Chapter 5

14 5 0
                                    

Life is full of surprises, it's literally expect the unexpected.

Just like how our teachers surprises us with long quiz after the three days celebration.

"Mag-cheat tayo? Gagawa ako ng kopyahan." Giselle, our group leader in Earth and Life Science, suggested. She's a tranferee and according to her, she's in high honor.

Nagkatinginan kami ni Reanne at Lei, sabay-sabay kaming pilit na ngumiti at hindi kumibo.

Kahit si Zen at Clark ay natahimik. They are our groupmates, katabi ko si Zen at Reanne, sa tabi ni Zen ay si Clark at katabi naman ni Reanne si Lei.

"Get a one half lengthwise of paper. Number your paper one to thirty." 'yon agad ang bungad ni Ma'am Anne sa amin, wala man lang pa-good morning!

"Reanne, pahingi--"

"Sia, may papel ka?"

Nagkatinginan na lang kami at sabay na napailing, magkaibigan nga kami! We both look at Lei, hoping, but all our hopes melted down when Lei pouted, wala ring papel.

"Okay, number one!" sabi ni Ma'am kaya mas nataranta kami, sakto namang naligaw ang mata ko kay Zen at Clark.

"Ano.. pahinging papel.." I asked them, actually kay Zen talaga ako nanghihingi dahil mas nakakatakot si Clark.

He just looked at me blankly before giving me a piece of paper, hiyang hiya ako nang ilang beses ako naglahad ng kamay sa kanya dahil inabot ko kay Reanne at Lei, pati kay Ysakeila 'yung naunang binigay niya.

Napabuntong hininga na lang siya pero binigyan din naman ako.

'Mabait na siopao!'

"Thank you!" sabi ko sabay baling sa papel, I write my name and listen to the questions. Nakakasagot naman ako pero hindi ko maiwasang mapakamot sa noo dahil nakalimutan ko na tamang sagot.

I thanked myself for reading my notes last night because I'm able to answer the questions.

"Number 25.. It's when the ice, water or wind causes sediments go have collisions physical weathering results?"

"Alam mo 'to, Sia?" bulong ni Reanne sa akin habang nakatingin sa papel niya. Hindi muna ako nagsalita dahil iniisip kong mabuti ang sagot. Nabasa ko ito kagabi, ang problema lang ay hindi ko na maalala.

"Nakalimutan ko.." bulong ko, nilingon ko si Lei, umaasa na baka may maibigay na sagot.

"Tingin ka sa papel ni Cruz.." bulong ulit ni Reanne sa akin.

Sinilip ko ang sagot ni Zen para sana kumopya.

'Lord, sorry na po agad.. Isang sagot lang naman po..'

Bukod sa malabo ang mata ko, pangit ang sulat ni Zen kaya nahihirapan ako mangopya. Pilit kong binabasa at iniintindi ang sagot ni Zen kaya lang mahirap talaga mangopya. Nagulat ako nang biglang tumingin si Zen sa akin at nahuli akong nangongopya.

I also look at him, nagtama ang paningin namin. Dear, mother earth, pakilamon ako!

Iniayos niya ang papel niya at inilapit sa akin. Nang dahil sa ginawa niya ay nabasa ko ng maayos ang sulat niyang hindi kagandahan.

"Oh.. S-salamat.." bulong ko. My hands are trembling because of embarrassment.

"Ano daw, Sia? Hindi ko mabasa ang sagot mo.." reklamo ni Reanne sa penmanship ko.

"Abrasion.." bulong ko, takot na baka marinig kami ni Ma'am.

"Huh? Ayusin mo.."

Iniayos ko na lang ang sagot ko para mabasa ni Reanne at maipasa kay Lei.

Look At Me Where stories live. Discover now