Chapter 4

5K 137 6
                                    

"Grabe, ang kapal ng mukha, pumasok pa talaga siya." Bungad ng mga ka-schoolmate ko sa akin nang makita nila ako ngayon dito sa Campus namin.

Ngunit nang marinig 'yon ni Malou, hindi na siya nakapagpigil pa. "Hoy! Kayong mga chismo—"

"Beshi, hayaan mo nalang sila." Pinigilan ko ang kaibigan ko.

Napayuko nalang ako nang bumalik sa isipan ko 'yong pakikipagbreak-up sa akin ng ex-boyfriend ko two days ago.

"Macey, ang mabuti pa nga 'wag na natin silang pansinin pero ngayon lang dahil kapag mas may malala silang ginawa sa 'yo papatulan ko na talaga 'yang mga 'yan!" Pagtataray pa ni Malou. Pinagtitinginan na kami ngayon ng mga ka-schoolmates namin. "Ano? Anong tinitingin-tingin n'yo?" Dugsong pa niya. "Tusukin ko mga mata n'yo e!"

Napatikom ang daliri ni Malou pero hinawakan ko 'yon, umiling ako at pinahihiwatig ko sa kanyang 'wag siyang lumikha ng gulo.

Minabuti naming pumunta ng CR. "Kasalanan 'tong lahat nung Lantis Dong na 'yon e!" Sigaw ni Malou. "Hindi naman alam ng lahat na siya talaga ang may kasalanan at hindi ikaw. Nakita mo siyang may kasamang ibang babae tapos siya ang nakipagbreak sa 'yo. Ikaw ang niloko niya. Binaliktad niya ang pangyayari. Mali ang bali-balita!" Tahimik lang ako habang nakikinig sa kaibigan ko. Nakayuko lang ako at walang planong magsalita.

"Isa pa 'yong Shaxa Go na 'yon! Halata namang plinano nila 'tong dalawa ni Lantis. Nakakainis! Ang tagal ka na pala nilang niloloko. Gustong-gusto ko na siyang kalbuhin sa harapan ng maraming tao!" Nang tignan ako ni Malou kusa nalang bumaba ang temper niya nang makita niyang palihim na akong umiiyak.

"Beshi, 'wag ka ngang umiyak diyan. Hindi ako sanay e." Ani 'to. Nag-aalala niya akong niyakap at ni-comfort.

Hanggang sa lumipas ang mga oras at natapos ang klase namin. Wala kaming ibang narinig kundi ang pag-usapan ako. Isang walang kuwentang araw ito para sa akin. Paano pa kaya sa mga susunod na araw? Mabuti nalang at may kaisa-isa akong best friend na hindi ako iniiwan.

Naupo ako sa isang bench nang maghiwalay kami ng dereksyon ni Malou sa pag-uwi. Naluluha na naman ako pero pilit kong nilalabanan ang lahat ng pangungutya sa akin ng mga tao.

Muli ko na namang naisip ang namayapa kong mga magulang.

"Mom, dad, kung hindi ba kayo namatay ng maaga hindi ba mangyayari sa akin 'to?" Turan ko sa sarili. Sa mga oras na 'to ang bigat na naman ng pakiramdam ko.

Nang bigla kong mapansin ang ex-boyfriend kong si Lantis Dong na papasok sa isang magarang gusali kasama ng napakaraming kalalakihan kung kaya't na-curious ko silang sinundan ng tingin.

"Anong ginagawa niya rito at sino 'yong mga kasama niya?" Tanong ko sa sarili.






Azen's Point of View

"Lantis Dong, what is our purpose to be here?" Tanong ko nang imbitahan niya akong kumain at uminom sa isang magarang restaurant. Nasa likuran ko ang Tres Killers at Guardians habang may mga bodyguards din siyang kasama.

"Before that, please accept our gratitude me and my dad, soon to be C.E.O of Kang Group Mister Azen Kang." Inilapag niya ang isang maliit na kulay itim na box sa harapan ko kaya naman kinuha 'yon ng isa sa mga Guardians ko. Sila muna ang kumilatis sa laman nito habang nakatingin lang si Lantis Dong sa kanila at presintable naman akong nakaupo kaharap siya.

"Young Boss, the box contains the one key." Bulong ni Damon sa akin.

"Young Master Kang, we would like to deal with you if you help our company." Saad naman ni Lantis. Napangisi ako ng bahagya sa narinig ko. Ito kasi ang gustong gusto ko, ang pakikipagkasundo sa akin.

Don't make a Deal with Me, Jerk! (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon