Chapter 37

3.2K 93 2
                                    

Macey's Point of View

Hingal na hingal ako nang marating ko ang Asia Academy. Kailangan kong makita si Azen para magtanong sa kanya. Pero 'di ko inaasahang si Lantis ang makikita ko ngayon dito sa gate.

Tadtad siya ng band-aid sa mukha at nakabenda ang kaliwa niyang braso. Kakarating lang niya at kakababa ng kotse. Ang amo ng mukha niya ngayon habang nakatitig sa akin. Nagkatitigan kami.

"A-Anong nangyari sa 'yo?" Pag-aalala ko. Nilapitan niya ako matapos ay bigla niya akong niyakap na siya kong ikinagulat. Nagtaka man ako pero hindi ko rin alam kung bakit hindi ko siya magawang itulak papalayo.

"Macey, I've miss you." Bulong niya kaya hindi ako lalong nakaimik. Ano ba 'tong nararamdaman ko ngayon? Naaawa lang ba ako sa kanya kaya ganito ang nararamdaman ko?

"Macey, please come back to me. I need you in my life."

"L-Lantis, ano bang sinasabi mo?" Sinusubukan ko na siya ngayong ilayo pero mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin gamit ang isa niyang braso.

"This is my last chance, please comeback to me."

"L-Lantis..."

"Macey, please stay away from Azen. Listen to me, you should choose me. Hindi maganda ang magiging buhay mo sa kanya kapag siya ang pinili mo."

"Lantis, bakit ba nagkakaganito ka? Ano bang nangyayari sa 'yo?" Binitiwan na niya ako. Maamo niya ulit akong tinignan.

"It's better that you shouldn't know it." Sabay talikod niya sa akin pero hindi ko alam kung bakit pinigilan ko siyang umalis. Ako naman ngayon ang nakahawak sa braso niya kaya napabalik siya ng tingin sa akin. "Para saan 'tong pagpigil mo sa akin? Are you now choosing me?"

Nilihis ko ang tingin sa kanya at kusa ko siyang binitawan. "W-Wala akong sinasabing ganon. Gusto ko lang talagang malaman kung anong nangyari sa 'yo."

Muli niya akong hinarap. "Kung sasabihin ko sa 'yo maniniwala ka ba?"

Naguluhan ako sa sinagot niya. "Lantis, alam naman nating hindi maganda ang sinapit ng mga kaibigan mo kaya... 'wag ka naman sanang... pati ikaw mawala."

"Are you showing that you're concerned to me?"

"Um, Lantis—"

"Please don't do it If you can't comeback to me." Mabilis niyang sabi at tuluyan na nga niya akong iniwan. Maamo ko lang pinagmasdan ang likuran niya habang may namumuong luha sa mga mata ko.






Azen's Point of View

Napangisi ako matapos kong marinig at makita ang mga pinag-usapan nina Macey at Lantis ngayon. Sadyang matigas talaga ang ulo ni Lantis dahil hanggang ngayon sinusubukan pa rin niyang kuhain si Macey sa akin.

Kulang pa yata 'yong mga pasa na inabot niya kanina sa mga Tres Killers. Ako ang may utos na ipabugbog siya kanina dahil binigyan ko siya ng isang notice dahil sa ginawa niyang pangtatangkang gahasain si Macey nung nakaraang araw.

Pinagmamasdan pa rin ngayon ni Macey ang likuran ni Lantis nang iwanan siya nito kaya naisipan ko na siyang lapitan na siya niyang kinagulat.

"K-Kanina ka pa ba riyan?" Halata ang kaba sa dibdib niya nang makita ako. Mukhang napadasal pa nga yata siya.

Nagcross arms ako habang tinititigan ko siya. "Hindi ka pumalag nung niyakap ka niya?" Nanlaki ang mga mata niya matapos ko 'yong sabihin. Mukhang hindi dininig ang panalangin niya dahil nakita ko naman talaga sila.

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon