Chapter 49

3.2K 120 28
                                    

Kinabukasan...

Macey's Point of View

Nagtataka ako kung bakit hindi kami dumeretso ni Azen sa Kang Academy ngayon. Natingin-tingin lang ako sa paligid ng dinadaanan namin dahil hindi ko alam kung saan kami patungo.

"Azen, saan tayo pupunta?" Hindi na ako nakapagtiis na 'di magtanong.

Ang nakakapagtaka lang don wala man lang siyang kahit sinong kasamang bodyguards. Siya ang nagda-drive ngayon habang kaliwa't kanan ang tingin niya sa labas ng side mirror. "Baby, we're going to party later. For now, we need to buy a dress for you."

"Party?" Pagtataka ko.

"Yeah." Inihinto niya ang sasakyan sa isang sikat at mamahaling fashion botique. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil ito yata ang unang araw na makakapasok ako rito.

"A-Azen, ano pa lang klase ng party 'yong pupuntahan natin?" Pagkababa namin hinawakan niya ako sa kamay habang papasok kami sa loob.


"I'll explain it to you later. We need to hurry." Tinignan niya ang orasan niya sa wrist at tuluyan na nga kaming nakapasok sa loob. Nagtataka man ako pero sinunod ko nalang siya.

Habang inaayusan ako—nakatingin lang ako sa kanya dahil parang busy na busy siya sa mga katawagan niya sa cellphone at kung hindi naman ay busy siya sa kakapindot niya sa laptop niya. Nahihiwagaan man ako pero nagfocus nalang ako sa ginagawang pag-aayos sa akin.

At nang matapos akong ayusan napangiti ako nang makita ko ang sarili ko ngayon. Nilagyan ako ng simpleng make up at binihisan ako ng simple dress but elegant. Color black and white na kumikinang ang suot ko ngayon.

"Young Master, we're done." Matapos 'yong sabihin ng isa sa mga nag-ayos sa akin nilingon ako ni Azen habang namimilipit ang mga paa ko sa daliri. Nagbublush ako habang nilihis ko ang tingin ko sa kanya. Itinigil niya ang ginagawa niya at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

"You're so beautiful." Sambit niya at mukhang nabighani siya sa ayos ko ngayon. Hinawakan niya ang kamay ko at inikot niya ako. Gandang-ganda siya sa akin. Nang bigla niyang hinigit ang bewang ko dahilan para magtama ang katawan naming dalawa.

"Baby, from now on, mark in your mind, I want to be your husband as soon as possible. I want you to stay by my side every minute."

Hindi ako makatitig sa kanya ng deretso. Hindi kasi ako makapaniwala na nagustuhan niya ako sa ganitong simpleng pagkakaayos ko. "Thank you." Ayon na lamang ang lumabas sa bibig ko. Nahihiya pa rin kasi akong tumitig sa mga mata niya.

Inalalayan niya ako hanggang makalabas kami roon at makapasok sa loob ng kotse niya. Pero 'di pa man kami umaalis may inilabas siyang isang maliit na box na kulay blue na siya kong pinagtaka. "Baby, this is for you."

"S-Sa akin?" Gulat ko.

Mabilis siyang tumango habang nakangiti. Binuksan niya 'to sa harapan ko na siya kong mas lalong ikinagulat. Naglalaman kasi ito ng sing-sing na pinalilibutan ng crystal. Kumikinang pa at mukhang mamahalin. Kinuha niya 'yon at hinawakan ang kanan kong kamay. Isinuot niya 'yon sa akin.

"Yeah, since you are my girl." Sagot niya sabay hinalikan niya ako sa noo ko kaya maamo kong tinanggap ang halik niyang 'yon. Hindi ako nakapagsalita. Siguro hindi lang din talaga ako makapaniwala sa mga ginagawa niya para sa akin ngayon. "Let's go now." Tumango ako at nagsimula na nga kaming umalis.

***

Bumungad sa akin ang isang eleganteng party matapos naming makarating sa sinasabi ni Azen. Aaminin kong kinakabahan ako ngayon dahil ito yata ang unang pagkakataon na nakapunta ako sa ganitong klase at kalaking okasyon.

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon