Chapter 9

17 5 9
                                    

I love being alone but I hate being lonely.

Being alone means you're happy just by yourself. Being lonely means being sad even when you're surrounded by people. Being alone and being lonely are two different things.

I tend to be free whenever I'm alone but I never felt lonely, knowing that if I come back, people I love will welcome me as if nothing happened. But, being lonely is a different thing. Whenever I feel lonely, even people are surrounding me, it's suffocating. That's why I want to be alone, but I don't want to be lonely.

It's been five days but lolo is still not stable. According to my mom, kailangan ipasok sa ICU si Lolo.

Nasa hospital ako ulit ngayon dahil wala namang pasok, junior high school students lang ang may pasok. Sabado rin naman bukas kaya ayos lang na nandito ako. Inaya ako ni mommy na pumasok sa loob ng ICU, I wanted to talk to my Lolo too. May pinasuot ang doctor sa'kin bago pumasok.

May mga machines na nakakabit sa katawan niya, for some reason, I know he's awake.

Lumapit ako sa kanya, I'm scared to touch his hand. I'm scared to hurt his hand.

"Lo, pagaling ka na agad. Naghihintay mga manok mo sa bahay," biro ko, I saw how his lips formed a smile. He can't talk because of the tube in his mouth.

"Sa second sem, magiging honor ako. Ikaw ang sasama sa'kin sa stage, payag ka naman, di'ba?" pagmamagaling ko pa, hindi ko rin sigurado kung mapapasama ako sa honor dahil matatalino ang mga kaklase ko.

He moved his hand a little, I hold his hand. I smiled at him, I miss his touch. He used to hold my hand when I was a kid, sa tuwing inaasar ko si Lola, kakampi namin siya ni Kuya Raze. I used to sit on his lap then he'll comb my hair.

"Ayan, ah! Naka-reserve na sa'yo 'yon, ikaw ang kasama ko sa stage. Walang bawian." he softly squeeze my hand and smile even though it's hard for him.

Hindi kami nagtagal sa loob dahil kailangan magpahinga ni Lolo. Uuwi rin ako mamayang hapon dahil walang tao sa bahay. Kasama namin si Kuya Calyx sa labas, wala daw siyang duty ngayon kaya nakadalaw.

Hinatid ako pauwi ni Kuya Cloud, maraming bilin sa'kin na kesyo i-double check ko ang mga lock sa bahay bago matulog, magpasama raw ako sa pinsan namin o hindi naman ay makitulog na lang ako kila Nanay. Tango na lang ako nang tango kasi kabisado ko na ang bilin nila.

Kumuha rin ng mga gamit si Kuya para sa ilang araw pa nilang pananatili sa hospital. Si Kuya Raze naman ay ilang araw nang hindi nakakapasok dahil kailangan nila mommy ng kasama at utusan para bumili ng mga gamot. Gumawa na lang kami ng excuse letter niya, ako ang nagdala sa teacher niya para maipagpaalam siya.

Magkakausap kami nila Reanne sa GC, nakavideo call kami ngayon, wala naman kaming matinong usapan dahil masyadong mapang-asar si Phillie. Ni wala nga kaming matapos na topic dahil kahit may masabi lang na isang sentence ang isa sa'min ay malilipat na ang usapan agad.

"Wait lang, may tao sa labas." sabi ko, lumabas ako sa kwarto na bitbit ang cellphone.

"Hoy, h'wag mo pagbuksan! Baka mamaya hindi mo naman kilala." paalala ni Lei, hindi ko alam pero natawa ako bigla. Mas kabado pa yata kaysa sa'kin.

"Pinsan ko 'yon, baliw." sagot ko, kumalma naman ang mukha nila.

I opened the gate and let them in, "Dito kayo matutulog, Ate?" tanong ko nang makapasok sila. Kasama niya pa ang apat na taon niyang anak na lalaki.

"Oo, wala ka daw kasama sabi ni Tita." sabi niya, hinawakan ko sa kamay ang pamangkin ko at inakay papasok.

"Hoy, Sia!" pagtawag ni Phillie sa'kin, magkakausap pa rin sa GC. At dahil naka-earphone ako, nawindang yata ang mundo ko sa lakas ng boses niya.

Look At Me Where stories live. Discover now