Chapter 45

3.2K 103 2
                                    

6 days later...

"Are you now satisfied?" Tanong sa akin ni Azen matapos naming makapunta sa huling burial ni Lantis.

Naglalakad-lakad kami ngayon sa Park dahil nagyaya ako. Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin at mag-isip-isip dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa sinapit ni Lantis.

"Okay na ako." Mahinahong kong tugon. Umupo kaming magkatabi sa bench. Nang bigla niya akong ikulong sa mga bisig niya na siya kong kinagulat. Napatingin pa nga ako sa mga ilang couples na nandito rin.

"Now I just followed what you want, baka puwedeng 'yong kundisyon ko naman ang pag-usapan natin ngayon?"

"D-Don't worry, hindi ko nakakalimutan." Bigla akong kinabahan at hinarang ko ang mga braso ko sa dibdib ko. Ano bang nangyayari kay Azen?

"Good." May pagngising niyang sagot. "Starting on monday sabay na tayong papasok don." Tinitigan niya ako pero 'di ko alam ba't napalunok ako.

"N-Naiintindihan ko. Pero puwede bang umalis ka riyan sa harapan ko? Masyadong maraming tao rito Azen. Nakakahiya." Lumingon-lingon ulit ako sa paligid. Mabuti na nga lang at gabi na. Hindi nila kami makikilala.

"Okay." Ngumiti siya at umayos na sa pagkakaupo. "Gusto mo bang maglakad-lakad sa banda ron?" Alok niya.

"Puwede naman."

"Come." Inaabot niya sa akin ang kamay niya. Nang mapatitig ako sa kanya parang may kakaiba sa kanya. "Halika na." Inalalayan niya ako sa pagtayo ko at inakbayan pa niya ako habang naglalakad kami. Sobrang close namin. May kakaiba talaga ngayon sa kanya. Sobrang sweet niya.

Ikinain niya ako sa labas matapos naming maglakad-lakad. At nang mayroon kaming madaanan na bilihan ng stuffed toys ibinili niya rin ako. Sobrang sweet niya talaga ngayon sa akin. Ang gentleman din niya habang nagkukuwentuhan kami. Pinagsaluhan din namin ang ngiti ng bawat isa sa tuwing magkukuwento siya ng sobrang corny. Hindi ko lang lubos maisip na may ganito pala siyang side. Masarap siyang kasama.

Nang maiparada niya ang kotse 'di kalayuan sa bahay namin ng mga kuya ko, dahil hinatid niya ako, hindi ko alam kung paanong pagpapaalam ang gagawin ko sa kanya. Yakap-yakap ko lang kasi 'yong stuffed toys na ibinili niya sa akin kanina.

"Um, salamat pala, Azen." 'Di ako makatingin sa kanya ng deretso. Feeling ko sasabog sa kaba ang dibdib ko.

"Thank you for what?"

"Huh? Uh, dahil dito." Pakunwari kong tinukoy ang stuffed toys na binili niya sa akin pero sa totoo lang napasaya kasi niya talaga ako ng husto.

"You are welcome." Nginitian niya ako kaya muli kong nakita ang napakaguwapo niyang mukha dahilan kung bakit ako nagblush.



"S-Sige bye!" Mabilis akong bumaba sa kotse niya at nagmadaling tumakbo papasok sa loob ng bahay namin. Napasandal ako sa likuran ng pintuan pagkapasok ko sa loob. Napakagat labi pa nga ako at itinakip ko sa mukha ko ang hawak kong stuffed toys. Kinikilig kasi ako at 'yon ang totoong dahilan.

Kinabukasan...

"Macey, gising! Bilisan mo!" Rinig kong boses ni Kuya Max.

Kinakalampag niya ang pintuan ng kuwarto ko at napakalakas talaga ng boses niya. Napakamot ako sa ulunan ko habang nakapikit pa ng mga mata. "Ano naman kaya 'yon? Hays, inaantok pa kaya ako. Ang ingay ni kuya Max, tch." Tumayo na ako bago pa man niya masira ang pintuan ng kuwarto ko. At bumungad nga siya sa akin na para bang tumama sa lotto. "Ano bang nangyari sa 'yo kuya Max?" Humikab kong sabi. Samantala si Kuya Ming gulo-gulo pa ang buhok niya na kalalabas lang din ng kuwarto niya.

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon