Chapter 14

10 5 3
                                    

They say laughter is the best medicine, so that's what we did. After our crying session we came back to our normal phase. Dette, Jaimie and Joyce are already fell asleep. Kaming anim na naman ang natitira na gising.

"Nagugutom ako," bulong ni Phillie habang nakaupo kaming anim sa gilid nila Joyce. Hindi namin mailakas ang boses namin dahil baka magising ang mga kasama namin sa room.

"May pagkain ako sa bag." sabi ko, puro junk foods lang 'yon pero pwede na rin kaysa wala.

Phillie didn't say a thing but she opened my bag and took the foods. Nilabas rin ni Lei ang chichirya niya at sabay-sabay kaming kumain. Reanne and Reina went to the bathroom because they are going to sleep already. Mukhang pagod talaga ang dalawa kaya hinayaan na namin.

From time to time may nagchecheck na teacher sa bawat room kung tulog na ba ang mga estudyante. Sisilip sila sa bintana para masilip ang nasa loob.

May nakatalukbong na kumot kay Lei habang kumakain, ngayon ay apat na lang kami dahil sumuko na ang dalawa.

"Ano ba, Lei, mukhang gumagawa ka nang kulto." sabi ni Phillie, nang-aasar na naman.

"Makisali ka na, 'wag na mahiya." pagtutulak ni Xy kay Phillie. Mahina ang boses namin dahil nasa ibaba lang ng room namin ang room kung saan natutulog ang mga teacher.

"Tara, dali!" pagyaya ni Lei sa'min, I sigh. Hindi pa sila tapos sa kalokohan.

"Sia, pahiram ng phone mo na isa." sabi ni Phillie, inabot ko sa kanya ang phone na tinutukoy niya.

She turn on the flashlight and put it on the top of our head. Nakatalukbong kami ng kumot at ang ilaw na gamit namin ay 'yung cellphone ko na hawak ni Phillie. Lei borrowed my phone, 'yung lagi kong gamit, para magpicture. Mata at noo lang namin ang kita sa picture kaya tawa kami nang tawa dahil malaki na ang eyebag namin.

"Oo nga, sir. Mga high school students kasi kaya ngayon nararanasan makipagbarkada." mahina ang boses na galing sa may hagdan. Natigil kaming apat sa pagtawa nang mapagtanto na mag-iikot sila para i-check ang mga students.

Mabilis naming inalis ang kumot sa katawan namin at humiga kaya lang hindi ako makaayos dahil nakahiga si Xyrill at Lei sa tabi ko.

"Aw!" daing ko nang mauntog ako sa upuan na nasa ulunan namin, pinigil ko na lang ang sarili ko na magreact dahil nasa tapat na ang dalawang teachers na nag-iikot.

Patawa-tawa naman sila Phillie dahil mukhang narinig din nila ang pagkakauntog ko. Mas lalo silang tumawa nang nakaalis na ang mga teacher sa tapat ng room.

"Bwiset kayo, ang sakit." sabi ko habang nakahawak sa ulo ko.

"Deserve." sabi ni Phillie at Lei. Dahil wala naman nang teacher ay bumangon kami ulit at kumain.

"Hoy, tignan niyo 'yung kamay ni Reanne." bulong ni Xyrill sa'min, sabay-sabay kaming tumingin kay Reanne. Nakapikit nga ang mata pero nakakunot naman ang noo, her hands are formed into fist. Nagkatinginan kaming apat, mukhang hindi pa nakakatulog si Reanne dahil sa'min.

"Tara na matulog." sabi ko, mukhang nahihirapan matulog si Reanne dahil sa ingay namin. We decided to sleep, nakahiga na kami at tahimik na si Phillie.

"Hi, vlog. Welcome to my guys! I'm the last man standing." biglang sabi ni Lei, I don't know why but I laugh, natawa rin si Xyrill at Phillie. Nawala na ang antok na nararamdaman ko. I'm so closed to my dreamland but Lei suddenly pull me back in reality!

"Kingina mo, Lei. Makakatulog na ako eh." reklamo ni Phillie pero tumatawa naman.

"Nawala 'yung antok ko." sabi ko Xy, mukhang frustrated na dahil gusto na matulog.

Look At Me Where stories live. Discover now