Chapter 54

2.7K 90 1
                                    

Azen's Point of View

Bigla akong nagtaka sa sinabi ni Kuya Max sa akin sa kabilang linya nang tumawag siya sa akin ngayon ng dis-oras ng gabi. "But I escorted her there at exactly seven pm. Paano pong nawawala si Macey?" Sagot ko.

Ibinaba na niya ang tawag. Natataranta raw sila ni Kuya Ming dahil hating gabi na wala pa sa bahay si Macey na inaakala nilang kasama niya ako.

"Boss, anong nangyari?" Agad namang nagsipagpuntahan ang mga Tres killers ko sa loob ng kuwarto ko.

"Nawawala raw si Macey. Get the car ready." Utos ko. Agad akong bumangon sa kama at nagmadali akong nagbihis.

Kunot-noo kong tinutungo ang sala. "Anak, saan ka pupunta? May nangyari ba?" Nang bigla akong makita ng Daddy ko na naririto.

"Something happen to Macey. At kapag nalaman kong may kinalaman si Victoria rito humanda na siya." Mariin kong sabi at tinalikuran ko si Daddy na nagtataka.






Dazu's Point of View (Azen's Father)

Wala akong nagawa nang talikuran ako ni Azen, ang bunso kong anak, kaya sinundan ko lang siya ng tingin na nagmamadaling umalis.

"Anong nangyari, Hubby? Si Azen ba 'yon?" Sabi ni Shimi, ang asawa ko na may hawak na tray na naglalaman ng dalawang mainit na coffee para sa aming mag-asawa.

"May nangyari raw kay Macey, wifey." Sagot ko. Sinundan pa rin namin siya ng tingin hanggang sa pasakay na siya ng kotse kasama ang mga Tres killers.

"Guardians, sundan n'yo sila." Utos ni Shimi nang lapitan niya ang mga Guardians na nagkakainan sa kusina. "Yes Master."






***

Yu's Point of View

"Boss, posible ba talagang si Victoria ang may gawa nito?" Ani Adamson. Kunot-noo lang na nakatingin si Boss sa labas ng binata ng kotse at 'di umiimik. Nasa byahe na kami ngayon.

"Kung 'yong pagpapanggap niya bilang baliw na paniwala niya si Macey, malamang may iba pa siyang magagawa higit don. And If there's something happen to Macey, she's dead." Madiin niyang sabi kaya nagkatinginan kaming mga Tres killers sa isa't-isa.

Maya-maya pa biglang umilaw ang tablet na hawak ni Crop kaya napatingin kami ni Adamson don. Pagbukas niya may kagimbal-gimbal na nagpost sa Facebook Group ng Kang Academy at ang nilalaman non ay si Miss Ji. May video ito kung saan niroromansa siya ng 'di namin kilalang mga lalaki kaya kinabahan kaming napatingin kay Boss Azen.

"B-Boss, tignan mo 'to." Sabi ni Crop sabay ipinakita niya kay Boss ang nakaLive video ni Miss Ji.

Habang nakatitig si Boss sa video pigang-piga na ang mga daliri niya at kunot-noo siyang nakatitig don. Magtago na sila oras na malaman namin kung sinong master mind nito dahil siguradong hindi sila palalampasin ni Boss Azen. At habang tumatagal tumaas ang views non at ang dami pang nagco-comment kaya binato ni Boss ang tablet.

Maya-maya pa may biglang tumawag sa cellphone niya kaya sinagot niya agad 'yon. "Boss, na-detech na namin kung nasaan si Miss Ji ngayon. Magkita-kita ho tayo sa BARcode." Rinig naming sabi ng isa sa mga kasamahan namin kaya mabilis na ibinaba ni Boss ang cellphone niya.

"Go there, quickly!" Utos niya. Halata sa mga mata niya ang paghihiganti. Naghahanda naman kami ngayong mga Tres killers kung sakaling mapapasabak kami sa labanan.






Azen's Point of View

Mabilis akong bumaba ng Limousine kasunod ng mga bodyguards ko at mga Tres Killers nang marating namin ang na sabing lugar. Pinalilibutan naman ng ilan ko pang mga tauhan ang kabuuan ng BAR kasama ang Guardians. Naghahanap sila ng ibidensya kung sino man ang maaaring may kagagawan nito.

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon