Chapter 80

2.5K 85 8
                                    

Mabilis sinugod si Azen ng limang lalaki at kaagad siyang binigyan ng mga pagsuntok at pagsipa ng mga ito pero mabilis niya ring naiwasan ang lahat ng mga 'yon. Kaagad niyang binawian ang lima dahilan para tumumba.

Muli siyang sinugod ng tatlo na may mga hawak na bat pero naibalik niya ring lahat ng mga 'yon sa kanila dahilan para mamilipit sila sa sakit. Kaliwa't kanan ang mabilisan niyang pagkilos dahil sa dami ng mga tauhan ni Death Snake. Parang gusto siya talagang ipapatay dahil sunod-sunod siyang sinusugod.


Nag-aalala naman akong nakatingin sa nangyayari sa kanya dahil baka maubusan siya ng lakas. Samu't-sari ang ginagamit na panghampas laban sa kanya. Halos mapaluha ako dahil sa takot na nararamdaman ko ngayon.







***
Shimi's Point of View (Azen's Mother)

["Master, please forgive us pero sumugod mag-isa si Boss Azen sa mga tauhan ni Death Snake para iligtas si Miss Ji. Iniwan niya kami rito sa prisinto dala ang sasakyan kaya hindi namin siya nasundan. Nag-aalala kami para sa kanya." ] Pagbabalita ni Crop sa kabilang linya kaya napatayo ako. Agad din akong nag-alala para sa anak ko. ["Hindi na kami mapakali rito Master."] Dugsong pa niya.


"Wifey, anong nangyari?" Tanong naman ni Dazu, ang asawa ko. Nasa F.O.L kami ngayon kasama ang mga Guardians at Black Sapphire Gang. Pero hindi ako sumagot sa asawa ko bagkus ay muli kong binalikan si Crop na nasa kabilang linya. "Umalis na kayo riyan oras na dumating kami at kami ang magbabantay kay Death Snake. We can't let Azen in danger."


Mabilis kong pinatay ang cellphone ko at kaagad kong hinarap ang buong Gang. "Makinig kayo, sumugod mag-isa si Azen sa mga tauhan ni Death Snake para iligtas si Macey." Agad nag-alala ang lahat dahil sa sinabi kong 'yon. "Guardians, go and find Azen. He needs to go home safely kasama si Macey. Ashily, the Black Sapphire Gang must go in seperate. May kailangang magbantay dito at 'yong iba sa inyo, ang mag-inang Sebastian ang puntahan. Yung iba sumama sa amin ni Dazu sa prisinto." Utos ko. Kaagad namang sumunod ang lahat atsaka kami naghiwa-hiwalay.






Adamson's Point of View

Napalingon kaming tatlo nina Yu and Crop sa loob ng prisinto nang parang nagkakagulo ang lahat ng mga pulis matapos makausap ni Crop si Master Shimi sa kabilang linya. "What the heck, anong nangyayari?" Ani Yu kaya kaagad kaming nagsipasok sa loob.

Pero nagulat kami nang bigla nalang dumaan si Death Snake sa harapan namin at mabilis na nagpaputok ng baril. Mabuti nalang at nailagan namin ang mga bala. Sunod-sunod ang pagpapaputok niya hanggang ngayon kaya naalarma ang lahat.

"F*ck, paano nangyari 'to? Patay tayo kila Boss!" Kinakabahan kong sabi.

May tumabi namang pulis sa amin habang nagco-cover. "Mga Boss, pasensya na pero nagtulog-tulugan si Death Snake kanina pagkatapos n'yo siyang iwanan don sa loob. Hinugot niya 'yong baril ng isa sa mga pulis namin at binaril niya."

Napasapo kaming tatlo sa ulunan. "Hindi maaari 'to." Sambit ni Crop. Nanguha kami ng baril sa mga pulis na bumulagta atsaka namin hinabol si Death Snake na nakasakay na ng kotse.





Macey's Point of View

"Tama na! Please, tama na!" Sigaw ko dahil halatang pagod na si Azen dahil nga sa dami ng nakalaban niya. May ilan na rin siyang galos pero patuloy pa rin siya sa pakikipaglaban. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kaya't pilit kong ginagawan ng paraan para makawala ako sa mga taling nasa kamay ko.

Pero nanlaki ang mga mata ko nang may dalawang tauhan ni Death Snake ang may hawak ng kutsilyo at pupunteryahan nila si Azen bukod sa apat niyang kalaban. "Azen, sa likod mo!" Makalas kong sigaw.

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon