Chapter 7

4.3K 154 2
                                    

Macey's Point of View

Nagmamadali akong maglakad papalayo sa bahay ni Lantis habang umiiyak. Feeling ko napakadumi kong babae. Nakita na ni Lantis ang lahat ng kahibangan na ginawa ko kaya wala na akong mukhang maihaharap sa kanya.

Bumalik sa alaala ko 'yong pangyayari sa amin kanina lalo na nang makita niya ang mga kiss marked sa buo kong katawan. Paano pa kami magkakaayos dalawa? Siguradong kamumunghian na niya ako.

Panay patak ang mga luha ko habang mabilis na naglalakad. Inilugay ko nalang ang buhok ko at kinarga ko ang bag ko para matabunan 'yong nasira kong uniporme. Nakatabon 'yon sa dibdib ko hanggang sa muntikan na akong mahagip ng isang nagmamadali ring motor kaya panandaliang huminto ang mundo ko.

Muntikan na akong masagasaan kaya nalaglag 'yong bitbit kong bag ko. Pero may isang lalaki ang nagmagandang loob na tulungan ako. Yun nga lang, para matabunan ang sira-sira kong uniporme niyakap niya ako ng mahigpit.

Sa pagkakataong 'to nakaramdam ako ng isang karamay. Para bang bibigay na ang katawan ko ngayon at gusto ko nang ipikit ang mga mata ko dahil siguro sa sobrang bigat ng dinadala ko ngayon.

Pero dahil sa isang malakas na pagpit-pit ng isang sasakyan sa kinatatayuan namin natauhan ako. Kaagad kong tiningala ang itsura ng lalaking tumulong sa akin habang yakap-yakap pa rin niya ako. Pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino itong lalaki na tumulong sa akin.

"I-Ikaw..." Gulat kong sambit. Mahina kong naibigkas 'yon habang nakatitig sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa.

Hanggang sa gusto ko nang ilayo ang sarili ko sa kanya nang mapagtanto ko kung sino niya. Pero wala akong magagawa dahil kung bibitaw ako sa kanya, lalantad ang buo kong katawan na punong-puno ng kiss marked.

"Don't worry, you'll be fine." Kusa nalang akong napatango matapos niya 'yong sabihin sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maialis ang mga pagkakatitig ko sa kanya. Tila nahuhulog ako dahil na rin siguro sa maamo niyang mukha. Malayo sa pagkakaalam kong ugali niya.

Ilang segundo pa ang lumipas binalot ako ni Young Master Azen Kang ng jacket niya at inanyayahan niya akong manatili muna kami sa loob ng kotse niya. Nakatungo lang ako at hindi ko magawang magsalita. Nahihiya kasi ako sa kanya.

Ang pagkakakilala ko sa kanya, isa siyang mahigpit na kalaban ng Campus namin. Nag-aaral siya sa Kang Academy kung saan siya ang nagmamay-ari non. Isa rin siyang maimpluwensiyang tao pero hindi ko alam kung bakit tinulungan niya ako. Hindi ko inaasahang may puso rin pala ang mga kagaya niyang tao.

Pero kung magtatanong siya sa akin kung bakit marami akong kiss marked sa buo kong katawan, hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin ang dahilan sa kanya.

"Hey? Do you have a time to talk?" Bigla akong napalingon sa kanya nang magsimula na nga niya akong kausapin. Nagtagpo ang titigan namin.

Hindi ko alam kung bakit parang pamilyar ang mukha niya sa akin pero bakit nga ba magiging hindi siya pamilyar e kilalang-kilala siya nang kahit sino maging sa Campus namin.

"Hey? Why don't you want to talk?" Ulit pa niya kaya hindi ko alam kung ano 'yong magiging una naming conversation.

"Uhm, salamat. S-Salamat sa pagligtas mo sa akin kanina. Hindi ko makakalimutan ang ginawa mong pagtulong sa akin ngayong araw. Puwede na akong umuwi ngayon sa amin. Maraming salamat ulit."

Nagbigay galang ako sa kanya at nagtangka nang umalis pero mabilis niya akong hinawakan sa braso ko. Pinigilan niya ako kaya muling nagtagpo ang titigan namin. Pilit kong iniisip kong dati na ba kaming nagkita noon.

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon