Chapter 2

6.2K 158 6
                                    

Azen's Point of View

Pinalilibutan ng maraming babae sina Crop, Yu at Adamson ngayon. Sumasayaw sila habang may hawak pang alak. Pinagbigyan ko sila sa mga kahilingan nila dahil ginusto ko rin namang magrelax kami
ngayong gabi. Kagaya ng pagbati ng mga magulang ko sa akin kanina, masaya rin kasi ako sa itinatakbo ngayon ng F.O.L.

Nababawasan ang mga taksil sa napakaraming grupo at mga 'di sumusunod sa batas ko. Kung minsan pa kasi pinagkakanuno nila ang F.O.L para makagawa ng krimen.

Napangisi ako dahil kahit kailan, hinding-hindi ko mapapayagang may magtaksil na tauhan ko sa akin. At walang kahit sino man ang makakaagaw sa akin ng F.O.L. Dadaan muna sila sa napakaganda kong bangkay bago nila ito makuha sa akin.

"Guardians, take a drink. Don't worry, we're here for fun. I order you to cooperate for celebrating this kind of little celebration. No one will hurt us here, understand?" Nagkatinginan ang apat sa isa't-isa.

Nginitian ko sila. Inutusan ko muna silang magpahinga kahit pa ilang oras lang. Pinainom ko sila bilang pagrerelax na rin nila. Malakas naman ang loob kong wala namang mangyayaring masama sa amin rito kahit pa maparami ang mainom namin ngayon. At dahil inutusan ko ang mga Guardians ko na uminom ng alak at magrelax, mas naging masaya ang lahat ngayon at sabay-sabay kaming nagsasaya.

Nang makaramdam akong kailangan kong gumamit ng banyo tumayo ako at naglakad papalayo sa kanila. Pero hindi pa man ako gaanong nakakalayo mayroong isang babae ang biglang humigit sa akin.

"Ikaw!" Turo niya sa akin. Halatang nakainom siya. Tinignan ko lang siya ng may pagtataka. Lahat ng mga tauhan ko ngayon ay nakatingin na rin sa amin. Lahat sila gustong sumugod sa babae dahil sa pagkakalapastangan nitong hindi paggalang sa akin. Pero sumenyas ako na 'wag silang gagawa ng kahit anong gulo kung kaya't mga nakatingin lang sila sa amin ngayon.

"Ikaw lalaki! Kiss me!" Nagulat ang lahat sa sinabi ng babae sa akin. Parang wala ito sa sarili niya matapos ay kinuwelyuhan niya ako pero hinayaan ko lang 'yon. "Di ba sinabi kong halikan mo ako? Ano? Ayaw mo rin ba sa akin ha?!"

Napangiti nalang ako. "Why do you want me to kiss you?" Mala-anghel kong tinig. Pero bigla akong nakatikim ng isang sampal mula sa kanya.

"Kung ayaw mo, ako nalang ang gagawa non!" Naglapat ang labi naming dalawa. Kita kong napangiti ang Tres Killers sa ginawa nitong babae sa akin samantala ang mga Guardians naman ay napa aww.

Maya-maya pa hinigit ako nito sa necktie kong suot. Tinungo namin ang isang kuwarto. Tinulak niya ako sa kama at dumagan siya sa akin. "Ikaw lalaki, sabihin mo nga sa akin, maganda naman ako 'di ba? Sexy ako." Agad akong tumango. Habang nagsasalita siya maamo kong pinagmamasdan ang kabuuan ng mukha niya.

Simple lang ang mukha niya pero cute kung tititigan. Pangkaraniwan lang siyang babae. May malambot na buhok at makinis na balat at may malusog na hinaharap. Tama lang din ang kulay ng balat niya at ang tangkad niya sa mga kababaihan. Hanggang dibdib ko siya. Pero sa anong dahilan kung bakit kaya napili niya akong halikan?

"Oy! Nakikinig ka ba ha? Sabi ko kung masarap ba akong humalik?"

Nagbalik ako sa ulirat ko. "Of course." Magalang akong sumagot sa kanya habang bahagyang nakangiti. Kahit naman nakainom ako ay nasa tamang pag-iisip pa rin ako, pero itong babaeng nasa harapan ko ngayon, mukhang malakas na ang tama niya.

"Kung ganon, halikan mo ulit ako. Halikan mo ulit ako!"

Mas napangiti ako. Sa kakulitan kasi niya roon ako natatawa. At dahil inuutusan niya akong halikan ko siya, hinawi ko na muna ang mabango at malambot niyang buhok. Napapikit naman siya habang naghihintay na mahalikan ko siya.

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon