Chapter 19

3.8K 121 6
                                    

Tinuktukan ko ang ulo ko nang makapasok ako sa loob ng kuwarto ko. Nandito ako ngayon sa kama ko at iniisip iyong mga sinabi sa akin ni Azen kanina. Five days akong matutulog sa bahay nila anong ipapalusot ko kina kuya Ming at kuya Max?

"Macey?" Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni kuya Max. Pagkatingin ko sa pintuan pumasok siya at sinundan pa ni kuya Ming.

"Oh, m-mga kuya nakauwi na pala kayo? Nga pala, kumain na po ba kayo?"

"Oo, sa labas. Ito may pasalubong kami para sa 'yo." Inabutan ako ni kuya Max ng paper bag na naglalaman ng maraming snacks kaya natuwa ako.

"Salamat kuya Max, kuya Ming..."

"Welcome. Sige, papahinga na kami."

"Ah sandali kuya Max kasi..."

Natigilan sila sa pag-alis nila. "Bakit?" Nakatingin lang sila sa akin.

"Kuya Max kasi... magpapaalam po sana ako."

"Saan naman?" Humugot muna ako ng malalim na hininga.

"Ah, baka 'yong tungkol sa camping n'yo ng five days?" Sabat naman ni Kuya Ming kaya nagtaka ako.

"Camping?" Aniko. Anong camping ang sinasabi niya?

"Oo. Yung kaklase mong si Thea tumawag siya sa akin kanina. Don't worry pinagpaalam ka na niya sa akin." Napapaisip ako sa sinasabi ni Kuya Ming. Pati kasi si Thea na katabi namin ni Malou sa upuan na pinaalis ni Azen pinagpaalam ako? "Max, payagan mo na. About naman sa school 'yon kaya I'm sure safe siya ron." Sabi pa niya sa nakakatanda naming kapatid.

"Ganon ba? Sige, bibigyan kita ng allowance para ron Macey. Basta mangako ka sa aming hindi ka magiging pasaway don. Naiintindihan mo?" Napa-oo nalang ako ng wala sa sarili. Nagtataka pa rin kasi ako hanggang ngayon sa sinabi ni kuya Ming.

Kinabukasan...

Kaagad kong pinuntahan si Thea na nakaupo na sa likuran ng classroom na dati naming katabi ni Malou pero dahil nga kay Azen napalipat siya rito. Hingal akong umupo sa tabi niya. "Thea, tumawag ka raw kay kuya Ming. Ano 'yong sinasabi mong camping ng five days?"

"Ah, paano ko ba sasabihin sa 'yo Macey? Kasi ano..." Inayos niya ang malaki at makapal niyang salamin.

"Ano?"

"Si Young Master Kang kasi..."

"Ano? Si Azen ba may pakana non?" Napatingin ako sa kawalan. "Magaling din talaga ang lalaking 'yon, siya na mismo ang gumawa ng paraan para maipagpaalam ako. Dinamay pa si Thea na walang kaalam-alam." Bulong ko.

"Hey, tignan n'yo nga naman, killer is here." Nang bigla kaming mapatingin sa papalapit na mga kaibigan ni Shaxa. Ang mga Queens. Pero dahil ayoko ng gulo pilit akong umiwas sa kanila pero bigla lang naman nila akong pinatid kaya sumubsob ako sa sahig.

Kaagad na nagtawanan ang buong klase namin. Nakita kong gusto akong tulungan ni Thea pero wala rin naman kasi siyang magagawa kaya umiling ako sa kanya na 'wag na siyang makialam baka kasi sa bandang huli siya naman ang pagtrip-an ng mga Queens.

Mabilis akong tumayo at pinagpagan ang naalikabukan kong palda. "Hey, don't tell me na fiancee ka ni Young Master Kang. Tandaan mo ikaw pa rin ang dahilan kung bakit namatay si Shaxa." Hindi pa sila nakontento tinulak pa nila ako dahilan nang muli kong pagkakaupo sa sahig.

Napatikom lang ako ng mga daliri ko pero naghahari pa rin sa akin ang pagpapakumbaba. Nananatili lang akong nakayuko hanggang sa dumating si Lantis pero nang makita niya ang sitwasyon ko hindi man lang niya ako tinulungan. Naupo lang siya sa upuan niya.






Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon