pa kapag nag-online.

"Good morning, Sir." bati naming apat nang kumatok kami sa faculty ni Sir bago tuluyang pumasok.

"Good morning, mga anak. Pasok kayo," he motioned his hand and we obliged to go inside.

Alam naman na ni Sir ang sadya namin kaya inabot niya rin agad sa'min ang isang brown envelope at ang year book namin. Good moral, report card, mga certificates, at 'yong pictures na kinuha n'ong pictorial, nasa loob rin ang class picture ng STEM.

Look At Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon