Chapter 55

2.8K 88 1
                                    

"Anak, anong nangyari sa kanya?" Gulat na tanong ni Mommy. Napatayo na rin si Dad. Napatanggal pa nga siya ng salamin na nakasuot sa mata mga niya.

"Dalhin mo siya sa kuwarto mo, anak. Ako ng bahala sa kanya. Manang, pakihanda ng towel na may maligamgam na tubig at mga damit na puwedeng masuot ni Macey at dalhin mo sa kuwarto ng Young Master mo."

"Yes po Ma'am." Nagmadaling nagsikilos ang mga katulong namin habang paakyat kami sa taas.

Nang maihiga ko si Macey sa kama ko mabilis kaming nilapitan ni Mommy. Naaawa niyang tinignan si Macey lalo nang humihikbi pa rin ito habang nakapikit at dumadaing. "Anak, 'wag kang mag-alala magiging okay din siya. Sandali, saan ka pupunta?" Pigil ni Mommy sa akin nang makita niya akong papalabas ng kuwarto.

"Anak, malalim na ang gabi. Ipaubaya mo na 'yon sa mga Guardians at Tres killers. Mas kailangan ka ni Macey ngayon dito." Dagdag naman ni Dad na kakapasok lang dito kaya napaisip ako.

Maya-maya pa naupo na ako ngayon sa sofa at 'di na tuluyan pang umalis dahil may point sila. Napakunot-noo akong napatitig sa kawalan nang tinabihan ako ni Daddy. "Dad, I saw Victoria there." Bunyag ko. Nagtaka naman sila matapos ko 'yong sabihin.

"Ano namang ginagawa ni Victoria ron anak?" Tanong ni Mom na sa ngayon ay pinupunasan na ng maligamgam na tubig si Macey.

"Yan ang dapat kong malaman, Mom. At kapag talagang may kinalaman siya rito hinding-hindi niya magugustuhan ang gagawin ko." Mariin kong sabi.

"Anak, ako ng bahalang magpaimbistiga rito. 'Wag ka ng mag-alala pa." Ani Dad at tinawagan niya ang mga Guardians. Nakaloud speaker ang phone niya. Pero binungad siya ng pagrereport na nakita nga raw nila si Victoria roon na nagmamadaling tumakas kaya nagkatitigan kami nila Mom at Dad sa isa't-isa. Ibinaba na niya ang phone niya.

"See, dad?" Ani ko. Hindi na sila nakaimik pa dahil naniwala na sila sa sinabi ko. Ngayon, humanda na si Victoria at magbilang na siya ng mga natitira niyang araw.






Kinabukasan...

Macey's Point of View

Nagising nalang akong may kaba sa dibdib ko. Napaupo ako kasabay ng pagtingin ko sa kapaligiran ng kuwarto. Nagulat ako ng iba na rin ang suot kong damit kaya kaagad kong hinanap ng tingin sa paligid si Azen.

"Baby," Pero nawala ang kaba sa dibdib ko nang marinig ko ang boses niya na kalalabas lang ng cr. At sa 'di ko malamang dahilan bigla ko nalang siyang nilapitan at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Natatakot ako, Azen." Bigkas ko.

Ramdam kong napabuga siya ng hininga. Niyakap niya rin ako pabalik at hinimas niya ang likuran ko. "Don't worry baby, it will not happen again, I promise. I'm sorry kung nangyari sa 'yo 'yon. Hindi kita na bantayang mabuti."

Mabilis naman akong umiling. "May kasalanan din ako, Azen. Akala ko kasi nandon ang mga magulang mo. Akala ko kakausapin nila ako kasama si Victoria kaya pa—"

"Anong sinabi mo si Victoria?" Pinutol niya ang sinasabi ko at kaagad niya akong binitiwan sa pagkakayakap. "Anong kinalaman nila Mom at Dad dito kasama si Victoria?" Naguguluhan niyang tanong.

Nang biglang pumasok ang mga magulang ni Azen dito sa loob ng kuwarto niya kaya nang makita ko sila tuluyan akong bumitaw sa pagkakayakap kay Azen. Napayuko ako habang nakaharap sa kanila. "Baby, continue what you're saying." Sabi ni Azen sa akin.

"Hija, 'wag kang matakot sa amin. Puwede ba naming malaman kung paano ka napunta sa BAR na 'yon kagabi?" Tanong ng Mommy ni Azen sa akin kaya napatingin ako sa kanya pero napayuko nalang ulit ako.

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon