Chapter 97

1.2K 43 22
                                    

Malou's Point of View

Hindi ako makapaniwala sa mga binunyag sa akin ngayon ni Macey. She's in trauma at wala siyang maalala nung mga panahong naging magbest friend kaming dalawa. Mas nauna niya ring nakilala noon si Azen kaysa sa akin at isa ring Gangster ang mga magulang niya.


"Wait, wait, Beshie. Hindi pa kaya ng powers ko na i-absorb lahat sa utak ko 'yang mga sinasabi mo." Ani ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Pinagmamasdan ko siya ngayon dahil ibang-iba nga ang Macey na kausap ko ngayon kaysa sa Macey na best friend ko before. Nandito kami ngayon sa isang exclusive restaurant at pinalilibutan siya ng mga body guards ni Azen. "Sandali. Hindi ba ako nananaginip?" Dugsong ko pa. Umiling siya kaya napasapo ako sa ulunan ko.


Nang bigla niyang hawakan ang kamay ko kaya napaangat muli ang tingin ko sa kanya. "'Wag kang mag-alala, nagbago man ang personality ko pero ako pa rin 'yong best friend na nakilala mo." Nginitian niya ako kaya naman nagalak ako bigla sa tuwa. Napayakap pa nga ako sa kanya habang naluluha.


"Akala ko kasi magbabago ka na. Alam mo namang ikaw lang ang ka isa-isang best friend ko. Akala iiwasan mo na ako." Imbes na sumagot siya tinawanan niya ako. Natawa nalang din ako kaya nagtawanan kaming dalawa.


"Puwede mo ba akong samahan?" Bigla niyang sabi.


"Oo naman. Saan?" Magkatitigan kaming dalawa.


***

Pagkarating namin sa sementeryo kung saan ito 'yong hinihiling niyang samahan ko siya, dito nakalagak ang puntod ng mga magulang niya, nagtaka kaming dalawa nang makita namin si Azen dito na kasasakay lang ng kotse. Umalis ito ng hindi kami napapansin.


"Anong ginawa niya rito?" Tanong ko kay Macey. Hindi siya sumagot sa halip ay naglakad na kami papunta sa puntod ng mga magulang niya. Pagkarating namin dito naabutan namin ang dalawang boquet ng flower at nakatirik na mga kandila sa magkatabing lapida. "Kung hindi ako nagkakamali binisita niya ang mga magulang mo, Macey." Turan ko.


Tumango siya. "May mga palihim talagang bagay na ginagawa si Azen na sa bandang huli ikatutuwa mo pala o kaya'y ikakabuti mo."


Napayoko ako nang sabihin niya 'yon. "Pinatutunayan ko ang bagay na 'yan. Naalala ko nang minsan akong nagtapat noon ng nararamdaman ko para sa kanya, hindi ko non maintindihan kung bakit bigla nalang nagbago ang pakikitungo niya sa akin, 'yon pala, matagal na niyang alam na gusto ako ni Crop at ayaw niyang masira ang pakikitungo niya sa tauhan niya na tinuturing niyang kaibigan. Azen is very different sa mga taong nakilala ko. Mas matalino siyang mag-isip kahit na kanino."


Nang lingunin ko siya nagkatitigan kaming dalawa. "Macey, gusto kong humingi sa 'yo ng tawad sa mga nagawa ko noon sa inyo ni Azen. Matagal ko ng tanggap na hinding-hindi niya ako magugustuhan dahil ikaw lang ang karapat-dapat para sa pagmamahal niya." Hinawakan ko ang mga kamay niya. "Ipinapangako ko sa 'yong hinding-hindi ako sa inyo mangugulo."


Ngumiti siya matapos ko 'yong sabihin. "Salamat." Sagot niya. Masaya kaming nagkatitigan. "Ngayon nahulaan ko na kung bakit siya naparito sa puntod ng mga magulang ko." Sabi pa niya. Muli akong napatitig sa kanya. "Dahil dito." Sabay ipinakita niya ang kanan niyang kamay kung saan suot niya ang isang kumikinang na sing-sing na pinalilibutan ng black diamond.

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon