Chapter 38

3.3K 94 3
                                    

Malou's Point of View

Unti-unti akong nagigising nang maramdaman kong nakagapos ang mga kamay at paa ko at nakakaramdam din ako ng pagkahilo. Naubos din ang lakas ko nang maalala ko kung paano ako nanlaban sa mga lalaking dumukot sa akin kanina.

"Uy, gising na siya." Rinig kong sabi ng katabi kong lalaki kaya napalingon ako sa kanya.

"Miss, mabuti naman at nagising ka na. Paparating na kasi si Young Boss." Kahit pa nanghihina ako pakiramdam ko si Azen ang tinutukoy niya.

At maya-maya pa nga, lahat ng mga lalaking nakapalibot sa akin ngayon nagbigay galang sa sinasabi nilang papalapit na kanilang Young Boss. Pero nanlaki bigla ang mga mata ko at tumalim ang mga pagtitig ko kay Azen nang siya ang makita ko ngayon dito at sa likuran niya ang Tres Killers pero sa anong dahilan?

"Hey Malou~" May pag-awit namang sambit ni Crop habang papalapit sila nang papalapit sa dereksyon ko.

"Hayop ka! Anong ginawa mo sa akin?" Nagpupumiglas ako.

"'Wag na nating patagalin pa 'to Malou. Pinagbataan na kita hindi ba?" Nakakunot-noo niyang sabi habang matalim ang mga pagkakatitig ko sa kanya. Anong ibig niyang sabihin don? "Akala mo ba hindi ko alam ang mga ginagawa mo?" Naguguluhan ako.

"Hindi ko alam ang mga pinagsasasabi mo." Mabilis kong sagot.

"Really? Kung ganon hindi mo ba nakikilala itong mga hambog mong mga inutusang lalaki kanina?" Napatingin ako sa likuran ng Tres Killers nang makita ko ang mga pinagpanggap at binayaran kong mga lalaki kanina kaya nanlaki ang mga mata ko. "Pinagpanggap mo pa ang isa sa kanila na nakilala ni Macey noon sa bar instead na ako? At sa harapan pa talaga ni Macey kanina ha?" Kinakabahan na ako ngayon dahil paano niya nalaman ang lahat nang 'yon? Pinasusundan ba niya ako?

"Akala mo ba hinahayaan lang kita sa mga ginagawa mo? I'm always watching you. Sa bawat pananalita mo at mga kilos mo may nagbabantay sa 'yong tauhan ko nang hindi mo nalalaman."

"Hayop ka. Mamatay ka na!"

"Uh, ah, hindi pa sa ngayon." May pagngising niyang sabi.

"Hindi dapat mapunta si Macey sa'yo. Isa kang walang kwentang tao!"

"Talaga? Kasi ang gusto mo ako ang mapunta sa 'yo hindi ba?" Napapailing-iling siya habang natatawa. "Matagal ng panahon Malou, hindi mo pa rin ba talaga ako magawang makalimutan?"


Bigla ko siyang dinuraan kaya nanlaki ang mga mata ng Tres killers. Di siguro sila makapaniwalang matapang na ako ngayon. "Bakit? Naaasar ka ba dahil bumabalik ang mga alaala mo dati?" May pagngisi pa niyang sabi.

Nilihis ko ang tingin ko sa kanya at mariin kong ipinikit ang mga mata ko nang unti-unti ngang bumabalik sa alaala ko ang mga nakaraan naming dalawa noon kahit pa masaklap 'to.

Childhood friend kami noon. Madalas kaming magkasamang naglalaro dalawa. At dahil isa sa mga tauhang Gangster noon ng mga magulang niya ang Tito ko madalas din kaming nagkikita noon ni Azen. Isinasama kasi ako ng Tito ko sa tuwing may event ang buong Gang nila. At dahil wala akong kinalakihang ama noon, ang Tito ko ang lagi kong nakakasama.

Hanggang sa lumalaki na kami unti-unti ring lumalaki ang pagkagusto ko noon sa kanya. Kahit naman alam kong si Azen ang tagapagmana ng F.O.L at ang buhay niya ay laging nasa panganib, tanggap ko naman siya. Close rin kami ng mga magulang niya.

Pero nang minsan akong magtapat noon sa kanya, kung saan pareho kaming nag-aaral noon sa Kang Academy, natatandaan kong sa hallways ko iyon ginawa.

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon