Chapter 89

4.1K 121 137
                                    

Jcee's Point of View

Inilagay ko ang kamay ko sa balikat ni King. "Sigurado ka ba talaga sa pinasok mo? The heck King pwede kang mamatay." Hindi ako mapakali dahil sa ginawa niyang pakikipagdeal kay Azen.

"Pwede ba? Imbes na palakasin mo ang loob ko pinanghihina mo pa ako!" Bigla siyang nainis sa akin.

Naupo naman ako sa sofa. "Eh, nakita mo naman siguro kung gaano kagaling si Azen sa pakikipaglaban. Gusto mo bang ikaw ang maging dahilan ng pagkamatay ni tita? Ilang beses mo na siyang sinubukang kalabanin pero ano, lahat ng mga inutusan mo walang laban. Bakit ba kasi 'di ka nalang sumuko? Tigilan mo nalang sila at hayaan mong mamuhay ka ng normal. Madaming babae riyan at 'wag mo ng habulin pa si Macey. "

Kunot noon niya akong tinignan. "Ano ka ba, hindi na si Macey ang hinahabol ko ngayon, tch." Bigla siyang napangisi.

"Kung ganon ano?"

"Yung F.O.L."

"F.O.L? Damn, bro, hindi mo kailangan 'yon!"

"I need it. Alam mo bang madaming nakakacurious na bagay ang mayroon don kapag napasaakin 'yon?"

"Ano? Kayamanan ang hinahabol mo? Hindi mo na kailangan ang mga 'yon. Hindi pa ba sapat sa 'yo 'yong mga ari-arian na mayroon ka? Your life is important higit sa lahat."

Tinignan niya ako ngayon ng seryoso habang pinapangaralan ko siya. "Maraming paraan para manalo sa labang 'yon, Jcee." Aniya kaya nagtataka akong tumingin sa kanya.

"You mean mandadaya ka? Sira pala talaga ang ulo mo e." Umiiling-iling na sabi ko. "Kung ganon, goodluck nalang talaga sa 'yo. I'll try my best na pigilan ka bro pero ayaw mong makinig sa akin."

"I know na nag-aalala ka, pero hindi ba't sinabi ko sa 'yong sa pakikipaglaban lang ako natatalo sa kanya at hindi sa talino? Just remember it, bro. Kailangan kong gawin 'to for my own sake."

"Puwes, siguraduhin mo lang 'yan King dahil kung matatalo ka, iwanan mo na sa akin lahat ng ari-arian mo ngayon palang."

"Hindi mangyayari 'yan bro, trust me."





***
Azen's Point of View

"Anong sinabi mo?" Nagulat si Macey sa sinabi ko sa kanya patungkol sa pakikipaglaban ko kay King bukas. "Paano kung matalo ka? Paano kami ni Caleb? Pwede mo pa naman sigurong bawiin 'yong laban n'yo ni King." Mukhang hindi niya 'yon nagustuhan.

"Baby, hindi ba't nangako naman ako sa 'yo na hinding-hindi ko kayo iiwan? Magtiwala ka lang sa akin."

"Pero kasi Azen..."

"I know baby, nag-aalala ka."

"Oo nag-aalala nga talaga ako dahil tignan mo nga 'yang kalagayan mo, may mga sugat ka pa nga e. Kailangan mong magpahinga pero makikipaglaban ka kaagad bukas?"

Napangiti ako dahil sa sermon niya sa akin. Hindi nalang ako sumagot bagkus ay niyakap ko nalang siya na siya niyang kinakalma. "Thank you so much for caring me, baby. But I told you, hinding-hindi mangyayari ang iniisip mo at sisiguraduhin ko 'yon. Gagawin ko 'to para sa ikatatahimik nating lahat. I'll protect my teritory, you and Caleb."

"Pero kasi—"

Bigla ko siyang hinalikan dahil ayaw niyang magpapigil. Tinagalan ko 'yon at nang maramdaman kong tumutugon na siya, dinama ko ang labi niya. Ayaw kong pakawalan ang bawat minuto na mayroon kami ngayon. Napangiti ako nang nagugustuhan naman niya ang paghalik ko sa kanya. Hanggang sa dahan dahan ko siyang binitawan at niyakap ko siya ng mahigpit. Ipinikit ko rin ang mga mata ko. Gusto ko lang ipadama sa kanya kung gaano ko siya ka mahal.




Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon