Chapter 13

14 5 5
                                    

"Okay, Team Acacia!" the leader called our attention before the first game start. I don't know what's the name of the game because I am not listening.

"I'm not saying we have to win but let's do our best! Have fun, team!" paalala ng leader namin.

Ang mechanics ng laro ay unahan ang bawat group na makarating sa finish line, the chosen member of the group need to carry one of their teammate. Kaya kung sino ang pinakamalaki at pinakamaliit sa grupo ang pinili para maglaro. Tinuturo kami ni Lei nang ilang kagrupo namin dahil daw may kaliitan kami pero tumanggi kaming dalawa, katwiran namin na mas okay kung ang mga grade 7 ang sasali dahil mas maliit.

Patawa-tawa kami ni Lei nang makita namin si Phillie at Reanne na kasali sa laro, buhat nila ang pamangkin ko na si Sheena. Ilang beses silang huminto dahil nabibigatan na yata. One group won the second place, sila Reanne talo, third place naman sila Xy.

"Gago, akala ko magaan pamangkin mo. Pagkabuhat namin, gusto na namin ibaba agad!" Phillie complained.

Inakbayan ko si Sheena, halos magkasing laki na kaming dalawa. She's the closest niece to me. Tumawa lang kaming dalawa ni Sheena habang nakikinig kila Reanne at Phillie. We proceed to the next game, like the first activity, Lei and I just sat behind our groupmates and support them. It's actually funny because the main goal of this camping is to build social skills but here we are, just sitting there and avoiding talking to others.

The last game before the sun bid its goodbye is I also don't know, we just have to protect the fire from the water splashing to us. Kailangan na namin makisali ni Lei dahil kanina pa kami nakaupo lang.

We formed a circle, magkakadikit kami at pilit tinatakpan ang apoy na nakasindi sa lupa.  Kanina pa ako napapaubo dahil sa usok, direkta kasi sa ilong namin ang usok dahil nga kailangan naming takpan ang apoy para hindi mamatay. Someone keeps on pulling me back, away from the smoke. Nilingon ko siya at bumungad sa'kin ang seryosong mukha ni Reanne.

"Hoy, baliw ka ba?!" inis na sigaw niya sa'kin nang magtagumpay sa paghila sa'kin.

"'Yung mga ka-group ko," sabi ko na babalik na sana pero kaya lang pinigilan ako ulit ni Reanne. Why is she here? Where's Phillie?

"Oh, ano pakialam ko? Gaga ka, 'yung hika mo. Hindi ka babalik d'on." humarang pa siya sa harap ko para lang makasigurado na hindi ako makakabalik.

"Si Lei--"

"Alam mo namang may asthma ka tapos sisinghot ka pa ng usok? Sinabi mo sa daddy mo na hindi ka gagawa ng kung ano na pwede mag-ingat trigger sa hika mo." sermon niya sa'kin, dinala niya pa ako sa gilid-- malayo sa ka-group ko. "Nako, Cresia Faith!" napahawak na lang ako sa batok ko dahil hindi ako makasingit sa kanya.

Pareho na kaming basa dahil sa ginawang pagprotekta sa apoy. Nakalugay pa rin ang mahaba kong buhok kaya may ilang strand na nakaharang sa mukha ko. Si Reanne naman ay naka-ponytail, some of her hair strands are covering her face but she's still pretty with her messy hair. Mabuti na lang at nagpalit kami kanina ng shirt kaya hindi kami mukhang dugyot dahil sa putik at alikabok sa katawan namin.

"Oh, nasaan si Lei?" tanong ni Reina nang tumabi sa'min nila Reanne. Nginuso ko si Lei na kasali pa rin sa laro.

"Hoy, bakit ka nandito?" tanong ni Phillie sa'kin.

"Pinagalitan po ako." sabi ko, nakangiti sa kanya. Umamba ng suntok si Reanne kaya umiwas ako at tumago sa likod ni Phillie.

"Dapat ka naman kasing pagalitan. Ikaw ang may asthma pero hindi ka nag-iingat." dagdag ni Xyrill, nakita ko naman na tumango si Reanne dahil dalawa na silang nagsesermon sa'kin.

"Taeng lalaki 'yon, tinulak ako!" sumbong ni Lei habang naglalakad palapit sa'min. "Ang sakit ng pwet ko, taeng 'yan!"

"Hinila ako ni Reanne, hindi tuloy ako nakasali." sabi ko sa kanya.

Look At Me Where stories live. Discover now