Chapter 1

1.1K 23 12
                                    

First day of school is my greatest nightmare. Lalo na bilang transfer student. Bagong bahay, bagong school, bagong mga mukha at panibagong pakikipagsapalaran na naman.

Nandito ako ngayon at nakatayo sa harap ng aking bagong papasukan. Hindi ko alam bakit kailangan ko pang lumipat ng school samantalang ang mga kapatid ko ay nanatili naman sa amin sa Laguna. Alam kong may rason si Mama kaya lang ayaw niyang sabihin sa akin. Ang tanging pag- asa ko na lamang ay si Papa pero 'di rin sya kumontra.

Simple lamang ang buhay namin. Hindi kami mayaman, hindi rin naman mahirap, kumbaga sa gitna lang. Hindi naman sa binababa ko ang mga magulang ko pero hindi ko talaga inasahan na makakatuntong ako dito sa paaralang ito. Kung ta-tansyahin halos kalahating milyon ang tuition dito kada taon. Saan naman sila nakakuha ng pera? Okay lang naman sa akin kung public school lang ako, mas lalong okay kung kilala ko ang mga tao dito kaso hindi.

I snapped back to reality when someone poke my shoulder.

"Ma'am, ano pa pong ginagawa nyo diyan? Mag-uumpisa na po ang klase." agad na nanlaki ang mata at dagliang napatingin sa aking relo.

7:50?! Antagal ko naman nakatayo dito at di ko namalayan ang oras?!

"Sige, Kuyang Guard, salamat po. Pero saan po ba dito ang Tourism's Building?" baka maligaw pa ako dito mas mabuti ng sigurado.

"Ah, deretso lang po kayo. May makikita naman po kayong malaking building sa gitna na may nakalagay na Tourism." tumango muli ako sa kaniya saka nagpasalamat. Grabe naman ako mag-emote at inabot ako ng ganitong oras.

Pagpasok ko sa gate ay agad akong nalula sa laki ng school na ito. Sulit naman pala ang tuition dito kung ganito lang din naman kaganda.

"Aray!"

At dahil nga busy ako sa pagtingin sa paligid ay hindi ko nakita ang grupo ng lalaking nakabunggo sa akin.

"Tss. Stupid." Sino? Ako?

Tumayo ako saka pinagpag ang aking puwetan. Buti na lang at hindi ko agad kailangan mag-uniform kundi baka hindi na lang ako mag-aral sa ikli ng palda dito.

"Get out of our way." 

"Hindi ka ba marunong mag-sorry?!" inis na tanong ko. Ang lawak-lawak ng daan tapos hindi man lang gumilid 'e sila itong nakatingin.

"Tss. You're nonsense." Ako pa talaga?!

"Napaka-antipatiko mo! Kayo na nga ang nakabangga sa akin tapos---"

"Oh, shut up." bagot nitong saad.

"Pasalamat 'to at late na ako, naku." bulong ko bago sila inirapan. Napatingin ako sa paligid at napakunot ang noo ng mapansing para silang mga na-estatwa sa kanilang mga kinatatayuan.

"Problema nitong mga 'to?"

"Hahaha. Transferee ka ba?" tanong nung isang may hawak na gitara. Bali dalawa silang may hawak na gitara pero electric guitar ata yung isa.

"Obvious ba?" inis kong tanong.

"That's why you don't know us." nangingiting sabi pa nito.

"Paki ko naman sa inyo." natawa ang tatlo sa sagot ko maliban na lang 'dun sa isang anak ng sama ng loob. Tss, ang lalim pa naman ng boses, bakla naman. At paano ko nasabi? Syempre! Sino ba ang papatol sa babae kundi bakla lang naman diba?

"Bakla ba 'to?" wala sa sariling tanong ko. Sa pagkakataon na 'yon sila humalagpak sa tawa. His forehead creased then throw me a dagger look. Oops.

"You want me to kiss---"

"Hep, mamaya na 'yan. Late na ako kaya 'pag nagkita na lang tayo tsaka mo sabihin 'yan. Sige na! Sibat na'ko." mahirap na 'no.

Hindi ko na pinansin ang tawanan 'nung tatlo at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Nagulat ako ng may sumabay sa akin maglakad. "Hi!" ani 'nung lalaking may hawak na electric guitar kanina.

"Bakit?"

"Wala lang. Gusto lang kitang sabayan." natatawang sagot niya.

Tumingin ako sa likod at napansin na sumusunod din sa amin yung mga kasama niya kanina.

"Bakit sila sumusunod sa'tin?" lumingon din sya saka napailing.

"Hindi sila sumusunod dito din kasi daan nila. I'm Zyren, by the way. " inilahad niya ang kaniyang kamay. "Donna." hindi ko tinanggap ang kamay niya kaya nahihiyang ibinaba niya 'yon.

"Alam mo---"

"Hindi ko alam at wala akong balak malaman. Ang daldal mo kalalaki mong tao. Pero salamat sa pagsabay sa akin at lumayo ka nga dahil pwede na akong iburol bukas sa sama ng tingin  sa akin ng mga babae dito." inirapan ko siya bago ako pumasok sa aking classroom. Buti na lang at alam ko ang section ko.

Endless Love (Amity Series #1) UNEDITEDWhere stories live. Discover now