Chapter 30

3.3K 104 3
                                    

Malou's Point of View

"Oh, Beshi, kakadating mo lang din?" Tanong ni Macey sa akin nang makita namin ang isa't-isa rito sa gate ng campus namin. Pero tumango lang ako sa kanya dahil muli kong binalikan ng tingin ang Dean namin na kanina pang aligaga at nag-sign of the cross pa.

"Anong nangyari?" Dugsong pa ni Macey.

"Hindi ko nga rin alam e." Tila kasi may problema ang mga teachers namin.

"Macey! Malou!" Nang bigla kaming napalingon sa likuran namin. "Ang mga Queens..." Hingal na hingal na sabi ni Thea nang makalapit siya sa amin.

"Mga Queens? Bakit?" Pagtataka namin ni Macey. Tumango-tango naman si Thea.

"Na hit and run sila. May saksi raw sa pangyayari. They're dead."

"Anong sinabi mo?" Gulat na gulat kami sa nalaman namin. Nagkatinginan pa kami ni Macey.

"Hey, what's going on?" Nang bigla namang dumating si Azen kasama ang Tres killers. Agad sa kanyang sinabi ni Macey kung anong nagyari sa mga Queens. "Really? Bakit naman sumunod kaagad sila sa pagkamatay ni Shaxa? Tsk, tsk, ang saya kayang mamuhay dito sa mundo. Bakit kaya kaagad nila maagang nililisan 'di ba?"

Bigla nalang akong napatingin sa kanya matapos niya 'yong sabihin. Hindi ko maiwasang hindi maghinala sa kanya lalo na nang maalala ko 'yong huli niyang sinabi sa akin nang minsan kaming mag-usap. Isa lang ang ititira niya rito at pahihirapan ng husto bago niya kitilan ng buhay. Hindi kaya may kinalaman siya sa pagkamatay ng mga Queens ngayon at sino ang isusunod niyang patayin?

"Beshi, okay ka lang?" Tanong sa akin ni Macey kaya nagbalik ulirat ako. Mabilis akong tumango pero umiwas ako ng tingin kina Azen at sa Tres Killers.

"Um, ang mabuti pa pumunta na tayo ng classroom?" Mabilis akong tumalikod dahil napapansin yata ni Azen na naghihinala na ako sa kanya. Sinundan naman ako nina Macey at Thea kaya inalis ko nalang siya sa isipan ko.

Lumipas ang maghapon namin nang ang usap-usapan palagi ay ang pagkamatay ng mga Queens. Pinaalam kasi sa amin ng teacher namin kanina kung anong sinapit nila. Hanggang ngayon nga may ribbon pa kami sa wrist namin tanda raw ng pakikiisa namin sa pagkamatay nila.

"Macey, pupunta ba kayo sa burial ngayon ng mga Queens?" Biglang tanong ni Thea sa amin ni Macey nang matapos ang klase namin.

Pero hindi sumagot si Macey bagkus ay napatingin siya kay Azen at alam ko naman kung anong ibig sabihin ng tinginan nilang 'yon kung sasang-ayon ba si Azen pero sinisigurado kong hindi. Nang titigan naman ni Azen si Thea mabilis siyang napaiwas ng tingin dito. Para pa nga siyang natakot.

"Ah, nakalimutan ko may gagawin pa nga pala ako ngayon kaya hindi rin ako makakapunta. Sige next time nalang pala." Sabay bawi ni Thea sa sinabi niya at mabilis na umalis sa harapan namin. Matapos non nagkatinginan kaming dalawa ni Macey.

"Uh, Beshi, nakalimutan kong may gagawin din nga pala kami nila Kuya Ming ngayon. Sa susunod nalang din ako pupunta sa burol ng mga Queens. Magkita nalang tayo bukas. Bye!" Pagsisinungaling niya. Alam ko naman kasi kung bakit siya nagmamadali at dahil 'yon kay Azen.

At nang magtagpo naman ang tingin namin ni Azen napaiwas kaagad ako ng direksyon. "Hey, see you tommorow." Nagpaalam pa siya sa akin habang nakangiti. Kusa namang nagsalubong ang mga kilay ko nang talikuran na niya ako kasama ang Tres Killers. Nakakainis 'yong mga mapanlinlang niyang mga ngiti.

"Alam kong alam mo na si Azen ang pumatay sa mga Queens." Nang bigla naman akong mapalingon sa likuran ko nang marinig ko ang boses dito ni Lantis. Inirapan ko siya. Mabilis kong kinuha ang mga libro ko na nasa desk ko pa. Ayaw na ayaw ko talaga sa kanya.

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon