Chapter 87

1.5K 65 1
                                    

Kinabukasan...

Crop's Point of View

Habang kumakain ako ng Dominos pizza kasama sina Yu at Adamson at ang mga Guardians dito sa salas parang nakaramdam ako ng pagkahilo. Winilig ko ang mukha ko. Hindi ko alam kung sadyang puyat lang ba ako o inaantok.





Azen's Point of View

Pagkapunta ko ng salas tinignan ko ang lahat ng mga tauhan ko na naririto. "Boss, salamat sa maagang treat. Ang sarap ng pinaorder mo." Turan ni Adamson. Nagkakatuwaan sila habang kumakain.

Pero ako nagtaka. "What are you talking about?" Tanong ko. Pero hindi ko na lang sila pinansin bagkus ay nagtungo ako ng kusina. "Manang?" tawag ko sa katulong namin. Kumuha ako ng maiinom sa ref matapos ay muli kong tinawag ang katulong namin. "Manang, padalhan nalang kami ng breakfast sa taas." Utos ko.

Pero sadyang nakakapataka kung bakit parang tahimik ang buong kapaligiran maging ganon din ang mga tauhan ko na nasa salang nagkakasiyahan kanina.

Minasdan ko ang paligid, wala namang kahit anong naandito. Minabuti kong muling bumalik sa salas kung saan nandon ang mga Tres Killers at Guardians ko pero nagulat ako nang makita kong lahat sila ay mahimbing ng natutulog ngayon. Napailing nalang ako kasabay ng pag-akyat ko sa itaas tapos napahinto ako. Napaisip ako kung bakit doon na lamang sila natulog at sabay-sabay pa.

Pero hindi ko na lamang ulit sila pinansin bagkus ay nagtuloy-tuloy pa rin akong bumalik ng kwarto namin ni Macey. Pero pagbukas ko pa lamang ng pintuan kaagad akong binungad ng mga pagsuntok at pagsipa ng mga lalaking hindi ko kakilala. Mga nakatakip sila ng mukha.

"What the—sino kayo?!" Aniko habang iniilagan ko ang mga pagsuntok at pagsipa nila sa akin ngayon. Nang makita ko naman si Macey wala siyang malay samantala iyak nang iyak si Caleb. Kita ko ring basag basag ang mga bintana ng kwarto ko. "Back off!" Sigaw ko. Matitinding pagsuntok at pagsipa ang mga pinakawalan ko sa mga kalaban ko dahil mukhang dadalhin nila ang mag-ina ko papalabas.

Kung babalikan ko ang mga pangyayari, hindi sadyang natulog ang mga Tres Killers at Guardians ko. Isa pa, saan galing 'yong pizza? Nasaan ang mga katulong? "Macey!!" Sigaw ko nang tuluyan nilang naibaba sina Macey at Caleb.

Hindi ko matakasan ang mga lalaking kanina pang kumakalaban sa akin dahil malalakas at marami rin sila. "Macey!!" Muli ko pang sigaw. Hanggang sa mapatumba ko sila nagmadali akong tumingin sa ibaba ng bintana.

Kitang-kita ko na isinakay sina Caleb at Macey sa isang itim na van. "Damn!" Anas ko kasabay ng mabilis na pagbaba ng hagdan. Pagkapunta ko ng sala tulog na tutulog pa rin ang mga Tres Killers at Guardians. Minabuti kong amuyin ang mga pizza na kinain nila pero wala man lang kahit anong bakas na pangpatulog 'to.

Iniwanan ko na lang sila at minabuti kong paandarin ng napakatulin ang kotse kong sinakyan ko. Kinakailangan kong maabutan ang van na nakita ko sakay sina Macey at Caleb kanina.





***
Shimi's Point of View

Pagdating namin sa Mansion nagtataka kami ni Dazu kung bakit nakabukas ang gate namin. Mabilis kaming bumaba ng kotse kasunod ang mga tauhan namin. "Go inside and check the whole Mansion." Utos ni Dazu sa kanila kaya't mabilis silang nanakbo papasok sa loob. Baka kasi may hindi kanais nais na nangyari habang wala kami.

Maya-maya pa, 'di pa man kami ganoong nakakapasok ng gate bumalik agad sila. "Masters, may hindi po magandang nangyari sa loob." Sabi niya kaya't nagmadali kami sa paglalakad.

"Azen! Macey!" Tawag ko pagkapasok na pagkapasok namin.

Nagulat naman kaming nakatitig sa mga Guardians at Tres killers dahil tila wala silang malay lahat. "Masters!" Nagmamadali namang bumaba ang tatlo pa naming tauhan na nagmula sa itaas. "Wala po sina Young Master sa itaas. Basag po 'yong mga bintana at magulo 'yong kwarto!" Hayag niya.

Mabilis kaming nagkatitigang mag-asawa. "Hindi maaari 'to..." Sambit ni Dazu.

Kaagad kong tinawagan ang mga Black Sapphire Gang. Hanggang sa lumipas na ang ilan pang mga oras nagsasagawa na kami ngayon ng plano. Nagpakalat na rin kami ng mga tauhan namin sa buong lugar. At nagising na rin ang mga Guardians at Tres killers kung kaya't nagpaliwanag sila sa amin. Inakala nilang si Azen ang nagpaorder ng mga kinain nila kanina.

"Mom, Dad," Ani Ashily kasama ang mga Black Sappire Gang nang dumating sila rito. Kaagad kaming humarap sa kanila.

"Anak, kailangan nating maibalik ng ligtas dito sina Azen. May hinala na kami kung sino ang pwedeng gumawa nito." Aniko.

"Si King. Siya lang sa ngayon ang pinaghihinalaan namin." Hayag naman ni Dazu.

Tumango naman si Ashily. "Makakaasa po kayo na maibabalik namin sila ng ligtas, lalong lalo na si Azen."

"That's good. Aasahan namin 'yan. Ito 'yong mga nakita namin mula sa CCTV camera." Ipinakita namin sa kanila ni Dazu ang mga nakita namin sa CCTV at mga pangyayari sa loob ng salas at labas ng bahay.

Hindi namin makita ang mga pangyayari sa loob ng kwarto ni Azen dahil wala roong CCTV. "Yung plate number ng van, makakatulong 'yan." Saad ni Ashily.

"Pero malayo. Hindi natin maaninag ng husto." Sabi naman ni Fexcel, ang ranked number two sa Black Sapphire
Gang. Anak nila Kazu at Ayesha.

"'Wag kayong mag-alala, tutulong din kami." Nang biglang dumating ang mga old Black Sapphire Gang kaya napalingon kaming lahat. Nagkatitigan kami ng mga dati kong ka-Gang sa panahon namin noon ni Dazu. Nakipagkamayan kami sa isa't-isa sa Gang hand sign namin noon.

"Kung ganon, tapusin na natin 'to para matahimik na si Azen." Tumango ang lahat sa matapang kong pagkakasabi. Nagkatitigan kaming lahat ng seryoso.





(Book 4) of Campus Prince meets Gangster PrincessWritten by MsjovjovdPanda2018 All Rights Reserved3rd Generation of KANG SERIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 4) of Campus Prince meets Gangster Princess
Written by MsjovjovdPanda
2018 All Rights Reserved
3rd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

Strong Parental Guidance

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon