Chapter 30

6 4 0
                                    

My college life is going well, I think. It's not always fun, minsan nga ay gusto ko na lang maglaho para matapos na ang stress na nararanasan ko. N'ong una ay ayos pa dahil hindi kami loaded sa mga lectures, quizzes, surprise recitations.

Lahat ng course mahirap, lahat challenging, kaya ayoko ikumpara ang sarili ko sa ibang course na sa tingin ng iba na madali lang. We're all trying our best to achieve our goals, there's no competition for me.

Being around with my classmates is giving me peaceful feeling, lalo na kapag kasama ko sila Gillene na tinuturing kong kaibigan. I'm no longer the loner type of classmate because I have my own circle now. And I'm afraid to lose that. Lagi naman, lagi naman akong natatakot at nag-iisip na baka panandalian lang ang lahat. I'm over thinking.

"I'm happy for you, Sia, I mean, you're finally breaking your wall. Hindi mo na nililimitahan sarili mo, I'm happy to see you making friends." that was Reanne's words after telling her my life in OST.

"I can't say I'm happy for myself, Reanne, all I know is I'm getting better." or so I thought.

"Basta, alam mong nandito kami lagi for you. Kami pa ba?" sabi ni Xyrill, ngumiti ako at tumango.

Magkakasama kaming apat ngayon kila Reanne dahil wala kaming pasok pare-pareho dahil holiday, naisipan namin pumunta kila Reanne.

"Eh, kayo? Ano buhay sa CLU?" tanong ko, nakatingin lang kami sa kisame habang nakahiga sa sahig.

"Ayon, daig ko pa loner. Sila may kaibigan na, ako hanggang ngayon ilag mga tao!" reklamo niya pa, mukha lang mataray si Reanne sa unang kita pero sa tuwing ngingiti siya ay malalaman na madali siyang pakisamahan, mahiyain nga lang din. "Buti nga kaklase ko 'yung pinsan ko sa isang subject," dagdag niya.

"Ikaw, Xy? Ano buhay mo sa nursing?" baling namin kay Xyrill na busy na naman sa cellphone.

"Ayon, wala pa akong ka-close. Sila may mga kaibigan na," mahinang sagot ni Xy, natural na boses niya. Sa aming apat yata ay siya ang pinaka-introvert dahil ilag talaga siya sa mga taong kakikilala niya.

"Ako, masaya sa mga kaklase ko. May pinagtutulungan na nga kami, eh, 'yung bida-bida sa klase." nakangising sabi ni Phillie.

"Naturingan kang magpupulis pero bully ka!" I teased, she just let out a chuckle and shrugged.

"Hindi ka na nasanay d'yan, alagad ni satanas 'yan, eh!" sabi ni Reanne saka tinawanan si Phillie, pati si Xy ay natawa dahil kay Reanne.

"Grabe, bagong buhay na kaya ako.." sabi ni Phillie pero tiningnan lang namin siya. I stared at her blankly, she's laughing again.

"Gago, anong bago sa kademonyohan mo?" sarcastic na baling ni Reanne kay Phillie na nakangiti lang.

"Bagong buhay means nagbago kasi mas lumala." singit ni Xy, tinawanan ko si Phillie na mukhang 'di naman affected sa sinasabi namin. This is our bonding, pademonyohan.

"Kingina niyo! Ayan, si Cresia ang pag-usapan natin, halos araw-araw kasama ang bebe niya!" Phillie said and glared at me. I frowned, anong araw-araw? He's busy reviewing!

"Hoy, siraulo! Hindi kaya!" I said, frowning.

"Sus, hindi daw! Sabi ni Prince!" pang-aasar niya na nagpatigil sa'kin.

I throw a scowling look at her and plastered my annoying smile, "So, nagkakausap kayo ni Prince?"

She suddenly stopped laughing and avoided our gaze, for the first time in history, she doesn't have something to say.

"Oh, ba't ka nanahimik?" ngisi ni Reanne kay Phillie.

"Phillie, care to share?" mahinhin pa rin ang boses ni Xy kahit nang-aasar na, masyadong malayo sa boses namin nila Reanne at Phillie na parang mga demonyong bubulong-bulong.

Look At Me Where stories live. Discover now