Chapter 47

3K 84 6
                                    

Matapos ang eksena sa hallways, tinungo na namin ngayon ang sinasabing magiging room namin nila Azen. Sabi niya espesyal daw ang room na 'yon. Hindi Class-A o Class-B kundi, tinatawag nila itong special class.

Pagkapasok namin dito mabilis na nagsipagtayuan ang mga kaklase siguro namin at mabilis ang mga ito ginalang at niyukuan si Azen. Sa pagtataka ko gulat lang akong nakatitig sa kanila. Bakit kasi parang galang na galang sila kay Azen? Ito ba ang magiging mga kaklase namin?

Kung 'yong mga estudyante sa baba kung makatingin sila sa akin ay halos magtaray o magbulungan dahil kasama ko si Azen, pero ang mga estudyanteng narito sa special class tinignan palang nila ako ginalang na rin nila ako.

Mabilis din nila akong niyukuan kaya hindi ko alam kung anong gagawin kong pasasalamat sa kanila.

"Baby, let's seat."

Tumango lang ako. Pinaghila niya ako ng upuan tapos minasid ko naman ang buong kapaligiran. Tinignan-tignan ko pati 'yong mga upuan. Mukhang gawa ang mga ito sa mamahaling bagay. May mga hitect computer din ang nasa paligid namin tapos punong-puno ng mga libro. Napakaganda rito sa loob.

Nang biglang may pumasok na professor na lalaki kaya roon ko naman na-i-focus ang pagtitig ko sa kanya. Matangkad siya at guwapo. Kulot ang buhok niya at may salamin. Di katandaan dahil sa pagkakakilatis ko nasa edad bente otso pa lang yata siya. Mukhang genius ang pormahan niya. Ibinagsak niya ang librong hawak sa lamesang nasa tapat niya at kinilatis ang bawat isa sa amin.

Mukhang stricto siya. Napaiwas tingin naman ako sa kanya nang punteryahin niya akong titigan. Unti-unti niya akong nilalapitan kaya napalunok ako. Aaminin kong may kaba sa dibdib ko ngayon lalo na nang tanggalin niya ang salamin at tinitigan niya akong mabuti.

Medyo weird dahil bakit niya ako kinikilatis mabuti? "She's the next target?" Sabi niya nang mailipat niya ang tingin kay Azen.

"I don't need to answer you." Sagot naman ni Azen sa kanya.

Nakakapagtaka lang dahil parang hindi teacher kung ituring ni Azen ang kausap niyang professor namin. Kaliwa't kanan tuloy ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Do your best shot to win the agreement" Sabi niya at muling bumalik sa kanyang lamesa. Nagtataka naman ko kung ano ba 'yong pinag-usapan nila. Ako ba ang tinutukoy nila?

"Don't worry I can handle this." Sagot pa ni Azen.

"Okay, let's start our discussion. Anyway, I'm professor Ezen, Miss Ji. If you have any questions you can ask me anytime. Got it?" Kusa nalang akong napatango sa kanya at 'di na ako nakapagsalita pa. Pero ang nakakapagtaka lang don ay halos magkahawig sila ng pangalan ni Azen. "Okay, we start discussion about—blah... blah...blah..."

Nawiwindang ako sa mga sinasabi ng bago kong Professor ngayon na si Prof. Ezen. Iba kasi ang tinuturo niya kumpira roon sa tinuturo sa amin sa Asia. Parang lumundag ako ng ibang sekta kaya naman lumilipad ang isip ko ngayon sa pakikinig sa kanya. Mabuti na nga lang talaga at guwapo siya kaya hindi pa rin boring kahit paano.

"Are you listening, Miss Ji?!"

Nang bigla akong napaturo sa sarili ko matapos kong marinig na tinawag niya ako, "Ako po?" Sabay tingin ko sa kaliwa't kanan. Nakikinig naman ako sa kanya e 'yon nga lang nakakawili siyang titigan dahil sa taglay niyang kaguwapuhan.

"Yes, no one but you. Are you listening?" Nang bigla akong bumalik sa ulirat ko. Hindi ako ngayon makasagot. Pagkatingin ko naman kay Azen nagsusulat lang siya ng notes.

"Ah, o-opo nakikinig po ako."

"Then come here and answer this problem." Tinuro niya ang black board. Nangangatog naman akong tumayo dahil sa totoo lang wala naman talaga akong alam kung paano ko sasagutin 'yong pinasasagot niya sa akin. Lutang kaya ako.

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon