Chapter 88

1.7K 52 1
                                    

Azen's Point of View

Mabilis kong ipinarada ang sasakyan ko nang makita kong dito huminto ang van kung saan sakay sina Macey at Caleb. Napatikom ako ng kamao at nanlilisik ang mga mata ko sa galit habang tinutungo ang kaloob-looban ng abandunadong warehouse.

Habang naglalakad ako deretso lang akong nakatingin sa mga lalaking natatanaw ko ngayon. Nasa pinakadulo lang sila habang hinihintay ako. Kung bibilangin sila sadyang napakarami, higit pa sa walong put lima. Pero ang ikinangisi ko ay ang makita ko si King na nasa pinakagitna nila. Nagkatitigan kaming dalawa.

"How are you?" May pagngisi niyang tanong. "Welcome to your burial." Dugsong pa niya na may halong pang-aasar.

Hindi ako sumagot bagkus ay palihim kong minamatyagan ang mga tauhan niya na ngayon ay pumapalibot na sa akin. Samu't-sari ang mga hawak nilang armas, mukhang pinaghandaan na naman nila ako.

Pero hindi ko sila pinansin kundi, tinitigan kong may pagngisi si King. "I'm good, ikaw ba?" Balik kong tanong sa kanya. "Pero hindi mo ba naaamoy na, baka ikaw ang mailibing ko rito ng buhay?"

Napakunot siya ng noo nang sabihin ko 'yon sa kanya. Hindi niya 'yon nagustuhan. "By the way, hindi ko inaasahang may plinano kang ganito." Bahagya akong napangisi. "Sana nakipag-one on one ka nalang sa akin kung gusto mo akong gantihan hindi 'yong idadamay mo pa 'yong mga taong wala namang kasalanan."

Hinigpitan niya ang bat niyang hawak. Ramdam naman siguro niyang nagmamayabang ako sa kanya. Napakunot pa lalo siya ng noo. "At para malaman ko rin kung gaano ka talaga kalakas kapag wala kang mga kasama." Tinitigan ko siya ng mga mapang-asar habang nagsasalita. "I acknowledge you about your plan, nagtagumpay ka." Dugsong ko pa.

"Nagtagumpay talaga ako. Hawak ko kasi ang anak mo at ang babaeng pinagpapantasyahan mo." Aniya. Siya naman ngayon ang ngumisi. "Pero maya-maya lang baka sabay-sabay kayong paglamayang tatlo."

Ni walang reaksyon akong tumitig sa kanya matapos niya 'yong sabihin. Nakatitig lang ako sa kanya pero tumatakbo na ang plano ko. Palihim ko pa ring pinagmamasdan ang mga tauhan niyang nakapalibot sa akin ngayon.

"Umpisahan na natin?" Aniya. "Kung matatalo ka, 'wag kang mag-alala hindi muna kita papatayin. Gusto ko kasi sanang makita mo muna akong nagpapakasaya sa feeling ng pinakamamahal mong babae." Sabay sumenyas siya sa mga tauhan niya na isa-isa nang lumapit sa akin. "Humanda ka!" Sigaw ng isa sa kanila at tatlo kaagad ang kumuyog sa akin.

Mabuti nalang at mabilis ang mga mata ko. Nasasangga ko naman ang mga pag-atake nilang lahat. Panay mga pag-ilag at suntok at sipa ang pinakakawalan ko sa kanila.






King's Point of View

Sadyang napakagaling ni Azen. Sanay siya sa pakikipaglaban kaya ayon ang tinitignan ko—kung paano ang stilo niya sa pakikipaglaban. Mabilis siyang kumilos at sadyang napakalakas ng kamao niya. Ang liksi rin niyang sumipa kaya halos tumalsik ang mga nasugod kong mga tauhan ko sa kanya.

"Sunod-sunurin n'yo!" Muli kong utos  sa mga tauhan ko.

Kung bibilangan kasi ay madami-dami na rin ang naitumba ni Azen. At patuloy ko pa ring  tinitignan at binabasa ang mga kilos niya. Pero ang mas ikinagulat ko ay habang tumatagal parang nauubos na naman ang mga tauhan ko. Nabahala na ako sa pagkakataong 'to, ano bang mayroon sa kanya?

"Boss King..." Tawag nang ilang natitira kong mga tauhan na nasa tabi ko. Pinararating kasi nila na kinakailangan na nilang sumugod kaya tumango na ako sa kanila. Sampu ang muling pumalibot kay Azen at lima na lamang ang natitirang reserba ko.

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon