Chapter 12

4.4K 134 11
                                    

Kinabukasan...

Macey's Point of View

Agad naglabasan ang mga babaeng ka-schoolmates ko nang makita nilang paparating na si Azen at ang kasama pa niyang tatlo. Panay pa-cute ng ilang mga babae samantala nang mapatitig ako kay Azen nang papalapit na siya sa kinatatayuan ko, hindi ko alam kung bakit naging pink ang paligid ko at napalilibutan ako ng maraming puso.

"Hi Miss Ji, good morning~" Bati ng mga kasama niya sa akin pero tanging siya lamang ang nakikita ko sa mga oras na 'to ngayon.


"Hi Miss Ji, good morning~" Bati ng mga kasama niya sa akin pero tanging siya lamang ang nakikita ko sa mga oras na 'to ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Naging slowmo ang mga pagtitig ko sa kanya. Nagpacute rin ako ng mga ngiti ko dahil nakakalaglag panga talaga ang itsura niya lalo na kapag maamo ka niyang tinitigan. Napakaguwapo niya.

Pero bigla nalang akong natauhan nang nasa harapan ko na pala silang apat.

"Baby..." Tawag sa akin ni Azen kaya bigla akong nailang. Idagdag pa na inakbayan niya ako kaya nahagip ko ang tingin ng mga kaklase kong babae na naiingit sa akin ngayon.

Nang bigla ring dumating dito si Lantis kaya nagsalubong ang titigan namin. Pero umalis din siya kaya napayuko ako. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nalungkot. Hindi ko lang din siguro maiwasang hindi bumalik sa alaala ko iyong nakaraan naming dalawa noon. Kahit papaano ay minahal ko siya hanggang sa ngayon.

"Hey, come with me." Bigla akong hinatak palayo ni Azen at nagpatangay nalang ako. Palihim kong pinunasan ang mga luha ko.

Nang makarating kami sa canteen, nakayuko lang ako sa harapan niya. Kaming dalawa lang ngayon ang nandito. Nakasandal siya sa pader habang nakacross arms.

"Mahal mo pa rin ba siya?" Hindi ako nakasagot sa tanong niyang ito. Pinakikiramdaman ko rin ang sarili ko pero sa palagay ko mahal ko pa rin talaga si Lantis kahit ganon ang ginawa niya sa akin. "Take this." May inaabot siya sa aking panyo saka lang ako napatingin sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa.

Pero pinunasan niya ang mga luha ko sa pamamagitan ng daliri niya. "What If I tell you na niloloko ka lang niya? Hindi mo na ba siya iiyakan ng ganyan?" Mas lalo akong hindi nakasagot sa tanong niyang 'yon. Alam ko naman talaga na niloloko lang ako ni Lantis matagal na pero sadyang manhid lang talaga siguro ako.

Sunod-sunod pumatak ang mga luha ko nang maalala ko ang lahat ng nakaraan namin ni Lantis kung gaano ako noon naging masaya sa piling niya. Pero mas lalo akong napaiyak ngayon nang maalala ko kung paano nila akong dalawa niloko ni Shaxa.

Nang bigla akong yakapin ni Azen na bahagya kong kinagulat. "Macey, tutulungan kitang makalimutan si Lantis. Don't worry I am here by your side." Napatango ako sa sinabi niya at niyakap ko na rin siya pabalik.

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon