Chapter 21

11 5 3
                                    

Time really flies so fast. Whenever I want to stop the time, it'll becoming more fast as if something's waiting for me.

May, our enrollment for grade 12. My friends and I decided to go together, well except with Lei and Reina since they have other plans, I think. Hinayaan na namin dahil baka may gagawin sila sa araw na napili namin nila Reanne na mag-enroll.

Susunduin daw ako ni Reanne dito sa bahay para sabay na kaming magpunta sa school at doon hihintayin si Phillie at Xyrill. Ang mabait na si Philomena Isle kasi ay um-oo lang n'ong isang linggo pero matapos n'on ay wala nang paramdam.

Sa isang araw pa naman kami mag-eenroll kaya tamang higa at pagbabasa ng wattpad lang ang inaatupag ko. Minsan lang din ako dumalaw sa facebook ko dahil wala namang mahalaga na tignan doon bukod sa chat ng mga kaibigan ko.

"Faith, kailan ka pupunta sa school?" tanong ni Mommy sa'kin nang pumasok siya sa kwarto ko.

"Sa isang araw pa," sagot ko sa kanya, tumango siya sa'kin.

"Sinong kasama mo?" dagdag niya, tumabi pa siya sa'kin sa kama ko. Nakaupo si Mommy habang nakahiga naman ako.

"Sila Reanne, pupuntahan ako dito ni Reanne." sagot ko ulit, they trusted Reanne so much so I know they'll say okay.

"Magpaalam ka sa daddy mo," tinanguan ko na lang ang sinabi niya.

"Hinihika ka ba?" kunot-noong tanong ko nang mapansin ang malalim niyang paghinga.

"Hindi naman, stress lang sa mga Kuya mo." she sighed, I bit my lower lip because I don't know what to say. Since our grandfather passed away, my brothers are always fighting-- physically, emotionally, and verbally.  Minsan pinipigilan ko sila sa tuwing nagsusuntukan sila dahil nasasaktan na si Mommy, lalo na kapag wala si Daddy, pero ako rin nasasaktan at nagkakapasa.

"Bakit na naman? Nag-away sila?" tukoy ko kay Kuya Cloud at Kuya Bryle. Si kuya Calyx naman kasi ay hindi dito nakatira kasama namin dahil lumaki siya sa mga Tita ko sa father side.

"Oo, nagtatalo kung kanino dapat mapunta 'yung lupa na nakapangalan sa lolo mo. Hindi ko naman maipaliwanag na maghahati sila dahil iniisip n'ong isa na kakampihan ko ang isa." sagot niya, ang tinutukoy niyang lupa ay ang bakanteng lote sa tapat ng bahay namin.

"Pareho naman kasing laging nakasigaw sila kuya, parehong laging tama." sabi ko, this is not the first time na sinabi ko kay Mommy 'yon. Hindi ko lang kaya sabihin na natatakot ako sa boses nila Kuya, I love them but I'm afraid to them. I want to hug them like I used to be when I was a kid but in afraid to go near them, especially when they're mad.

Nagpaalam si Mommy na lalabas na dahil magkakape daw siya, inalok pa ako ng kape pero n'ong um-oo ako biglang sinabi na 'wag na daw at baka hindi ako makatulog mamayang gabi.

Nagpaalam ako kay Daddy nang magkita kami sa living room, unang tanong sa'kin kung sino raw ang kasama ko kaya sinabi kong si Reanne, pumayag din siya agad. Papayag talaga siya dahil si Reanne 'yon.

Kinabukasan ay dating gawi, nagkukulong sa kwarto at nagbabasa. Maingay sa labas dahil naroon yata ang mga pinsan kong lalaki, kaedaran nila kuya 'yon kaya hindi rin ako makakasabay sa kanila. I'm not really comfortable sitting with them so I'd rather be alone in my room than forcing myself to smile in front of them.

10 am ang usapan namin nila Reanne kaya maaga akong gumising. My dad gave me money, just in case. Maong pants at white shirt ang suot ko saka nag sneakers na lang dahil doon ako komportable. Naka-motor si Reanne nang sunduin ako, single lang ang sinasakyan nila kaya tatlo kami; pinsan ni Reanne na siyang driver, si Reanne, at ako.

Hindi naman kalayuan ang school namin sa bahay namin kaya nakarating din kami agad. Sa Science Park namin hinintay sila Phillie at Xyrill para makita nila kami agad, katapat lang kasi ng entrance gate ang Science Park.

Look At Me Where stories live. Discover now