Chapter 27

7 5 7
                                    

I don't know how I managed to excuse myself in that moment. I just realized that I was already sitting next to my friends. I watched my schoolmates dancing with their partners and laughing with their friends.

"Babae, umiyak ka?" pansin ni Phillie sa mata ko, umiling ako sa kanya at pinilit tumawa para itanggi ang tanong niya.

"Anong nangyari sa labas, tumawag daddy mo?" tanong ni Xyrill.

"Hindi, inaantok lang ako." umiwas ako ng tingin sa kanila, lalo na kay Reanne dahil hindi man siya magsalita, alam kong may idea na agad siya. "Can I ditch the party?" bulong ko sa kanila, nagkatinginan muna silang tatlo bago tumingin sa'kin.

"Let's ditch the party, then." sabi ni Reanne bago tumayo at nauna na maglakad. Sumunod kami nila Xyrill sa kanya at pasimpleng lumabas sa event hall.

Nakasalubong namin si Zen pero umiwas ako, I can feel his eyes but I really tried my best to avoid his gaze. Naiinis ako sa sarili ko para magdrama nang gano'n, sana pinigilan ko na lang ang sarili ko na maglabas ng kahit anong insecurity. I even told him that Reanne is my insecurity, hindi tama 'yon. I deserve a freaking slap for that.

Walang nagsalita sa'ming apat at nagkanya-kanya na abalahin ang sarili. Tinanggal ko ang sapatos ko at pumasok sa CR para makaligo. Nagpajama ako at isang black shirt. Naligo na rin silang tatlo para makapagpahinga na. Dahil wala namang ginagawa, inayos ko na lang ang mga gamit ko para wala na 'kong gagawin bukas bago umuwi. Matapos ko ayusin ang bag ko ay lumabas ako sa balcony.

Naramdaman ko na may nagbukas at sara ng pinto kaya nilingon ko 'yon. Reanne sit next to me and stare the sky.

"Spill the tea, Sia."

"Wala nga 'yon, nawala lang sa mood." sabi ko habang nakatingin sa buwan.

"Your words contradict your eyes. Sa'kin ka pa ba magtatago?" she chuckled and look at me. I bit my lower lip and sigh.

"Phillie was right.." I said, she didn't even bulge after hearing that.

"Zen confessed?!" biglang singit ni Phillie na kasusunod lang sa balcony, kasunod niya si Xyrill na nakatingin sa'kin.

I nodded and avoided their gazes, "And I don't know if I'm going to believe that. It sounded like a bullshit for me."

"What did he say?" tanong ni Reanne.

I told them everything, in details. Nakinig lang sila sa'kin hanggang matapos ako.

"Kilala ko si Zen, hindi magsasabi ng kung ano 'yon para gumanti unless seryoso talaga siya." sabi ni Phillie, alam ko din naman 'yon, hindi ko lang talaga maiwasang hindi maniwala dahil hindi naman talaga kapanipaniwala.

"Kilala mo rin siya, Sia, you two became friends after working on your research." Xy says, "Kita rin naman namin kung paano siya tumingin sa'yo. Hindi ka namin aasarin at itutulak kay Cruz kung wala kaming nakikita."

"Ang labo nga kasi," katwiran ko, ayokong paniwalaan.

"Bakit ba ayaw mo maniwala? You still like him, and now he likes you!" sabi ni Xy, I sigh and steal a glance at Reanne.

"Because I know he likes Reanne!" and there, I said it. Natahimik silang tatlo mang marinig 'yon.

"Sinabi niya naman na like'd' di'ba? Past tense, babae, past tense! Dati pa. Tapos na." pinagdiinan ni Phillie 'yon sa'kin. Napatitig ako sa kanya at napagtanto na may alam siya tungkol sa lalaki.

"Alam mo, Sia, I know why you're acting like this. It's because you're doubting yourself. How many times do I have to tell you, hindi ka mahirap mahalin—magustuhan— he likes you because you are you." sabi ni Reanne, natamaan ako sa sinabi niya.

Look At Me Where stories live. Discover now