Chapter 5

4.7K 131 1
                                    

Kinabukasan...

Macey's Point of View

Ibinaba ko na ang cellphone ko matapos kong makatawagan si Malou sa kabilang linya kanina. Hindi siya makakapasok ng almost two weeks dahil namatay ang Tito niya. Nasa Italy siya ngayon kasama ang Mommy niya.

Napabuntong hininga nalang ako. Pero kailangan kong maging matapang kahit mag-isa lang akong papasok ngayon ng Campus.

"Hey, that stupid girl. Mag-isa lang yata?" Nagpigil ako ng galit ko matapos ko 'yong marinig mula sa schoolmates ko.

"Wala pa ba talaga siyang balak na umalis dito sa school natin? Hindi siya nahihiya? Manloloko." Napakunot ang noo ko pero patuloy pa rin ako sa paglalakad papasok sa loob ng Campus habang nakayuko. Ayoko nalang silang patulan.

"Babe, look!" Pero bigla nalang akong napaangat ng ulo matapos kong marinig ang kinaiinisan kong boses. Napahinto na rin ako sa paglalakad.

Si Shaxa Go, ang umagaw sa akin kay Lantis, ang ex-boyfriend ko. Pinapalabas niyang two timer ako at pinagkakalat nilang may iba akong lalaki dahilan kung bakit daw ako hiniwalayan ni Lantis pero wala namang katotohanan ang lahat nang 'yon. Matagal na pala nila akong niloloko.

Nakatitig lang ako ngayon sa kamay ni Lantis na nakaakbay kay Shaxa. Halata namang pinagseselos ako ni Shaxa dahil panay ang lambing niya kay Lantis habang nasa harapan nila akong dalawa.

"Babe, she's still in love with you. Tignan mo kasi ang mga pagtitig niya sa 'yo. 'Yang manloloko na 'yan ang lakas pa ng loob magpakita rito. Hey, two timer!" Sigaw ni Shaxa sa akin kaya hindi na ako nakapagpigil pa.

"Hindi ako two timer!" Kaagad kong napukaw ang atensyon ng lahat matapos kong sumigaw. Magkatitigan kami ni Lantis habang nagpapanggap namang inosente si Shaxa.

"Really? Itatanggi mo pa e nagkalat na kaya 'yong mga pictutes n'yo ng lalaki mo sa social media. You keep hiding it even there's evidence already?" Naguguluhan ko silang tinignan.

"Ano? You cannot say a word? Ang dumi mo naman pala talagang babae. Pati sa bar nakikipaglandian ka. Are you a prostitute?" Mas lalo akong naguluhan nang sabihin 'yon ni Shaxa kaya biglang bumalik sa isipan ko ang lalaking nakaone nightstand ko nung isang gabi nang mag-inuman kami ni Malou sa isang exclusive bar.

At kung 'yon ang tinutukoy niya, paano nila nalaman ang tungkol don gayong kaming dalawa lang ni Malou ang nakakaalam tungkol don.

"Gosh, hindi siya makapagsalita. It means true." Dagdag pa ng mga kaibigan ni Shaxa.

"Macey, I didn't expect that you did that. Halos hindi ka nga magpahalik sa akin tapos may itinatago ka naman palang baho? So, totoo pala talagang niloloko mo lang ako."

Agad kong binigyan ng isang malakas na sampal si Lantis matapos kong marinig 'yon mula sa kanya. Hindi ko na rin napigilang hindi mapaluha.

"Ano? Totoo ba? My gudness, okay namang umamin ka sa harapan naming lahat. Hindi ka naman na makakatanggi e may paiyak-iyak ka pa riyan." Anas pa ni Shaxa kaya hindi ko na napigilan ang pagiging emosyon ko.

"Kayo ang mga manloloko! Pinagkakalat n'yong two timer ako pero ang totoo niyan ikaw Shaxa, matagal ka nang may gusto kay Lantis kaya inagaw mo siya sa akin! Pinalalabas n'yo akong may lalaki ako pero binaliktad n'yo lang ang sitwasyon. Hindi ako isang prostitute pero malaya kayong laitin ako dahil 'yan ang gusto ninyo!"

Umiiyak akong tumakbo papalayo sa kanilang lahat. Napadpad ako sa balcony kung saan walang katao-tao. Nakita ko ang mga nagkalat kong pictures sa facebook page ng Campus namin kasama ang lalaking nakaone nightstand ko kahit pa malabo ang pagkakakuha sa lalaking 'yon, malinaw naman ang pagkakakuha sa akin na mukha ko ang nasa pictures na 'to.

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon