Chapter 29

3.4K 114 5
                                    

Ram's Point of View

"Handa na ba kayo sa susunod nating laro?" Tanong ni Azen sa aming dalawa ni Zoe habang nakatingin pa rin kami sa bangkay nina Frank at Chris.

Tikom na tikom na ang mga daliri ko ngayon at gustong-gusto ko ng sugurin si Azen ano mang oras. Nagpipigil lang ako ng galit dahil alam kong wala naman akong laban sa kanya lalo't nasa teritoryo niya kami.

"Demon..." Sambit ko kaya napatingin ang lahat sa akin ngayon. "You're a Demon..." Ulit ko pa habang nanlilisik ko siyang tinignan. Samantala siya nananatili lang na kalmado at ngumiti pa siya.

"Alam mo bang... hindi lang ikaw ang tumawag sa akin ng ganyan? Hindi na bago sa akin 'yan, moron. Pangkaraniwan nalang." May pagngisi niyang sagot at napaseryoso naman ako.

"Hindi ko alam kung paano mo pang nasisikmurang mabuhay ng marangal sa kabila ng lahat ng ginagawa mo. Susunugin 'yang kaluluwa mo sa impyerno dahil isa kang walang puso!" Sinigawan ko na siya. Gusto ko ng kumawala sa pagkakatali sa akin pero hindi ko talaga kaya.

"Tss, don't try act to be innocent kiddo. Ano pa kaya 'yong gusto mong mangyari kahapon sa grupo ko? Hindi ba't isang gawain din 'yon ng isang demonyo?" Hindi ko inaalis ang masama kong pagtitig sa kanya. "Hindi ba't gusto mo kaming ipapatay? But I just wanted to say sorry dahil nagkabaliktad tayo ngayon ng sitwasyon. Ang masaklap pa non, bukod sa nadamay na ang mga kaibigan mo, tss, mukhang susunod na 'yang girlfriend mo." Sabay tingin niya kay Zoe.

"Hayop ka!" Singhal ko sa kanya.

"Talaga? Akala ko ba demonyo ako? Bakit ngayon hayop naman ako? Anong klase ba ako kung ganon?" Napakiskis ako ng ngipin dahil sa galit ko sa kanya. Namimilosopo na kasi siya. At nang hindi ko siya sagutin tumawa nalang siya nang tumawa. "Okay, okay, hindi ko na patatagalin pa 'to. You have to say goodbye to each other."

Bigla nalang napaluha si Zoe matapos naming marinig 'yon mula kay Azen. Umiiling-iling siya at sa pagtitig niya palang kay Azen nagmamakaawa na siya. Hindi siya makapagsalita dahil may sapal siya ng panyo sa bibig niya kaya nang alisin 'yon ni Azen halos magkanda iyak siya sa pagmamakaawa.

"I'm sorry, please, patawad kung lumabag ako pero sana naman may natitira pang awa riyan sa puso mo. Please let us go. Wala na ang mga kaibigan namin, iniwan na nila kami at hindi pa ba sa 'yo sapat ang kabayaran na 'yon? Please maawa ka. Maawa ka sa amin, Azen." Kulang nalang ay lumuhod siya.

Pero mabilis na umiling si Azen sa sinabi niya kaya nadissapoint siya. Patuloy lang siyang napaiyak dahil mukhang wala sa bukabolaryo ni Azen ang salitang awa. "Hindi ko sinabing humingi ka sa akin ng awa, because I want you to say goodbye to him." Sabay tingin ni Azen sa akin habang nakangisi.

Muling naman akong pumalag dahil sa mga narinig ko. Kung hindi lang talaga ako nakatali ngayon ay mapapatay ko siya ano mang oras. Nang mapatingin naman si Zoe sa akin halata ang pagsisisi niya at kawalan ng pag-asa.

"Hindi. Don't look at me like that. Don't ever lose hope dahil kahit anong mangyari hinding-hindi ko mapapayagang patayin ka ng Azen Kang na 'yan!" Singhal ko pa. Hindi na sumagot si Azen kundi ngumiti lang siya habang nagcross arms.

Maya-maya pa ay napaluha na rin ako at nilihis ko ang tingin kay Zoe dahil ayokong ipakita sa kanya na humihina na rin talaga ang pag-asa kong mabuhay pa kaming dalawa rito.

"I love you, Babe." Mahina niyang bigkas na tila ba parang nagpapaalam na siya sa akin. Umiling-iling naman ako dahil hindi ko sukat akalaing dadating kami sa ganitong sitwasyon. "I-I just wanted to say that I'm happy that I met you. Mahal na mahal kita. Always remember that, okay?"

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon