Chapter 20

16 5 3
                                    

It's our final examination, gaya ng inaasahan ko na paglalayuin kami ng mga kaibigan ko. Ma'am Yna keeps on arranging our seats, 'yong mga lalaki ay nakaayos na samantalang kami nila Reanne ay hindi pa.

"Phillie, dito ka. Sa tabi kita nang hindi ka makapag-ingay." sabi ni Ma'am kay Phillie, tinatawanan namin si Phillie dahil siya ang nasa harapan at katabi ni Dette. Pareho silang malapit sa table ni Ma'am Yna.

"Ikaw, Cresia, d'on ka sa tabi ni Joyce." turo ni Ma'am sa tabi ni Joyce, pang-apat na row mula sa table ni Ma'am at pangalawang line mula sa bintana.

Napasimangot na lang ako dahil malabong makatabi ko sila Reanne.

"Reanne, Carleigh, Xyrill, d'on kayo sa malapit sa pinto." utos ni Ma'am sa mga kaibigan ko, mabuti pa sila magkakasunod samantalang kami ni Phillie ay malayo.

"Reina, d'on ka sa labas. Sa tabi ni Ysakeila." utos ni Ma'am kay Reina. Nakita ko pa kung paano pasimpleng umirap si Reina kaya natawa kami.

"Ikaw, Prince, d'on sa tabi ni Basti. Zen, lipat ka." nilibot ni Ma'am ang tingin kung saan pa pwedeng maupo si Zen.

I rested my head on my desk and let them, wala pa man ang exam pero stress na ako sa basic calculus at genmath.

"Zen, d'on ka sa likod ni Lavender." dinig kong sabi ni Ma'am. "First exam niyo ay Understanding The Self. Get one and pass." dugtong ni Ma'am, naayos na siguro ang lahat.

Umayos ako nang pagkakaupo, I saw in my peripheral vision that Zen's sitting beside me. Ngayon ko lang napansin na dito pala nakaupo si Lavender. Napapalibutan ako ng mga matatalino.

The first two exams went good, nasagot ko naman ang mga tanong pero may mga ilang hindi ako sure sa sagot. Ang next exam daw ay Basic Calculus at Reading and Writing Skills, oras na naman para dumugo ang utak ko sa math.

Nang mahawakan ko ang test paper ko parang naiiyak na ako dahil unang problem pa lang ay suko na ang utak ko. I tried to solve the problems, I'm writing the solution on my scratch paper. Number 15 pa lang ako at hirap na hirap na ako sa pagsolve. May mga problems pa na 10 points each sa likod ng test paper. May mga hinulaan ako na number dahil hindi ko na talaga maintindihan at dahil naka-multiple choices naman, I just hope that luck will choose my side now.

"Sia.." tawag sa'kin ni Joyce, nilingon ko siya at mukhang pareho kaming ubos na ang isasagot. "tapos ka na?" tanong niya, umiling ako at itinuro ang last page ng test paper.

"Ako din." mahina siyang tumawa, natawa na lang din ako dahil at least hindi ako nag-iisa.

Kung ano-anong lyrics na lang ang sinusulat ko sa scratch paper ko dahil tanggap ko nang hindi ko masasagutan ang last part. Napatingin ako kay Reanne, nakakunot ang noo habang nakatingin sa test paper niya, sakto naman na napatingin siya sa'kin. Sabay kaming sumimangot at parehong gusto na umiyak, pasimple muna akong tumingin kay Ma'am bago sabihin kay Reanne na wala na akong maisagot.

Nilingon ko si Zen at Lavender na nagbubulungan, nanghihingi si Lavender ng sagot kay Zen. Pinakita naman ni Zen ang sagot niya kay Lav, gusto ko rin sana mangopya dahil alam kong babagsak ako pero hindi ko mabasa ang sulat ni Zen Mikel. Malabo ang mata ko at pangit ang sulat niya--combo-- mas lalo kong hindi nabasa.

He saw me looking at his paper and I act like I'm not. Nagulat na lang ako nang ipakita niya rin ang sagot niya sa'kin. He nodded his head, encouraging me to copy his answer. Dahil medyo nilapit niya ang papel niya ay nababasa ko naman na kahit paano ang sagot niya kaya lang hindi ko na rin kinopya lahat dahil nakatingin si Ma'am Yna. Bahala na, sana lang hindi ako bumagsak sa math na 'to. Masyadong panira ng buhay.

Nang ipasa nila Reanne ang test paper nila ay tumayo na rin ako para magpasa. There's no point to solve these problems cause I don't know how to solve it, I don't want to stress myself even more.

Look At Me Where stories live. Discover now