Chapter 59

4.9K 169 188
                                    

Azen's Point of View

Matapos ang awkward na pangyayari sa amin sa loob ng kuwarto ni Macey, naisipan ko siyang yayain na maglakad-lakad sa dagat 'di kalayuan sa bahay nila dahil natatanaw naman namin 'yon. Sinasariwa namin ngayon ang malamig na hangin.

Nang bigla kong kinuha ang cellphone ko dahil plano kong ipanuod sa kanya ang ginawa kong video ni Victoria. "Check this, baby." Inabot ko sa kanya 'yon. Pero nagulat siya sa nakita niya kasabay ng pagtakip niya ng mga mata.

"Azen, ano ba 'yan! Patayin mo nga 'yan!" Inis niyang sabi. Isang porn site kasi ang pinakita ko sa kanya pero ang pinagtaka niya lang don ay si Victoria ang babaeng nakita niya. "Paano nangyari 'yon, Azen? Bakit nasa isang porn site si Victoria?" Tanong niya.

Napangisi naman ako habang ibinalik ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko. "I just return the fact of what she wanted to do to you." Sagot ko.

"Pero Azen, hindi magandang gumanti ka sa kapwa mo." Napatitig ako sa kanya matapos niya akong pangaralan. Wala naman kasi sa bokabolaryo ko ang mga salitang ganon. "Isa pa, wala namang nangyari sa akin. Ligtas naman ako, Azen." Dusgong pa niya.

"Baby, sa tingin mo ba, hindi matutuloy 'yong masamang plinano niya sa 'yo kung hindi ako dumating don? Obviously, you might have beeen raped if I haven't found you."

Napayuko siya. Nakarealize siguro siya sa sinabi ko. "Kung sabagay may point ka pero, kawawa naman si Victoria, Azen. Ano nang nangyari sa kanya ngayon?" Maamo niya akong tinignan.

"Baby, kung siya 'yong nasa kalagayan mo—hinding-hindi siya maaawa sa 'yo. I know her. Evil is a evil. Don't worry about that bitch."

Napabuga siya ng hininga, "Kung ganon, naniniwala ka sa aking may kinalaman talaga si Victoria sa pangyayari sa akin sa BARcode?"

"Of course, baby. Bakit naman hindi kita paniniwalaan?" Sagot ko kaagad.

"Um, akala ko lang kasi." Napayuko siya.

"Baby, you are my girl. How can I mistrust you, huh?" Napatingin siya sa akin at napangiti nang marinig niya 'yon mula sa akin. Pero dahil nacute-an ako sa kanya, pinisil ko siya sa magkabila niyang pisnge. "I love you so much, baby." Bigkas ko pa. Bigla naman siyang napalihis ng tingin dahil siguro sa ginawa ko. "Baby, you don't love me?" Muling ko pang tanong.

Nahihiya siyang tumingin sa akin, "Um... kasi..." Hindi siya makasagot.

"I understand. I am the only one who keep on loving you." Sabay buntong hininga ko at nagpapaawa ko siyang tinignan. "Pero masaya akong hindi mo ininda ang nangyari sa 'yo." Dugsong ko pa.







Macey's Point of View

Napatango ako sa sinabi niya at muli ko siyang binalikan ng tingin. Lalo na at bigla nalang din kasi niya akong hinila at niyakap patalikod. Muli tuloy kumabog ang dibdib ko. "Promise. No one can hurt you, baby, no matter who they are."

Tila namumula na naman ako ngayon dahil sa mga sinasabi niya. Tapos non hinalikan pa niya ako sa ulunan kaya lalo akong pinagmulahan. Napakasweet kasi ni Azen. Hindi ko lang lubos maisip na may ganito siyang side at pinoprotektahan niya ako ng husto.

"Come on. Gumagabi na kaya pumasok ka na sa loob." Sabay hinila niya ako patungo sa bahay namin. Nakatingin lang ako sa mga kamay naming magkahawak sa isa't-isa. Hinolding hands kasi niya ako kaya nasi-sweet-an ako sa kanya.

At dahil hindi ko siya nagawang sagutin kanina kung mahal ko ba siya, minabuti kong pagnakawan nalang siya ng halik sa pisnge bilang pasasalamat ko. Tapos tumakbo na ako ng matulin hanggang sa tuluyan na akong makapasok sa loob ng bahay nang hindi siya nililingon.





Azen's Point of View

Naiwanan akong nakangiti ngayon dahil sa ginawang pagnakaw ng halik sa akin ni Macey, "So, she really wanted to do that?" Tanong ko pa sa sarili ko habang nakahawak sa pisnge ko.

***

Matapos ang ilang oras, dumeretso ako sa isa sa mga pagmamay-aring kompanya ng Daddy ni Victoria. Kasama ko ang mga Guardians at tinutungo na namin ngayon ang office niya. "President Hedraga, Young Master Kang is here in your office now." Rinig kong sabi ng tauhan niya.

At nang makita nga niya ako dahil wala akong pasintabing pumasok dito sa loob ng office niya, mabilis siyang tumayo. "Oh, Young Master Kang, please sit down. I am glad to see you here my soon son-in-law. Paano mo na lamang nakabalik na ako rito sa Pilipinas?" Masaya niyang tanong at iniwanan pa ang ginagawa niya. Mabilis niya rin akong binigyang-galang.

Presentable akong naupo sa sofa. Nakadikuwatro pa ako habang nakangisi at nakatitig sa kanya. "President Hedraga, nagpunta ako rito dahil may mahalaga akong ipapakita at sasabihin sa 'yo. Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman na nakabalik ka na ngayon ng bansa."

Awkward na napangiti ang matanda sa akin dahil nahalata ko 'yon, "Hindi mo naman talaga ako sasadyain dito Young Master Kang kung hindi importante ang sasabihin at ipapakita mo 'di ba? What is it that I need to know?" Muli akong ngumisi atsaka ko kinuha ang cellphone ko. Nilapag ko iyon sa lamesa kaya nagtataka na siya ngayon, "Anong mayroon dito?" Tanong niya.

"Watch." Simple kong sagot.

Nang magsimula naman niyang panuorin ang video—nagulantang nalang siya nang marinig niya ang alingaw-ngaw ng anak niyang si Victoria habang nakikipagtalik sa ibang lalaki. Nabitawan niya ang cellphone ko habang kabadong nakatingin sa akin.

"Now, do you think that I should continue to get marry to your daughter?" Hindi siya nakasagot. Mabilis na pumatak ang pawis sa ulunan niya at nakita ko 'yon. "Hindi ko gugustuhing pakasalan ang isang maruming babae katulad niya." Mabilis siyang lumuhod sa harapan ko.

"Y-Young Master Kang, I beg your pardon. In behalf of my daughter, I apologize for what she's done. Nakikiusap ako. 'Wag mong babawiin ang kontrata at bussiness na pinag-usapan nating dalawa. K-Kahit hindi mo pakasalan ang anak ko pero nakikiusap ako, tanggapin n'yo pa rin ang kompanya namin bilang bahagi ng mga kilalang kompanya ninyo."

Mabilis kong hinawi ang mga nakapalupot niyang braso sa mga binti ko. Hindi ako hangal para patulan ang mga sinasabi niya sa akin. "President Hedraga, 'wag mo namang ibaba ang sarili mo sa akin. Nakakahiya ka sa harapan ng mga tauhan mo. Hindi ako manghihingi sa 'yo ng pasensya infact, pagsabihan mo ang anak mo. Walang magaganap na kasalan at puputulin ko ang kontrata na ayon sa napagkasunduan nating dalawa. As I said, walang maruming tao ang dapat magbigay ng kahihiyan sa pangalan ko, lalo na sa apelyido ko. I'll go now." Kaagad akong tumayo samantala naiwanan namang natulala ang amain ni Victoria.






Martin's Point of View (Victoria's Father)

Pagkatayo niya naiwanan ako ritong nakatulala. Sadyang napakahigpit talaga ng Young Boss. Pero ang hindi ko lang maunawaan ay kung bakit nagawa 'yon ng anak ko samantala alam naman niyang ikakasal siya sa tagapagmana ng mga Park at Kang na si Azen. Mga kilalang mayayaman sa lipunan kaya bakit ito nagawa ng anak ko? Bakit 'to nagawa ni Victoria?





(Book 4) of Campus Prince meets Gangster PrincessWritten by MsjovjovdPanda2018 All Rights Reserved3rd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 4) of Campus Prince meets Gangster Princess
Written by MsjovjovdPanda
2018 All Rights Reserved
3rd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

Strong Parental Guidance

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon