Chapter 65

2.5K 78 5
                                    

2 Years Later...

Azen's Point of View

Nakatingin lang ako ngayon sa malawak na bintana nang kuwarto ko habang hawak ko ang isang wine glass. Patikim-tikim ko iyong iniinom habang bumabalik sa isipan ko ang mga nagdaang araw makalipas ang dalawang taon. Tuluyang nawala si Macey sa buhay ko at wala akong anak na nakilala. My life was changed, at parang nawalan ako ng sigla sa mga bagay na kung ano mang mayroon ako.

"Anak..." Narinig kong boses ni Mommy nang tahimik siyang pumasok dito. Nananatili siyang nasa likuran ko. "Iniisip mo pa rin ba ang mga nangyari last two years ago?" Hindi ako kumibo. Tumikhim lang ako ng alak.

"Azen, anak, hindi sana tayo aabot sa ganito kung sinabi mo lang sa amin ng Daddy mo noon ang totoo. Pinilit ka naming ipakasal sa mga Hedraga dahil akala namin noon patay na si Dorothy." Ilang beses ko na 'yong narinig kay Mommy. Halos paulit-ulit nalang dahilan para 'di na ako tuluyan pang sumagot sa kanya.

Ang tinutukoy niyang si Dorothy—siya ang dahilan kung bakit gustong-gusto ko noon magkaanak kay Macey. Bago ko pa man noon makilala si Macey sa isang pampribadong BAR—siya ang long time girlfriend ko na nacomatose sa isang car accident kasama ako.

 Bago ko pa man noon makilala si Macey sa isang pampribadong BAR—siya ang long time girlfriend ko na nacomatose sa isang car accident kasama ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Dorothy Jimenez)

We lost our child at comatose pa noon si Dorothy samantala ako, nakaligtas ako sa pangyayaring 'yon. Isang taon ko iyong nilihim sa mga kapatid at mga magulang ko. Palihim ko siyang binibisita noon sa tuwing may oras ako.

Nagsisisi ako kung bakit kinakailangang si Dorothy pa ang magdusa sa kapalpakan kong nagawa. Until I accidentally met Macey that resembles like my girlfriend. Hindi ako noon makapaniwala. Naaalala ko si Dorothy kay Macey. The way she smiled, talk, wear so girly. Ang mukha niya, ang ugali niya, at ang buo niyang pagkatao nakikita ko siya kay Dorothy.

Pero sa una naming pagtatagpo ni Macey naalala kong gusto niyang makipagtalik sa akin noon. Hindi ko man alam kung anong dahilan niya noon pero alam ko namang isa siyang desenteng babae at nadadala lang siya noon ng sobrang alak.

Sa pagkakataong 'yon, naisipan kong kung may mangyayari sa aming dalawa at magbubunga 'yon, pagkagaling ni Dorothy ay may maipapakilala ako sa kanyang magiging anak namin kaya pinatulan ko si Macey noon at sinamantala ko ang pagkakataon. Pero nabalewala ang lahat nang 'yon nang mawala si Macey at sa kasamaang palad, namatay pa si Dorothy. I felt that all is gone.






Max's Point of View

"Ma, Pa, patawarin n'yo po kami. Hindi po naming nabantayang mabuti si Macey. Wala pa po kaming balita kung nasaan siya o kung anong nangyari sa kanya. Miss na miss na po namin kung anong pamilya mayroon tayo noon. " Pagkukuwento ni Ming habang nakatingin kaming dalawa ngayon sa puntod ng mga magulang namin.

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon