Chapter 24

23 5 0
                                    

"Kasama ko nga sila Reanne, 'dy." kanina pa ako nagpapaalan kay daddy at paulit-ulit ko rin sinasabi na sila Reanne ang kasama ko.

"Sige na, sige na. Umuwi ka nang maaga, ah?" paalala niya, mukhang nakulitan na sa'kin. Napangiti tuloy ako dahil kagabi pa ako nagpapaalam pero hindi siya sumasagot.

Hindi kasi kami sabay ngayon ni Reanne, sa school kami magkikita-kita dahil sa bahay nila Zen kami gagawa. Kung hindi ko kasama sila Reanne ay baka sa school library kami gumawa ni Zen.

Isang maliit na backpack lang ang dala ko kasama ang notebook kung saan ko sinulat ang drafts ko, may dala rin akong gamot para sa asthma ko. Naka-white shirt lang ako at pantalon para mas komportable. Nag-aabang ako ng jeep para makaalis na nang tumawag si Phillie sa'kin.

"Hello?"

"Hoy, babae! Saan ka na?" sigaw ni Phillie, kung makasigaw ay akala mo bingi ang kausap!

"Nag-aabang ng sasakyan. Na sa school ka na?" tanong ko, sakto naman na may parating na jeep kaya pinara ko na.

"Hindi pa ako nakakaalis." tumawa si Phillie.

"Paalis na 'ko, 'wag kang ghoster mamaya, Philomena Isle." banta ko bago ibaba ang tawag.

Sabi ni Zen sa'kin kagabi na i-message ko siya kapag na sa school na kami ng mga kaibigan ko. Kung ang mga kaibigan naman niya kasi ay walang problema dahil pwede na silang dumiretso sa bahay ni Zen.

Nang makarating ako sa school nakita ko si Reanne sa tapat ng gate. Mukhang kanina pa siya doon dahil halata ang pagkainip sa mukha niya. Sumunod naman na dumating si Xyrill, as usual late na naman si Phillie. Tinawagan namin siya at sabi naman niya na papunta na siya,

"Chat mo na kaya si Zen para kapag dumating si Phillie deretso na tayo sa kanila." sabi ni Reanne sa'kin.

Naisip ko naman na tama siya kaya kinuha ko na ang phone ko para i-chat ang lalaki. Pagkasend ko ng message ko ay na-seen niya rin agad.

Nang makarating si Phillie sa tabi namin ay nakangiti na naman. She's always smiling and laughing but she never told us her problems.

"Ba't ka nakatingin?" baling niya sa'kin at tinawanan ang seryoso kong mukha.

"Iniisip ko lang na mamamanhikan ka na pala kila Zen." sagot ko, iniiwasan na magsabi ng kahit anong tungkol sa pamilya niya.

"Ikaw nga 'tong may gusto d'on!" sigaw niya sa'kin, umiling ako habang nakangiti-- pilit tinatanggi ang bagay na inamin ko sa kanila n'ong bakasyon.

"Speaking of irog mo, ayon na oh!" turo ni Xy kay Zen na naglalakad palapit sa'min.

Sa tricycle kami sumakay dahil may kalayuan din daw ang bahay nila. Sabi ni Zen ay nandoon na sila Prince sa bahay nila. May kalakihan din ang bahay nila Zen pero mukha namang hindi spoiled ang lalaki.

"Pasok kayo, make yourself comfortable." anyaya ni Zen sa'min sa loob. Pinauna pa namin si Phillie na sumunod bago kami ni Xy at Reanne.

"Kuya! Saan ka galing?" sumalubong kay Zen ang isang batang babae na sa tingin ko ay 11 or 12 years old na.

"Sinundo ko lang ang mga kaklase ko." Zen ruffles the girl's hair with those soft smile plastered on his face. Naalala ko bigla n'ong ginawa niya sa'kin 'yon, it's exactly the same except the fact that it's her sister this time.

"Girlfriend mo, Kuya?" bulong pa ng bata sa kuya niya pero rinig naman namin, siniko pa ako ni Phillie kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi. Si Mama?" tanong niya sa kapatid, sakto naman na may lumabas na middle aged woman galing sa kusina.

Look At Me Where stories live. Discover now