Chapter 46

3.3K 112 28
                                    

"A-Azen, baka makita tayo ng mga Kuya ko." Pagsuway niya sa akin pero hindi ko siya sinunod. Mas nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya. Ramdam na namin ang hininga sa isa't-isa at bahagya na siyang lumiyad.

"I don't care baby if they see us. Alam naman na nilang boyfriend mo ako 'di ba? Natural na kung halikan kita." Matapos ko siyang ngitian tuluyan ko siyang hinalikan. Hinawakan ko siya sa baywang niya at hinigit palapit sa akin. Dinama ko ang mga labi niya ngayon.


"Macey? Young Master?" Nang bigla niya akong hawiin dahil narinig namin ang boses ng isa sa mga Kuya niya. Nataranta siya bigla at 'di makatingin sa akin ng deretso.

"P-Pumasok na tayo sa loob." Hindi na niya ako hinintay pa. Iniwanan na niya ako rito habang napapangiti nalang ako. Nakakabitin.

***

"Kain na." Sabi ni Kuya Ming. Nandito kami ngayon sa dinning table nila at nakapalibot kaming apat. Yung mga body guards ko ay nasa labas. "Young Master, salamat pala sa tulong ha? Hayaan mo babalik din kami ron sa dati naming tinitirahan matapos lang 'tong kaso nila Mama at Papa. Hayaan mo, pagbubutihin namin ang pagtatrabaho sa kompanyo ninyo."

"No problem." Mabilis kong tugon habang simple akong nakangiti sa kanila.

"Ang ganda rito. Mukhang malayo nga sa gulo. Sa tingin ko hindi na rin kami rito masusundan in case na buhay pa nga 'yong mga pumatay kina Mama at Papa. Salamat." Tumango muli ako habang nakangiti kay Kuya Ming.

"Oy, ikaw Macey, hindi ka ba magpapasalamat kay Young Master?"

Kita kong pinagmulahan siya. "Um, thank you, Azen."

"Yun lang?" Ani Kuya Max.

Napapoker face naman siya kaya palihim akong natatawa. Minabuti kong sumingit na sa usapan nila. "Kuya Ming, Kuya Max, kung 'di n'yo mamasamain can I let Macey go outside with me sometimes? Ako na rin ang maghahatid sa kanya rito pauwi pagkagaling namin sa school. Don't worry I take care of her."


"Naku, walang problema sa akin. Basta ikaw Young Master."

"Tama si Max, saka, alam n'yo naman, medyo busy kami sa work kaya ikaw na lang ang bahala sa bunso namin. Mas kailangan namin ngayong maging hard working para makabayad sa 'yo Young Master."

"Ibinibigay ko 'yong blessing ko sa inyo. Basta ikaw Macey, 'wag kang magiging pasaway kay Young Master. Lagi kang susunod sa kanya. Naiintindihan mo?" Dagdag pa ni Kuya Max. Nakita ni Macey na napangiti ako samantala siya mukhang kinabahan. Napilitan lang siyang sumang-ayon.






Macey's Point of View

"Macey, Young Master, mauna na muna kami ni Ming sa kuwarto. Aayusin mo na namin 'yong mga gamit." Tumango at ngumiti lang si Azen samantala ako parang kinakabahan na naman.

Tuluyan ng nakaakyat sila Kuya kaya may pagkakataon na naman itong si Azen na malapitan ako. "Baby," Tawag niya kaya umusod ako sa pagkakaupo ko sa sofa. Mas lalo namang lumakas ang pagtibok ng puso ko nang yakapin niya ako. "What is your plan to our relationship?" Aniya.

Napaisip naman ako kung bakit niya ako tinatanong ng ganon? Ni hindi ko nga inaasahan na boyfriend ko na pala siya. Eh sa pagkakatanda ko wala namang naganap na ligawan sa aming dalawa. 'Yun nga lang may nangyari naman sa amin.

"A-Ano bang ibig mong sabihin?"

Binitawan niya ako tapos tinaasan niya ako ng kilay. Nagcross arms pa nga siya. "Ako lang ba talaga ang nagmamahal sa relasyon nating dalawa?" Turan niya.

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon