Chapter 16

16 5 8
                                    

Making fun of someone isn't right and it's not funny for some. It's annoying, I know that feeling but whenever I'm attacking by my boredom I'm making fun of them too-- just like what I did to Zen by making the code name.

December 31 na ngayon at lahat ay abala para sa Media Noche. Well, may handa kami pero sure naman ako na hindi kami magsasabay-sabay sa kapag.

And right now, my friends are planning to making fun of the boys again. Magkakausap kami sa messenger at ang magaling kong kaibigan na si Reanne ay nakaisip na naman ng kalokohan. She dare us to chat the boys saying we like them at exactly 12 midnight.

"Sige sige, game ako." agree agad si Phillie dahil sure naman ako na bet nito mang-asar, lalo na kung si Cruz ang pagtitripan.

"Si Cruz sa'yo, Phillie?" tanong ni Lei habang nag-aayos ng pagkain sa lamesa nila.

"Hindi, ayoko na d'on. Sawa na ako sa mukha niya." sabi ni Phillie na tumatawa.

"Sus, si Yokai lang bet mo eh." pang-aasar ni Lei at Reina sa kanya. Pabulong na minura ni Phillie ang dalawa dahil pinagbabawalan siya ng parents niya na magmura.

"Ano, g?" tanong ni Reanne sa'min, nakangiti at halatang excited sa gagawing kalokohan. Since wala naman akong magawa, um-oo na lang ako.

"Tae nakakahiya!" reklamo ni Lei, halatang ayaw sumabay sa trip ni Reanne.

"So, ayaw mo?" tanong ni Reanne kay Lei, nang umiling si Lei ay alam na namin na hindi siya sasali at gano'n din si Reina. Magkadugtong ang bituka nila kaya kapag walang Lei, walang Reina.

"Okay," Reanne just shrugs, "ikaw Xy?"

"Sige lang." sagot ni Xy kaya napangiti si Reanne at Phillie. Tahimik lang si Xyrill pero nakikisabay naman sa'min lagi.

"Ikaw, Sia?" baling ni Reanne sa'kin, I put my thumbs up and said yes. There's no point to say no since it's just for fun.

Lei and Reina bid their byes because they have some things to do. Nag-uusap kaming apat sa gagawin mamaya.

"Si Basti sa'yo, Phillie. Sawa ka naman na kay irog mo." sabi ni Reanne na busy sa pag-aayos ng buhok.

"Sige lang, mukha namang walang magiging pakialam 'yong Yokai na 'yon eh." Phillie said, laughing.

"Sino sa'yo, Xy?" baling ni Phillie kay Xyrill, nag-isip naman si Xyrill kung sino ang pwede niyang i-chat sa mga kaklase naming lalaki.

I have someone in my mind to chat but I don't think it'll be fun since he doesn't really care?

"Si Blake na lang kaya?" suggestion ni Reanne, tumango si Xyrill para umayon na lang sa sinabi ni Reanne.

"Sa'yo, Cresia?"

"Akin si Zen.." I think.. I said it wrongly? It sounded like.. really really wrong. "I mean.. si Zen ang ichachat ko." I tried to defend myself but Phillie and Reanne are already grinning from ear to ear. Xyrill is smiling and obviously teasing me.

"Sige, sa'yo na. Hindi naman namin inaagaw." mapang-asar na boses ni Phillie ang dahilan kung bakit gusto kong sapakin ang sarili.

"Possessive ka pala.. Sige, angkinin mo na si Papi Zen." sabi ni Reanne habang tumatawa. Napapikit na lang ako dahil nahihiya na ako sa pang-aasar nila.

"Hoy, issue kayo ah! Mali lang ang pagkakasabi ko!" pagtatanggol ko sa sarili ko dahil pinuputakte na naman ako ng asar. Mabuti na lang at wala pa rito 'yung dalawa kung hindi ay ako na naman ang bugbog sa mapang-asar nilang pagkatao.

We agreed to chat them with a context of "hi, I like you. Happy new year!". See how crazy we are to have the audacity to chat our classmates just because we feel bored.

Look At Me Where stories live. Discover now