Chapter 75

2.9K 93 49
                                    

Macey's Point of View

Naisip kong maglakad-lakad sa palibot ng restaurant matapos naming mag-usap ng Daddy ni King. Napakaganda kasi ng kapaligiran ng restaurant. Punong puno ito ng mga halaman at may magandang mga palamuti at pailaw kaya gusto kong mapag-isa.

Pero hindi ko lang sukat akalaing kilala pala ni Azen ang Daddy ni King. Sadyang napakaliit talaga ng mundo. Kung hindi naman ako makikipagdeal sa Daddy ni King malamang matatagpuan ako ni Azen na ayaw ko namang mangyari.

Pero speaking of Azen nagulat nalang ako nang makita ko siya rito sa harapan ko. Bigla nalang siyang sumulpot. "A-Azen? Paano mong nalaman na nandito ako? Anong ginagawa mo rito?" Sunod-sunod kong tanong. Akala ko ba hindi sasabihin ng Daddy ni King sa kanya na kasama nila ako pero bakit nandito si Azen?


"Macey, you need something to know about kaya pinuntahan kita rito. Your life is danger here lalo't kasama mo si Santiago Sebastian." Hinawakan niya ang kamay ko. "Please, bumalik ka na sa amin, Caleb needs you." Nagkatitigan kami matapos niya 'yong sabihin. Pero hinawi ko siya.

"Azen, please, umalis ka nalang dito. Iwanan mo nalang ako." Tinalikuran ko na siya pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya ako sa braso ko. "Macey, listen to me, si Santiago Sebastian at si Death Snake ay iisa. Siya ang nag-utos kay Darius na kuhain sa atin si Caleb. Mapanganib siya!"

Naguguluhan ko siyang tinignan. "Azen, mabait ang mga magulang ni King. Please, 'wag kang lumikha ng kuwento."

"Macey, I am not creating stories. Lahat ng sinabi ko ay totoo. Masasamang tao ang mga kasama mo ngayon. Drug lord ang mga magulang ni King kaya sumama ka na sa akin!"

"Hindi ako sasama sa 'yo, Azen!" Muli ko siyang tinalikuran pero niyakap niya ako patalikod kaya natigilan ako.

"I need you too, Baby..."

Pagkalingon ko sa kanya maamo niya akong tinignan. Nangungusap ang mga mata niya. Nagkatitigan kami pero hindi ako nagpadaig sa ginagawa niya. "Azen, minsan mo na akong pinaikot at niloko. Ayoko ng maulit 'yon."

"Pero Macey hindi na mauulit 'yon. Kung gusto mong magmakaawa ako rito sa harapan mo sumama ka lang sa akin I'll do it." Lumuhod siya sa harapan ko na siya kong ikinagulat, "Please, bumalik ka na. Kailangan ka namin ni Caleb."

"Macey?" Nang bigla nalang naming
marinig ang boses ni King. Hinahanap niya yata ako kaya kaagad kong pinaalis si Azen. "Nandito ka lang pala." Sinalubong ko siya na para bang hindi kami nagkita ni Azen.






Azen's Point of View

"Boss, bakit hindi mo nalang hinarap 'yong King Sebastian? Baka mamaya may mangyaring 'di maganda kay Miss Ji." Ani Crop. Nasa limousine na ako.

"Ayaw sumama sa akin ni Macey. Isa pa, masisira ang plano ko kapag nagpakita ako sa anak ni Death Snake. Hindi nila maaaring malaman na alam ko nang kasama nila ngayon si Macey." Sagot ko.

"Pero paano 'yon, iiwan natin si Miss Ji rito?" Tanong ni Yu.

"We would not leave her. Susundan natin sila."






King's Point of View

"Macey, are you okay?" Napansin kong tulala siya sa labas ng bintana ng kotse kaya pinansin ko siya. "Masyado ka bang napagod ngayong gabi?" Tanong ko pa. Pauwi na kami kasama sina Mom and Dad.

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon