Chapter 13

184 8 1
                                    

Sinasabi ko na nga ba at pinagti-tripan lang ako ng lalaking iyon. Hindi naman sa umasa ako pero umasa talaga ako! May pasabi-sabi pa siyang we're not done yet, 'e nasaan siya ngayon?!

Pagtapos kasi namin mag-usap sa kusina ay hindi na niya ako pinansin. Nang maglunes naman ay kinain ako ng hiya kaya heto ako ngayon at nagtatago sa kaniya. Pero imposible naman na hindi niya ako makita! Kung talagang hinahanap niya ako.

"Puta, ang gulo ko din, 'e." biglang usal ko. Napatingin agad ako sa paligid ng marinig ko ang tawanan ng aking mga kaklase. Sa sobrang tahimik ba naman namin dahil nga may pa-special quiz itong si Prof Malena ay talagang maririnig ako kahit may kahinaan 'yon.

Hinanda ko na ang aking sarili kung sakaling pagalitan ako ni prof. Agad akong kinabahan ng maglakad siya palapit sa akin. Shuta, ang ingay ko kasi.

"Vilasco."

"P-prof?" nangatal ang kamay ko sa kaba kaya agad ko itong itinago sa ilalim ng aking mesa.

"Saan ba ang magulo?" mahinahong tanong ni Sir kaya nakahinga ako ng maluwag. Buti hindi siya galit.

"Ah, o-okay na po, sir." tanging saad ko na lang dahil baka maissue akong favoritism. Iba pa naman utak ng mga tao sa Pilipinas, tsk tsk.

"You sure?" tumango ako kaya bumalik na siya sa harap. Bago pa siya makarating sa kaniyang lamesa ay hinarang siya ni George.

"Sir, I can't understand this question po, 'e. Can you help me?" maarteng usal niya na sinulyapan pa ako bago irapan. Tss, pabebe.

"Oh, sure. You just to need pick letters since it's multiple choice." natawa ako pati na rin ang iba dahil sa sagot ni Prof. Sininghalan naman ako ni George at saka umupo. Ako lang ba tumawa?

Siguro hindi lang ako ang nakakapansin pero iba talaga ang pakikitungo sa akin ni Prof Malena. Hindi siya matanda at gwapo pa kaya naiisip ko tuloy kung type niya ako. Geez.

"Class dismissed." agad akong tumayo para iwasan ang pagsasabay namin ni Perse.

I was about to go when someone grab my arm.

"A-ano...may g-gagawin---"

"And what again is your reason this time? Homework? We have none. Are you going to pee or poop? Then let me come with you. I will wait you outside the comfort room, let's go." hinawakan ni Perse ang kamay ko saka ako hinila.

"P-perse!" huminto siya at hinarap ako.

"Are you avoiding us?" seryoso ang boses niya kaya bahagya akong kinabahan. Hindi kasi ako sanay na ganiyan siya.

"B-bakit naman? Busy lang ako." hindi ako makatingin sa kaniya. Sa mga nagdaang linggo kasi ay hindi ako sumasama sa kanila. Kila Brionny lang ako parati. Napilitan pa nga silang sa labas na kami ng school kumain ng lunch kahit na takot sila sa araw at iyon ay para lang samahan ako.

I know they’re looking for me and they might be wondering why I’m not showing up to them. Perse always asks me if I will go with them but I always refuse him. And it was all Adriel's fault.

If he didn't said that, I would've  be with them. He even told me I was flirting with his damn friends!

"Tae, nakikinig ka ba?!" nagising ang diwa ko sa inis na boses ni Perse.

"Bakit? May sinasabi ka ba?" napasapo siya sa kaniyang noo. 'E, malay ko bang nagsasalita siya riyan.

"Bwisit. Tara na nga!" akmang hihilahin niya ulit ako ng may humigit sa braso ko. Tangina, bakit ba lagi akong pinag-aagawan?!

Endless Love (Amity Series #1) UNEDITEDWhere stories live. Discover now