Chapter 3

5.1K 138 9
                                    

Sabi sa akin ni Malou bumalik daw kami rito sa bar kung saan nangyari 'yong kalagim-lagim sa akin kagabi. Nakasumbrero kaming dalawa at nakajacket. Nagpanggap si Malou na pakunyaring nawawala 'yong cellphone niya kagabi at dito lang niya iyon huling ginamit kaya binalikan namin.

Pero sa kasamaang palad ayaw ipasilip sa amin ang CCTV. Hindi ko makikita ang lalaking hinahanap ko dahil masyadong pribado itong bar na napuntahan namin kagabi.

"Hays, pagod na ako beshi. Halos maghapon na tayo sa bar na 'yon. Kung babalik naman tayo ng gabi nakakasigurado ba tayong babalik don 'yong lalaking naka-one night stand ko?"

"Beshi, 'yon nga ang dahilan kung bakit nandito pa rin tayo sa tapat nito e. Mamaya papasukin ulit natin 'yan. Hindi puwedeng hindi mo makilala 'yong lalaking 'yon. Ano? Pagkatapos magpasarap hindi ka na pananagutan?"

"Beshi, hindi pa naman tayo nakakasigurado kung may mabuo nga kami."

"Hays, hindi. Hahanapin natin siya! 'Wag kang panghihinaan ng loob. Ginawa niya sa 'yo 'yon kaya panagutan ka niya."

Matapang akong tumayo. Nadala ako sa sinabi ng kaibigan ko. "Tama! Dapat pagbayaran ng lalaking 'yon ang ginawa niya sa akin, dahil kung hindi, bubugbugin ko siya! Babalian ko siya ng buto at ipapakain ko siya sa mga mababangis na hayop!" Nagkatinginan kaming dalawa at nagkangitian.

"That's right!"

Pero umabot na ng hating gabi wala man lang kaming napala.

"Beshi, uwi na tayo." Mangiyak-ngiyak kong anyaya sa kanya. Nawalan kaagad ako ng pag-asa dahil halos buong araw na naming ibinuhos ang oras namin dito sa paghahanap. Mabuti nalang at wala kaming pasok ngayong araw.

"Hays, tara na nga. Nagugutom na rin ako e. Balik nalang tayo bukas."

"Beshi, salamat talaga, uh? Sige mauna na ako, bye." Kumaway lang kami ni Malou sa isa't isa nang maghiwalay kaming dalawa.

***

Pagkadating ko sa bahay dahan-dahan kong binuksan ang ilaw namin sa sala. Ayaw kong makalikha ng ingay dahil baka magising sina Kuya. Wala pa akong sapat na lakas na harapin sila matapos may mangyari sa akin kagabi sa bar sa hindi ko kilalang lalaki.

Pero hindi ko alam na nasa likuran ko na pala sina Kuya kaya nang makita ko sila napasigaw ako.

"Macey, bakit ka ginabi?!" Tanong ng nakakatanda kong kapatid habang nakasiring naman sa akin ang pangalawa ko pang kuya.

"Pambihira naman kayo mga kuya e. Papatayin n'yo ba ako sa gulat? Magkasama po kami ni Malou maghapon. 'Wag po kayong mag-alala tapos na naman na 'yong ginagawa naming project dahil two days na namin 'yong ginawa."

"Dapat lang!" Napapikit ako dahil sa lakas ng ugong ng boses ng mga kuya ko.

"Kuya Max, Kuya Ming, relax lang. Pagod po ako baka puwedeng bukas nalang tayo mag-usap-usap?" Tumalikod na ako pero bigla akong pinigilan ni Kuya Ming. "B-Bakit kuya?" Tanong ko.

"Ano 'yang nasa puwetan mo?"

"Ano po?" Bigla akong napaisip kung ano ba ang nakikita nila ngayon sa puwetan ko. "Pumasok ka na sa kuwarto mo may tagos ka."

"Ha?" Bahagya akong nagtaka kung paano ako magkakaroon ng tagos kung sa next month na ulit ang next period ko. Dalawang linggo na akong tapos sa buwanan kong dalaw.

"Matutulog na kami. Sige, goodnight."

"Goodnight, Macey."

"Uh, g-goodnight mga Kuya." Ginulo lang nila ang buhok ko matapos ay tuluyan na nga silang pumasok sa loob ng kani-kanilang kuwarto.

Humilata kaagad ako sa kama ko matapos kong maligo at makapagbihis. Pero 'di maalis sa isipan ko 'yong dugo na nasa tokong ko kanina. Nakuha nga talaga ako ng lalaking 'yon kung sino man siya. Mabuti nalang pala at mahabang jacket ang suot ko kanina.

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa kisame. Masyadong maraming pangyayari ang hindi ko inaasahan kahapon. Break up at one night stand sa magkaibang lalaki. Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon.

Pagkatingin ko sa lamesa na katabi ng kama ko kinuha ko ang litrato ng masaya naming pamilya nung mga panahong buo pa kami. Tahimik lang akong humikbi. Pakiramdam ko ako na ang pinakamalas na babae ngayon.

Ano nalang ang sasabihin ng ibang tao sa akin kung sakaling lumaki ang tiyan ko pero wala naman akong nobyo o asawa. Iniisip ko rin kung paano ko ba sasabihin sa mga kuya ko ang nangyari sa akin. Nakakasigurado akong kakamunghian nila ako.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na inumaga na pala ako sa kakaisip at kakaiyak ko kagabi. Pagkatingin ko sa orasan, alas nuebe na pala ng umaga. Inayos ko na muna ang sarili ko bago ako muling magpakita kina Kuya ngayong araw.

Pero pagkalabas ko may iniwang isang sulat ang mga kuya ko sa akin na nakita ko sa ibabaw ng lamesa.

(May pasok kami Macey, ikaw nalang muna ang magsimba ngayong linggo. Babawi nalang kami sa susunod - Kuya Max at Kuya Ming)

Walang reaksyon akong umupo sa sofa matapos ko iyong mabasa. Nilibot ko ang tingin sa 'di kalakihang bahay namin ng mga Kuya ko. Napabuntong hininga ako at ngumiti ng mapakla.

Matapos kong kumain at magbihis nagtungo na kaagad ako ng simbahan. Mag-isa lang akong magsisimba ngayon.

Napapatingin ako paminsan-minsan sa may mga buo at masayang pamilya na magkakasama. Lahat sila masasayang tignan puwera nalang sa akin dahil nag-iisa lang ako ngayon pero hindi naman na ito bago sa akin. Higit ilang taon na rin naman ang lumipas nang maging lubusan na kaming maging ulila ng mga kuya ko.

Bahagya kong pinunasan ang luha ko.

Pinalakas ko nalang muli ang sarili ko. Ngumiti ako at muling humakbang papasok sa loob ng simbahan kahit pa mag-isa lang ako.

Pero may isa pa akong dahilan kung bakit nag-umaga akong pumarito. Ipagdarasal ko kasing sana ay makilala ko na ang lalaking naka-one night stand ko at sana'y may takot siya sa Diyos at malinis ang pagkatao niya at isa siyang mabuting ehemplo sa kapwa.







 Ipagdarasal ko kasing sana ay makilala ko na ang lalaking naka-one night stand ko at sana'y may takot siya sa Diyos at malinis ang pagkatao niya at isa siyang mabuting ehemplo sa kapwa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 4) of Campus Prince meets Gangster Princess
Written by MsjovjovdPanda
2018 All Rights Reserved
3rd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

Strong Parental Guidance

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon