Chapter 86

1.6K 53 1
                                    

Azen's Point of View

Magkatabi na kami ngayon sa loob ng kotse ni Macey. Halata sa kanyang alalang-alala siya sa nangyari kanina sa amin ni King.  "Hindi ba't sinabi ko na sa'yong 'wag na tayong pumunta ron sa hospital? Sa nakikita ko ngayon hindi 'to mapapalampas ni King. Baka may gawin siyang hindi maganda."

Napatingin siya sa akin. "Azen, ang ayoko lang ay 'yong mawala ka sa tabi namin ni Caleb. Paano nga kung makulong ka 'di ba? I'm sure mag-iimbestiga ang mga pulis. Paano na kami? Lalo na at sinasabi mong baka may gawing hindi maganda si King sa atin."

Matapos niya 'yong sabihin imbes na magalit ako ay bahagya pa akong napangiti. "So, nag-aalala ka ngang mawala ako sa tabi ninyo ni Caleb?" Hinawakan ko ang kamay niya. Tumango siya. "Baby, hinding hindi ako mawawala sa tabi ninyo ni Caleb. I promise." Nang bigla siyang luhimis ng tingin. "Baby, are you crying?" Aniko. Napansin ko kasi 'yon.

Mabilis niyang pinunasan ang nangigilid niyang luha. "'Wag mo nalang akong pansinin, napuwing lang ako." Pagsisinungaling niya kaya mas lalong lumawak ang mga ngiti ko.

"Baby, luma na 'yang palusot mo. Tumingin ka sa akin ng deretso." Utos ko. Hindi siya makatingin ng deretso kung kaya't hinalikan ko nalang siya.

Bahagya siyang nagulat kaya binitawan ko na siya. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisnge at nagkatitigan kami. "Baby, thank you for caring me and to our Caleb. 'Wag ka ng umiyak, I promise gagawin ko ang lahat maprotektahan ko lang kayo at ang sarili ko. Do you understand me?" Nang tumango siya minabuti ko siyang yakapin para mawala ang pangamba niya. Dinama ko rin ang yakap niya.





***
King's Point of View

Seryoso lang ako ngayong nakayuko at nakapikit habang nag-iisip ng paraan kung paano ko magagantihan ng matindi si Azen. Nasa labas ako ng ICU at nakabantay kay Mommy hanggang sa dumating dito si Jcee.

"Pre," Hinawakan niya ako sa balikat ko. "Nalaman ko 'yong tungkol sa nangyari kay Tita. Kumusta na ba siya ngayon?"

Napailing ako. "Humanda sa akin 'yang Azen Kang na 'yan. Mapapatay ko talaga siya kapag ka nawala sa akin si Mommy." Napatikom ang kamao ko habang naguguluhan naman niya akong tinignan.

"Ibigsabihin may kinalaman si Azen dito?" Pagtataka niya.

Tumingin ako ng masama sa kanya. "Hindi ako naniniwalang binaril ni Mommy ang sarili niya. Paano niya magagawa 'yon? Sigurado akong may kagagawan si Azen dito lalo na at sa bahay pa nila 'yon nangyari."

"Is that so? Nag-iimbestiga na ba ang mga pulis tungkol diyan?"

"Oo at hindi ko mapapalampas 'tong ginawa nila. Magbabayad sila."





***

Azen's Point of View

Pagkadating namin ng Mansion at pagkababa namin ng Limousine bumungad sa amin ang napakaraming mga reporters at mga pulis. Kaagad kaming pinagpulungan kung kaya't prinotektahan kami ng mga Tres killers at Guardians.

Tinakpan ko si Macey ng jacket ko para hindi siya makuhaan ng camera. Samu't-saring mga tanong ang isinalubong nila sa akin pero hindi ako sumasagot. Hanggang sa mapagsarahan na nga sila ng gate at mga pulis na lang ang pinayagan kong makapasok dito sa loob.

"Young Master Kang..." Sabay sabay nila akong ginalang kung kaya't tumango ako.

"May cctv na nakakabit dito. Hindi n'yo na kailangan pang mag-aksaya riyan ng panahon." Turan ko. Sumenyas ako sa mga Tres killers ko na alalayan silang lahat papunta ng salas. Pagdating namin dito pinagpahinga ko na muna si Macey sa kuwarto naming tatlo nila Caleb. Umakyat na siya sa itaas.

Naiwanan ako rito kasama ang mga Guardians, Tres Killers, sina Mommy at Daddy at ang mga pulis. Matapos naming ipanuod sa kanila ang pangyayari kaninang umaga tumango-tango ang pinakamataas sa kanila.

"Young Master, malinaw na malinaw na self-defense ang ginawa ninyo. Kung makakapayag kayo kukuhain sana namin itong video para pormal na malaman ng mga tao ang totoong pangyayari, nang sa gayon, wala na ring mang gulo pa sa inyo." Turan niya. Tumango naman ako.

"Chief, siguraduhin n'yo lang na safe ang family namin. Yun lang ang hinihingi namin sa inyo." Sabat naman ni Dad.

"Makakaasa ho kayo."

"Ang mabuti pa, kumain na muna kayo. May inihanda kaming hapunan para sa inyo." Sabi naman ni Mommy at inalalayan niya ang mga pulis na pumunta ng kusina kasama ang Guardians. Kami nalang ni Daddy at mga Tres Killers ang natitira rito sa sala.

"Anak, sigurado akong isa nalang ang magiging problema natin, at 'yon ay si King. Maaaring may hindi siyang magandang gawin. Nanganganib sina Macey at Caleb." Ani Dad.

"Dad, hinding hindi mangyayari ang bagay na 'yon. I'll protect them no matter what happen."

Tinapik niya ako sa balikat ko. Tumango-tango siya. "You should do it sa tulong ng mga Guardians at Tres killers mo, anak. 'Wag mong hayaan na umalis kayo ng hindi sila kasama o hangga't maaari 'wag na muna kayong lumabas ng bahay dahil pati ikaw kailangan mong maprotektahan."

"I will, Dad."

Tumango siya. "Pababantayan ko na rin ng mabuti ang mga kilos ni King. 'Wag kang mag-alala."

"Salamat, dad." Nagkatitigan kami.

Tumango naman siya habang nakangiti. "Para sa apo ko 'yon, anak, at para na rin sa magiging manugang ko... soon."

Napangiti na rin ako sa sinabi niya. "Maraming salamat sa inyo ni Mommy, Dad." Niyakap niya ako at tumango naman ako.




(Book 4) of Campus Prince meets Gangster PrincessWritten by MsjovjovdPanda2018 All Rights Reserved3rd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 4) of Campus Prince meets Gangster Princess
Written by MsjovjovdPanda
2018 All Rights Reserved
3rd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

Strong Parental Guidance

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon