Chapter 92

479 22 0
                                    

Azen's Point of View

Hindi maaaring magkamali si Crop na tauhan nga ni Death Snake ang mga 'to dahil kilalang-kilala sila ng buong grupo ko. Ang mga kanang kamay at Leader ng grupo ni Death Snake na bihasa rin sa pakikipaglaban bukod kay Darius. Minsan na namin silang pinaimbestigahan kaya nalalaman namin ang kakayahan nilang lahat.

 Minsan na namin silang pinaimbestigahan kaya nalalaman namin ang kakayahan nilang lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Hunter, Clinton, Apollo, Zandro)


Walang nang iba pang hihigit na hangal maliban kay King dahil nagtawag pa talaga siya ng mga kakampi niya. Kung bibilangin kaming lahat ngayon ay nasa libo kaming lahat. "We're here to avenge the death of Death Snake." Mariing turan ni Clinton. Nagtagpo ang titigan naming lahat. 


Maya-maya pa sumenyas na si King na lumusob sa amin ang mga kakampi niya kaya sumenyas na rin akong lumusob ang lahat ng mga tauhan ko kaya agad silang nagpang-abot lahat.


Habang kanya-kanyang laban ang nagaganap nananatili lang akong nakatayo ngayon sa puwesto ko habang nakatitig kay King na sa kasalukuyan ding nananatili sa kinatatayuan niya katabi ang kaibigan niyang si Jcee. Nginisian niya ako. "Now tell me who's gonna win this war, hindi ba't ako? Ni hindi mo man lang ako nagawang mapatulog." Pagmamayabang niya.


Bahagya akong natawa imbes na maasar sa kanya. "Is that your wish?" Natatawa kong tanong "Then I will give it to you, 'yong hindi ka na magigising." Nag-umpisa na akong lumapit sa kanila matapos kong pulutin ang bat na nasa lupa na ikinalaki ng mga mata ni Jcee.

"Run Jcee!" Pagtataboy niya sa kaibigan niya kaya tumakbo na ito palayo kaya siya nalang ang natitira ron. He better get ready coz I will surely erase his f*cking face 'yong hindi siya makikilala.








Jcee's Point of View

Mabilis akong nanakbo papalayo but where the heck am I? Masyadong malaki itong F.O.L. Hindi ko alam kung saan ang isa pang tamang daanan papalabas para iligtas ko ang sarili ko. Bahala na si King doon pero alam ko namang ililigtas siya ng mga tauhan ng Daddy niya. Ang mahalaga ngayon ay makatakas ako rito at makalabas.

Nagderetso lang ako sa pananakbo ngayon hanggang sa may marinig akong boses ng isang babae na nanghihingi ng tulong. "Ikaw!" Sabi niya sa akin nang magtagpo ang titigan namin. Tinuro niya ako.

Nakakulong siya sa isang maliit na kuwarto at rehas ang haligi niyon. "Buksan mo 'to pakiusap! Hindi ako masamang tao. Best friend ako ni Macey at kinulong ako ni Azen dito para hindi kami magkitang dalawa."

"Macey? Kilala mo siya?" Nagulat ako sa sinabi niya.

"Hays! Ano ba? Tulungan mo nalang kaya akong makalabas dito? Baka mamaya maabutan pa tayo nila Azen. Please tulungan mo ako!" Muli niyang pagmamakaawa kaya napilitan na rin akong tulungan siya. Tinuro niya ang susi kung saan iyon nakalagay kaya nang makuha ko 'yon ay nakalaya siya.

"Thank you so much!" Napayakap siya sa akin na siya kong kinagulat. "Ako nga pala si Malou, halika, dito ang daan papalabas." Sabi niya nang bumitaw siya sa akin sabay hawak niya sa kamay ko. 


Nananakbo kami ngayon papalayo. Nang sa kalagitnaan ay nakita namin ang isang  malaking pintuan kaya pareho kaming napangiti. Makakalabas na kami pero nanlaki ang mga mata namin nang unti-unti naman 'yong kusang nagsasara. "Ah! Hindi maaari!" Sigaw niya.


"Damn it!" Anas ko naman nang hingal kaming makalapit dito. Nasaraduhan kami. Mukhang wala talagang makakalabas dito ng buhay. Marami nga ang kakaiba sa lugar na 'to kagaya ng sinasabi sa akin ni King kahapon.

"Buksan n'yo to!" Sigaw pa niya sabay kalampag kaya tumulong na rin ako.

"Palabasin n'yo kami!" Kinalampag ko rin ang pintuan. Nang sa paglingon ko sa likuran namin nanlaki ang mga mata ko nang makita ko rito ang isa sa mga tauhan ni Azen na si Crop.

"Ah! 'Wag kang lalapit sa amin!" Pagbabanta ni Malou sa kanya.




Crop's Point of View

Napangiti ako nang makita kong hindi nakalabas si Jcee. Pero napakunot-noo ako nang makita kong kasama niya ngayon si Malou. Paano siya nakatakas? "Ah!" Nagulat siya nang makita ako. "'Wag kang lalapit sa amin!" Pagbabanta niya. Agad namang nakakuha ng bakal si Jcee at kinakabahan niyang tinutok sa akin 'yon kasabay nang paghila niya kay Malou papunta sa likuran niya.


"'Subukan mong lumapit at papatayin kita sa pamamagitan nito." Pagbabanta ni Jcee sa akin kahit panay ang pagtulo ng pawis niya.


Hindi ako sumagot bagkus ay napangisi akong lumihis ng tingin sa kanila. Napakayabang niya. Nakakairita silang tignang magkasama. Kung poprotektahan lang naman niya si Malou laban sa akin tignan nalang namin. Agad akong sumugod sa kanya na siya niyang kinalaki ng mga mata. Mabilis ko siyang nasipa kaya tumumba siya. Sunod-sunod ko pa siyang pinaulanan ng suntok.





Malou's Point of View

Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon dahil binubugbog na ni Crop ang lalaking tumulong sa akin kanina na makalabas ng selda. Mukhang mapapatay niya 'to. Nang makakita rin ako ng isang bakal pinagtangkaan kong pukpukin si Crop non nang biglang may pumigil sa akin at agad niyang tinakpan ang bibig ko at hinila niya ako palayo sa dalawa. 


Nanlaki ang mga mata ko nang pumunta siya sa harapan ko. "Kuya Ming?" Bulalas ko nang makilala ko siya.


"Shh... 'wag kang maingay." Suway niya. "Halika! Umalis na tayo rito." Mahigpit niyang hinawakan ang pulsuhan ko at hinila niya ako kaya nagpatangay na ako sa kanya.




(Book 4) of Campus Prince meets Gangster PrincessWritten by MsjovjovdPanda2018 All Rights Reserved3rd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 4) of Campus Prince meets Gangster Princess
Written by MsjovjovdPanda
2018 All Rights Reserved
3rd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

Strong Parental Guidance

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon